Yara's Pov
NAPAG-DISISYONAN kong lumabas sa kwarto ko dahil malapit ng mag gabi. Kailangan kong mag luto or di kaya naman e preheat ‘yung food na natira namin kanina. P'wde pa naman 'yun dahil kanina palang namang lunch namin niluto yun. Nagbihis lang ako at nag toothbrush muna bago lumabas.
When I arrived in the living room I saw that no one was there, so I went straight to the kitchen. Habang papalapit ako may naririnig akong ingay. I walked slowly and didn't go straight in, but instead peeked through the door. I couldn't help but smile when I saw Sean putting potatoes in the pot. At ilang sandali lang, kinuha nito ang phone niya at may tinawagan. Medyo malayo ako sa kinaruruunan niya kaya naman hindi ko marinig ang kung anong pinag uusapan nito at ang nasa kabilang linya.
Sino kayang tinawagan niya? Hindi naman siguro babae diba? Kasi nga diba, sabi niya wala s'yang girlfriend. O baka naman kaya sinabi lang niya 'yun?
Nawala ang ngiti at parang may kumurot sa dibdib ko sa kaisipang may girlfriend na ito at nagsisinungaling lang.
Bakit ganun? Wala naman akong nararamdaman para sa kanya diba? Mag asawa lang naman kami sa papel kaya okay lang 'yun kung may girlfriend man s'ya. Napabuntong hininga nalang ako sa lahat ng mga naiisip ko.
Nagmadali akong bumalik sa kwarto ng makita kong tapos na ni Sean e prepared lahat ng pagkain sa table. Kailangang mag mukha akong walang alam na nakita ko siyang nag luluto.
Pagdating sa kwarto ay huminga muna ako ng malalim at nagpalipas ng ilang minuto bago lumabas ulit para pumunta sa kitchen.
"Anong niluto mo?" I asked. Ang bango kasi nakakatakam kainin.
"Uhmm...steak and mashed potato." Mas lalo akong napa ngiti dahil isa sa mga favorite kong pagkain ang mashed potato and steak. Especially kapag pasko, lagi kaming may ganito lalo na noong nabubuhay pa si lola dahil siya ang pinapagawa ko ng mga ganito.
"Let's eat?"
Umupo ako sa upuang kaharap niya ganun din s'ya. Kumuha ako ng mashed potato, steak and gravy ganun din s'ya. Maya-maya lang ay nagpaalam itong kukuha lang ng juice. Tumango lang ako dahil excited akong kumain. Nakaka ilang subo na ako ng mashed potato ng may mapansin ako.
"Bakit parang maalat?" Sumubo ulit ako pero ganun pa din. Too buttery and too salty. Ayukong iluwa ang pagkain dahil sayang, kaya naman ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain hanggang sa umupo na ulit si Sean sa may harapan ko.
"How was it?"
"Okay lang naman masarap." Sagot ko at ipinagpatuloy ulit ang pagkain.
Napa-angat ang tingin ko sa kanya ng dali-dali itong tumakbo papuntang lababo. Nag mumog s'ya doon at uminom ng napakaraming tubig bago bumalik sa kinaruruunan niya kanina.
"What happened?" Tanong ko, pagkatpos kong isubo ang last spoon ng potato at ang last sliced ng steak.
"Hindi mo dapat kinain yun?" Nakasimangot ang mukha niya habang nakatingin sakin.
"Why not? Masarap naman ah,"
"Too buttery and salty kaya dapat hindi mo na inubos." Umupo s'ya sa upuan na parang problemado.
"It's fine, masarap naman. Besides ayokong mag sayang ng pagkain." Sagot ko, dahil yun ang pinaka ayaw ko sa lahat. Tinuro kasi sa 'kin ni lola kahit no'ng bata pa ako na hindi dapat nag sasayang ng pagkain especially kung kaya namang kainin at hindi madumi. Sabi kasi ni lola na maraming tao ang minsan lang makakain ng kompletelo sa isang araw. Kaya dapat daw na matutong ubusin at hindi mag sayang ng mga pagkain or bagay.
"Kahit na, dapat hindi mo na lang kinain." Nakasimangot pa rin s'ya.
"Hey relax, mashed potato lang naman ang kailangang ayusin. Besides pwede pa tayong mag boiled ulit ng potato para idag-dag at mabawasan ang pagiging buttery and salty niya." Naka ngiti kong sabi.
Nakatulala lang s'ya sakin. Hindi ko alam kung Bakit. Maybe because nakangiti ako sa kanya? Well, he's a kind person, so I don't want to be arrogant or cold towards him.
No’ng past two weeks, of course naging cold ako sa kanya dahil hindi ko pa s'ya kikila ng mabuti. Pero pagkatapos nun, napag-disisyonan kong maging mabait din at ayusin ang pakikutungo sa kanya. Like I said, even though we've only been married for two weeks, I haven't seen anything wrong with him. He's true to his word, kind, and trustworthy.
"Kasalan to ni axel." Mahina niyang sabi pero narinig ko pa din.
"I'm sorry kung naging palpak 'yung food na hinanda ko."
"Don't say that, nasubrahan lang siya ng butter and salt pero masarap pa din naman." I said.
"I'll do it better next time."
"What are you doing?" I asked ng makita kung sumubo s'ya ng pagkain.
"Uhmm...uubusin ko na lang to." Kita sa mukha niyang nahihirapan s'yang lumunok.
"Hey, you don't need to force yourself para ubusin yan." Ngumiti lang s'ya sa 'kin at pinagpatuloy kumain hanggang sa maubos niya ang food niyang nasa plate kanina.
I volunteered to wash the dishes pero hindi niya ako pinayagan. Kaya naman ako nalang ang nag punas ulit ng table kagaya ng palagi kong ginagawa. A-angal pa nga sana s'ya pero pinandilatan ko s'ya ng mga mata.
Pagkatapos niyang mag hugas ay sabay na kaming lumabas sa kitchen para pumunta sa kanya kanyang kwarto.
"Uhmm....Yara," Lumingon ako sa kanya ng nasa may pintuan na ako ng kuwarto ko.
"Good night." Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.
"Good night." Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob.
Umupo ako sa gilid ng kama para pakiramdaman ang sarili ko lalo na ang puso kung tumitibok ng mabils. Hindi ko alam kung bakit, pero habang tumatagal ako dito na kasama s'ya nararamdaman kong nasa bingit na naman ang puso ko. Natatakot ako na baka maulit na naman ang nagyari noon.
Napabuntong hininga nalang ako bago tumayo at dumiretso sa banyo. Maliligo muna ako bago matulog.
Pagkatapos kung maligo ay agad na din akong lumabas para mag bihis at patuyin ang buhok ko. Nag suot lang ako ng pajama and sando bago umupo sa upuan. Nakatitig ako sa salamin habang pinapatuyo ang buhok ko.
"Bakit kailangang kapatid ko pa?" I asked my reflection.
It's already over kaya dapat hindi ko na isipin ang mga yun. Pero masakit parin e. Kasi diba, sa dinami rami ng tao dito sa mundo, 'yung taong pinagkatiwalaan at minahal mo pa ng subra ang mananakit sayo.
Nasa higaan na ako ng maisipan kong e check ang phone ko. At habang nag b-browse nakita ko ang picture namin ni lola.
"I missed you so much, lola,"
I missed her already. Sana nandito s'ya para may kasama ako at para may mag advice sa 'kin kung ano ba dapat ang gawin ko sa mga nararamdaman kong ito.
"Goodnight lola, Mahal na mahal po kita." I kissed the picture on my phone bago ko ipikit ang mga mata ko.
##########
Hello 👋 Mga BESHY 😁
Xoxo.🥰😍😘