NAKAAYOS na lahat para sa gaganaping graduation three days from now. Excited ang lahat sa mga possibleng mangyari sa event. Excited din ako dahil sa wakas, natupad ko na ang pangarap ng Dad ko sa akin—ang makatapos ng pag-aaral. Saglit lang ako rito sa school para tingnan ang preparatioms, babalikan ko agad si Chase. Also, nakipag-usap ako sa doktor ni Chase kagabi and he said na may possibility na makakasama si Chase sa graduation. Excited na ako sa mangyayari! Napahinto naman ako sa pagtingin-tingin sa mga decorations sa stage nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman ang tawag nang makitang si Jasper iyon. "May problema—?" Pinutol niya naman ang sasabihin ko. "S-Si Chase—kailangan ka niya rito. Bilisan mo, Mary!" Halata sa boses niya ang pagkataranta kaya naman namalayan ko n

