bc

Once Upon a Time in Tukuran

book_age12+
230
FOLLOW
1K
READ
self-improved
dare to love and hate
tragedy
twisted
sweet
bxg
heavy
kicking
illness
lonely
like
intro-logo
Blurb

Do you believe in fairy tales?

Mary, a woman who didn’t believed in fairy tales, but happiness? Maybe. All she wanted was to live her life in the way she wanted. As simple as that.

But what if… her life’s perspective would change? When she suddenly met this unexpected person who sometimes engaged with trouble. A person who would caught her attention in an unexpected way. And would show her the real meaning of reality and freedom.

Once upon a time in Tukuran, there was an innocent woman—well, not totally innocent met this unexpected person that would make the woman realized that fairy tales are really impossible to exist.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“ANO pa ba ang kulang?” bulong na tanong ko kahit wala naman akong kausap. Nakatingin lang ako sa study table ko dito sa kwarto ko na may tambak na mga papers na nagpapatong-patong. Studies. Studies. Studies. Studies. Fourth year college na ako pero parang ang layo pa ng lalakbayin ko para makatapos sa kurso kong Bachelor of Arts major in English as Second Language. Gaano ba kahirap mag-aral? Depende pero para sa akin—ewan. “Mary? Bumaba ka na, kakain na,” rinig kong boses mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. “Busog pa ako,” sabi ko naman at tumayo. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. “Ano ba ang kinain mo at busog ka?” tanong niya—ng Mom ko na nasa labas ng pinto ng kwarto. “Kailangan mo pa ba na malaman? Kayo na nga lang ang kumain. Busog nga ako,” may inis na sabi ko. Humiga ako sa kama at hinalukat ang cellphone ko. Nakarinig naman ako ng papaalis na yapak. Hindi ko na iyon pinansin at itinuon ulit ang atensiyon sa ginawa ko sa cellphone ko. Nagugutom ako pero kaya ko namang tiisin. Ang hindi ko kayang tiisin ay ang makasabay ang mga taong hindi ko kadugo—my stepfather and ten year old stepsister sa hapagkainan. Almost half a year na akong ganito—hindi sumasabay sa pagkain nila. What for? I didn’t hate them, I just didn’t feel their having their presence. My Dad died last year at mayroon nang ipinalit si Mom. Just like that? Iniisip ko nga na may relasyon na sila before my Dad died dahil ang bilis niyang palitan si Dad. I thought, our family was perfect. Everytime my Dad tolds about his love story with my Mom, it seems perfect, but it really wasn’t. I just assume those things, it was not real at all. My Dad was a story teller, that’s why, I really loved fairy tales, but when he died, everything turned upside down. I missed him. I really missed my Dad. Naramdaman ko naman ang butil ng luha na umagos sa magkabilang mata ko. Napapikit na lang ako at ibinaba ang cellphone ko sa gilid ng kama. I hope that everything right now was just a dream—a nightmare. Niyakap ko na lang ang unan at hinayaan ang sarili na tahimik na umiyak. I didn’t hate my Mom. I wanted her to be happy, but I need an explaination sa mga nangyayari. She didn’t mention anything or even speak a little words just to clarify her side. Kaya nalilito ako at may kaunting galit sa mga biglaang pangyayari. I closed my eyes. Hinayaan kong lamunin ang sarili ng kadiliman hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. NAGMAMADALING kinuha ko ang backpack ko at mabilis na nilisan ang kwarto. “Buwisit na alarm clock!” inis na bulong ko. Nag-alarm ako kaso hindi tumunog. Kailangan yata ng battery. “Kumain ka na muna, Mary!” rinig kong sigaw ni Mom mula sa kusina pagkababa ko. Dalawang palapag ang bahay namin. Hindi sobrang malaki o maliit, sakto lang. “I’m good. Saka late na ako. Aalis na ako,” agad na sabi ko nang makita