Blackfire

2182 Words

Sa gitna ng paghigop nang mainit at matapang na kape ay itinuloy nina Don Leandro Duarte at Armand Mondragon ang kuwentuhan kinaumagahan. Tahimik lamang na nakikinig si Arabella. Sumasabat lang siya kung kailangan. Narito sila ngayon sa loob ng silid na kinaroroonan ng Ragnor. Lihim niyang pinagmasdan ang kabuuan ni Armand. Matangkad ito at matipuno. Sa edad na limampu’t pito ay bakas pa rin ang kakisigan nito at ang palatandaan na minsan ay naging isa itong mahusay na mandirigma na katulad ng kanyang lolo. Sa pagkakatitig niya sa mukha ni Armand ay parang pamilyar na ito sa kanya kahit noon lang niya ito nakita. Para bang nakita na niya ito somewhere o parang meron lang itong kamukha. Nang biglang pumasok sa utak niya ang mukha ni Draven. Pero imposible. Paano naman magiging kahawig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD