NAGISING ako nang makaramdaman ng mabigat na kung anong nakadagan sa bewang ko. Dahan-dahan ko namang minulat ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Chase na nakapikit—kamay niya pala 'yong nakadagan sa nay bewang ko. Kitang-kita ko naman ang maamo niyang mukha na nakaharap sa akin. "Kung palagi mo akong tititigan ng ganyan, ayos lang sa akin na humilata rito buong taon." Bigla naman siyang nagsalita habang nanatiling nakapikit ang mga mata. "Talaga ba?" tanong ko naman. Dahan-dahan niya namang minulat ang mga mata niya at ngumiti sa akin. "Talagang-talaga..." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Ang aga ng landian ngayon ah? Hindi ka ba babangon? Exam na natin ngayong araw." Nilingon ko naman ang nagsalitang si Angel at nakitang ready na nga siyang umalis. "Anong oras na ba?