siyang papalabas sa kusina at palapit sa akin. Mabilis naman akong naglakad papunta sa pinto na labasan ng bahay. “Ihahatid na kita, Mary,” rinig kong sabi ng lalaking dinala ni Mom dito sa bahay. I didn’t know if totoong mabait siya o nagbabaitan lang to impress my Mom. Wala akong pakialam. “No, thanks,” mabilis na sabi ko bago tuluyang nakalabas ng bahay. Pumara ako ng traysikel. Medyo malapit lang ang school sa bahay naming pero kailangan kong sumakay ng traysikel dahil madali akong mapagod. “Sa JHC State College po,” sabi ko kay Manong na nagmamaneho at mabilis na pumasok sa traysikel. Agad naman siyang tumango at pinaandar ang sasakyan. Minute passed by, nakarating din ako. Finally! Nagugutom na ako. I need to eat! May ilang minuto pa naman ako bago magsimula ang klase. “Salamat,” sabi ko kay Manong at nagbayad ng sampung piso. Bumaba rin naman agad ako sa traysikel. Naglakad ako papunta sa isang gilid kung saan may nagtitinda ng pagkain. Habang palapit sa may kaliitang tindahan ay binubuksan ko naman ang backpack ko para kunin sa loob ang pera ko na nasa wallet. “Dalawang pastel, Manang,” sabi ko sa isang nagtitinda malapit lang sa gate ng school. Agad akong nagbayad nang iabot niya ang pastel. Sampung piso ang isa. Pastel—kanin na may adobong manok na nakabalot sa dahon ng saging. Ito ang madalas kong agahan at tanghalian sa school. “Hoy! Mary!” Muntik na akong mabulunan dahil sa gulat nang sumulpot si Angel mula sa likuran ko. “Ano ba ang problema mo?” may inis na tanong ko sa kanya nang maayos ang sarili. “Ang taas talaga ng pride mo ‘no? Ayos lang kahit forever ka nang kakain ng breakfast at lunch dito dahil hindi mo pa rin kayang makipagsalamuha sa stepfather at stepsister mo! Ang galing!” sarkastiko niyang sabi. “Salamat sa compliment,” pairap na sabi ko. She was my so close friend s***h classmate since first year college. She knew almost of my life. I trusted her at mukhang mapagkakatiwalaan din naman siya. I’ve known her for almost four years na rin. “Cold water nga, Manang,” sabi ko sa nagtitinda ng pastel. Inabutan niya naman ako at nagbayad din ako. “Pumunta kaya tayo sa Pagadian? Kumain tayo sa restaurant doon, wala namang restaurant dito sa Tukuran e,” nakangusong sabi ni Angel. “Anong trip mo?” nakakunot noong tanong ko habang sumusubo ng pastel. “Hello? Bakit ka nagtitiis dito sa pastel? Ang yaman niyo, Mary! Saka bakit ka nandito sa Tukuran? Dapat ay sa malayo ka nag-aaral. Sa malalaking skwelahan, sa magarang—” Pinutol ko naman ang sasabihin niya. “Hello? Anong mayaman ang pinagsasabi mo? May tinitira ka ba? Ha? Angel?” “Your mother was a master teacher! Your father was an engineer! And your stepfather was a lawyer!” pasigaw na sabi niya. “Sinisigawan mo ba ako?” seryosong sabi ko. “Hindi.” “Hindi kami mayaman, okay? And I couldn’t just leave this place. Dito lumaki si Dad at dito rin ako lumaki kaya dito lang ako.” “I couldn’t believe it! Change kaya tayo ng buhay?” “Baliw,” sambit ko. Tinapon ko ang dalawang dahon ng saging na wala ng laman sa basurahan. Inubos ko ang cold water na binili ko saka naglakad papunta sa gate ng school. “You were not that rich, but you have a complete family. And you should be contented of what you have,” sabi ko nang maramdaman si Angel sa tabi ko. Papasok na kami sa loob ng campus. “You were right. And you should not speak english like that. Were you a foreign? Speak tagalog, okay?” Napatawa at napailing-iling naman ako sa sinabi niya. “BUTI pa si Cinderella, nahubad lang ang sapatos—may prince charming na. Ako, naghubad na lahat, wala pa rin,” rinig kong sabi ng isa sa mga lalaki kong kaklase. Tumawa naman ang ibang kaklase ko na nakikinig sa kanyang kabaliwan na pinagsasabi. “Alam mo, duda ako kung may magandang future ba ‘yang si Eric,” bulong ni Angel sa akin. Nakatingin siya sa kinaroroonan ni Eric na siyang nagbabasa ng kung ano-anong weird na bagay. Magkatabi lang kami ng upuan kaya ang dali niyang makipag-usap sa akin. “Hayaan mo siya, wala naman siyang ginagawa sa ‘yo. Sarili mo kaya ang pagtuunan mo ng pansin,” sabi ko naman. “Oo na! Kahit kailan talaga, hindi ko bet ang uniform dito. Bakit kasi color yellow? Tapos palda pa! At polo ng babae na pang-itaas, kainis!” “Ngayon ka pa magrereklamo? Fourth year college ka na, Angel. Ngayon pa?” “Busy ako sa pag-aaral e, kaya hindi na ako nagreklamo sa uniform.” Hindi ko naman siya pinansin sa mga pinagsasabi niya. Ewan ko talaga kung bakit kami nagkasundo. Biglaan ang mga pangyayari. “Good morning.” Agad kaming napaupo ng maayos nang biglang pumasok ang instructor namin. “Miss Mary Santiago, I need you to do a task tomorrow. It was a part of your responsibility as a Vice President of the school’s student council. I would like to talk about it later. For now, I wanted you to pass your revised thesis by group,” bungad na sabi ni Ma’am Romero—ang aming major teacher sa AB-IV ESL. Hindi na ako umangal pa dahil totoo rin naman talaga na Vice President ako ng council. Who was the President? Nasa kabilang course siya. Hindi rin kami masyadong close. “Ano kayang mayro’n bukas?” rinig kong tanong ni Angel na katabi ko. “Malay ko,” sagot ko naman. Itinuon ko na lang ang atensiyon sa hawak kong thesis book. Tiningnan ko muna ang laman bago tumayo para ipasa kay Ma’am Romero. By group ang thesis, by two at tama, sino pa nga ba ang puwede kong makapartner? Malamang si Angel na. “I’m so happy dahil nakapartner ako ng mabait na, matalino pa! I was feeling blessed!” sabi ni Angel at tumawa ng mahina nang makaupo ako sa tabi niya. “Salamat talaga, Mary. I owe you a lot! Hulog ka ng langit!” “Hindi enough ang flowering words mo. At may naitulong ka rin naman sa thesis kay tigil na. Naiingayan na ako sa ‘yo e.” “Ano ka ba! Hindi ka na nasanay? Almost four years na akong ganito sa ‘yo ‘no!” natatawa niyang sabi. Napabuntong hininga na lang ako at hindi siya pinansin. Itinuon ko na lang ang atensiyon sa harap kung saan nagsisimula nang magturo si Ma’am Romero. She was a thirty-five year old teacher in our school. She was married and has two kids. I can say na she was good at teaching. Tamang-tama lang siya magturo kaya gusto ko siya na teacher sa amin. “I would check your thesis later. For now, I wanted you to get a whole sheet of paper...” sabi ni Ma’am Romero. We followed her instructions and as usual, our class with her went well. “MAGKITA ulit tayo bukas, Mary! Bye!” sabi agad ni Angel nang makababa ako sa traysikel. Kumaway siya habang nakasakay sa traysikel. Itinaas ko naman ang kamay ko at ngumiti ng tipid. Ilang sandali lang ay pinaandar na rin ng drayber ang traysikel papalayo sa kinaroroonan ko. Hindi ako nagbayad dahil nasa kay Angel ang pamasahe ko, she didn’t treat me... I did. Hinarap ko ang gate ng bahay namin at binuksan iyon. I glimpsed at the garage at wala akong nakitang Black SUV car doon. That means, my stepfather already gone—I mean, nasa trabaho na siya. It took months for him to come back home. Great! Pumasok agad ako sa loob ng bahay. Ibinaba ko ang backpack ko at inilagay sa may sopa sa sala. Naglakad ako papunta sa kusina. Nang makarating ay agad akong naghanap ng makakain. I found some leche flan at adobong manok. Kinuha ko iyon at inilagay sa mesa. Kumuha agad ako ng kutsara bago umupo sa may upuan at nagsimulang kainin ang pagkaing nakita ko. Well, not bad. Of course, my mother was a great cook ever since. “Ate? Can you help me with my assignments?” rinig kong tanong ni Katie which was my stepsister. Bigla na lang siyang sumulpot sa kusina. “No,” mabilis na sagot ko at tumayo na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Inayos at hinugasan ko ang pinagkainan ko. Madali akong matapos kumain. “I could help you later, baby. Wait for me upstairs, okay?” rinig kong sabi ng Mom ko. Akmang aalis na sana ako sa kusina nang magsalita siya. “Kamusta sa school?” tanong niya. I didn’t bother to look at her. “Should I really answer that?” pabalik na tanong ko. I didn’t mean to be mean with her pero hindi ko maiwasan. I just couldn’t control my anger. Naiisip ko si Dad sa tuwing nakikita ko siya. She was still my Mom, but... I just couldn’t be nice to her right now. She sighed. “May bagong lipat sa harap ng bahay natin. She was a friend of mine. Gusto ko sana siyang dalhan ng pagkain pero naghihintay na si Katie sa akin sa itaas. Could you gave the food to her?” Hindi ako umimik. Naramdaman ko naman siyang naglakad papunta sa refrigerator. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Nanatili ang tingin ko sa labasan ng kusina. “Here. I was not sure if nandiyan ba siya, but I was sure na may tao sa kanila. This would be a welcome gift from us to them.” Kinuha ko naman ang isang may kalakihang tupperware na nilagay niya sa mesa. Naglakad ako palabas ng kusina na hindi nagsalita o tingnan man lang siya. Nagtuloy-tuloy ang paglalakad ko palabas ng gate sa kabilang side ng kalsada. Nang makarating sa harap ng gate ng isang may kalakihang bahay na bago lang natapos ay pinindot ko ang doorbell. Ang sosyal naman. Matagal ko nang napansin ang bahay na ‘to simula pa noong itinayo ito hanggang ngayon na natapos na. Halatang mayaman talaga ang may-ari dahil mukhang kalahati lang nito ang bahay namin. “Who the hell was that?” bungad na sabi ng isang lalaking kakagising lang yata? Halata kasi sa g**o niyang buhok at sa mata niya papikit-pikit pa. Kung titingnan ay mukhang magka-edad lang kami. “Were you here to play with the doorbell? Look, kid—” Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang iabot ko sa kanya ang tupperware. So sad, hindi niya agad kinuha kaya diretso sa may tiyan niya ito tumapat. Itinulak ko pa iyon dahilan para hawakan niya. “Walang anuman,” walang ganang sabi ko at naglakad pabalik ng bahay. Nang makapasok sa gate ay isinara ko ito. Tiningnan ko ang relo ko—it was already five in the afternoon. Four in the afternoon ang out namin sa school at eight in the morning naman ang pasok. Mukhang makakapagpahinga ako ngayon ng maayos lalo na’t wala kaming assignment o activity. Kinuha ko ang backpack ko sa sopa sa may sala bago umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko. Habang naglalakad ay huminto ako. Bago ko marating ang kwarto ko ay madadaanan ko muna nag kwarto ni Katie. At ngayon ay nakatayo ako sa pinto ng kwarto niya kung saan ito nakabukas ng kaunti. “Mommy? Ayaw ba sa akin ni Ate Mary? She hated me?” rinig kong tanong ni Katie. Hindi ko makita ang mukha niya. Tanging boses lang ang naririnig ko. “No, baby. There were things that you didn’t understand, but I was very sure that Ate Mary was not angry with you. She didn’t hated you, okay? Maybe, she was just tired kaya hindi ka niya matulungan sa assignments mo,” rinig ko namang sabi ni Mom. “Really? I hope, I could hang out with her when she was not tired,” may lungkot naman sa boses na sabi ni Katie. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko. I locked the door and directly went to bed. I started starring at the ceiling quietly. Sabi nila, kapag may mawawala, may darating. If that was true—then ayos lang sa akin na walang darating basta’t wala lang mawawala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.0K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook