“Don Leandro! Arabella!” Mga sigaw iyon ni Aurea na gumulat kina Arabella at Don Leandro kinaumagahan. Magkasalong nag-aalmusal silang maglolo sa patio. “Ano ba’ng nangyayari, Aurea? Bakit ang aga-aga ay nag-eeskandalo ka?” inis na tanong ni Don Leandro dahil sa naudlot na paghigop sana ng kape. “Oo nga naman, Aurea? May problema ba?” tanong naman ni Arabella habang pinapanood ang tumatakbong si Aurea. Aurea stopped in front of them, still catching her breath. Pinilit nitong magsalita sa gitna ng mga hingal. “Galing ako sa palengke kanina. Narinig ko ang mga usap-usapan. May tatlong bagong bangkay na natagpuan na naman. At pulos sila taga-rito. Katulad sa naunang bangkay kahapon ang paraan ng pagpatay. May dalawang butas sa leeg at sinipsip ang dugo.” Bahagyang natigilan si Don

