The Impostor

2844 Words

“Mabuti ang naisip mo na lumipat ng lungga, Braedan,” ani Claudiu na nag-iinat pa. Kagigising lang nila ni Braedan at ng iba pang Demonic Vampire mula sa mahabang pagtulog. Narito sila ngayon sa basement ng isang malaki at lumang bahay-bakasyonan. Kagabi lang ay pinagpyestahan nilang lahat ang mag-anak na nagkataong nagbabakasyon lang sa bahay na ito. “Dahil kung hindi tayo agad umalis sa kuwebang iyon, malamang kasama tayong naging abo ng mga Nosferatu na iyon.” Bumangon si Braedan mula sa pagkakahiga sa lumang kama. Pinagpag pa nito ang suot na black tuxedo. “Sinabi ko na sa iyo, Braedan, masama ang kutob ko sa dalawang lalaking iyon sa mansyon. Mga vampire slayer sila at may palagay ako na isa sa kanila si Blackfire. Tapos na ang paghahanap natin.” “Ano ang gagawin natin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD