In The Arms Of A Vampire

1596 Words

“Lubirea mea…” Biglang nagmulat ng mga mata si Arabella. Dilat na dilat siya. Kahit bagong gising siya ay malinaw niyang narinig ang tinig na dinala ng hangin sa kanyang mga pandinig. “Draven?” lakas-loob na bulong niya. “Ako nga. Ipagpaumanhin mo ang pagpukaw ko sa iyong pagtulog. Nais ko lamang na masilayan ka at makasama kahit ilang sandali,” may pagsusumamo sa tinig. Hindi siya kumilos mula sa pagkakahiga. Nakapako lang ang kanyang mga mata sa kisame ng kanyang silid ngunit gumagana naman ang kanyang utak. Nagtatalo ang kanyang isip at puso. Gusto niyang makitang muli si Draven. Gustong-gusto. Kung alam lang nito na labis niyang kinasasabikan ang pagsapit ng dilim at ang muling pagdalaw nito sa kanya at kung maaari ay ulitin nila ang ginawa nila noong isang araw sa tabing-ilog.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD