CHAPTER 5

1244 Words
YaRa's PoV NAGBIHIS lang ako ng pang office attire ko bago lumalabas sa kwarto. Next week pa ang balik ni sean sa kompanya nila kaya naman wala akong choice kundi mag drive ng sarili kung sasakyan. Simula kasi ng maging mag-asawa kami palagi niya akong hinahatid sa kompanya namin bago s'ya dumeretso sa kompanya nila. Kaya naman mejo nasanay ako na palagi ko syang kasama na umalis dito sa condo niya. Tinanong niya ako before kung gusto ko daw ba na bumili or magpagawa ng bahay. Ang sagot ko naman ay okay lang kahit wag na dahil malaki naman ang condo niya. Actually, palusot ko lang yun dahil ang nasaisip ko noon, hindi naman mag tatagal ang marriage namin. Kaya hindi na kailangan na lumipat or bumili pa. When I stepped out of my room I saw Sean who had just come out from the kitchen. He looked fresh, wearing a tank top and you could clearly see his muscles na parang nag yayabang. He's also wearing a jogger pants. Hindi ko alam kung favorite niya ba na ganoon lagi ang suot niya or ano, basta palagi s'yang naka ganyan. Minsan nga kung hindi sando, shirt ang paris niya na bumagay naman sa kanya. I can also smell his scent. Hindi ko alam kung anong perfume ang gamit niya, basta mabango na hindi masangsang sa ilong. "Aalis ka na?" I nod. "Uhmm...do you wanna eat breakfast before you leave?" Tumingin ako sa relo ko and it's almost eight in the morning baka mamaya ma-late ako. "Sa office nalang ako mag bre-breakfast baka ma-late ako." I said, pero nakita ko ang pagka dismaya sa mukha niya. "Ihahatid na lang kita." Saad niya at umalis sa harapan ko. Siguro para kunin ang susi. "Let's go?" Saad niya at mag-lalakad na sana ito palabas ng tawagin ko s'ya. "Sean," Lumingon s'ya sakin kaya naman pinagpatuloy ko ang sasabihin ko. "Maybe we can eat breakfast before we leave," Parang may tumalon sa puso ko ng makita ko ang saya sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Sabay kaming pumasok sa kitchen, nakita ko na maraming naka handa na breakfast sa dining table. It's a good thing I changed my mind, otherwise these dishes he cooked might go to waste. Napangiti ako ng malasahan ang mga pagkain. Masarap, ang bilis niyang matuto, one time ko lang syang tinuruan na mag luto pero nakuha na niya agad. Pagkatapos naming kumain, agad na din kaming umalis. Buti nalang at hindi traffic kaya naman nakarating kami sa kompanya ng tama lang sa oras. "Thank you," I was about to step out of the car, when he suddenly called my name. "Yara," lumingon ako sa kanya, pero ganoon nalang ang gulat ko ng salubungin niya ng halik ang pisngi ko. "I'll bring you lunch later." He said. I just nodded because I couldn't utter a single word. Even when I arrived at the office, I was still in a daze. I found myself holding my chest as if my heart was racing, as if someone was chasing me from within. Lord, if you are doing this to open my heart again, please, I hope that this time it will be different because I won't be able to handle it if the same thing happens to me again. If this is the sign para mag-mahal ulit ako tatanggapin ko. Pero kung sasaktan lang ulit ako mas gugustuhin ko pang mag-isa at hindi na mag mahal ulit. Or maybe I can still protect my heart, habang maaga pa. I let out a sigh and sat on the swivel chair before looking at the papers. I had been in that state for a few minutes when my secretary, Gina, entered. She's been my secretary for two years now since I started working here at our company. Mabait s'ya but still, hindi ko pa rin magawang kaibiganin o pagkatiwalaan ng buo. "Ma'am may gusto pong kumausap sa inyo?" Tumingin ako sa secretary ko ng may pagtatanong. "Si Sir Aaron po ma'am." "Tell him I'm busy." Wala akong oras para makipag usap sa kanya. We are already over kaya dapat layuan na niya ako. Dapat umalis na s'ya sa buhay ko. Lumabas ang secretary ko. Ako naman ay pinag patuloy ang pag perma sa mga papers. Ilang saglit lang ng may kumatok na naman sa may pinto. "Come in," Hindi ako nag angat ng tingin dahil ang akala ko ay si Gina lang. Nagkamali yata ako ng magsalita siya. "Can we talk?" Yes, it was my older sister, Jess. "What for?" Nag angat ako ng tingin. Dati natutuwa ako kapag tinititigan or nakikita ko s'ya. but now...... "About dad and the company." Saad niya bago magpatuloy. "I heard na ikaw ang gagawing tagapag mana niya?" "I don't know what you're talking about." Kalmado kong sagott. Hindi ko naman kasi talaga alam ang pinag sasabi niya. I'm the CEO of this company and dad is the chairman. Hindi ko rin alam kung bakit sakin binigay ni dad ang posisyong 'to. "Realy? Or baka naman kinausap mo si daddy na ikaw ang gawin niyang tagapag mana!" I was shocked ng malakas niyang hinampas ang table ko. "Why would I do that? I don't even like working in this company, and now you're accusing me na kinausap ko si dad about those mana thing na hindi ko naman kailangan?" Malumanay kung sagot. She maybe older than me pero hindi ko hahayaan na magpatalo sa kanya. "Ako dapat ang nasa posisyon mo ngayun at hindi ikaw!" Sigaw niya. "Why don't you talk to dad, then? Bakit hindi mo s'ya kausapin na ikaw ang pumalit sa pwesto ko?" "I will do that, at sisiguraduhin ko na sakin mapupunta lahat ng mana ni dad." Saad niya at agad na umalis sa harapan ko. Huminga ako ng malalim, bago ibalik ang mga mata sa mga papeles na pinipirmahan ko kanina. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit hindi si ate Jess ang nilagay ni dad sa posisyon ko ngayon. Bakit hindi s'ya or di kaya si mom? Ilang sandali lang ng may kumatok na naman sa pintuan ng office ko. Napapikit nalang ako sa sobrang inis. "What do you need?" Malamig kung tanong sa kung sino man. "Just leave, kung wala ka namang kailangan." I said again ng hindi pa rin tumitingin sa may pintuan. "I-I'm sorry." My heart started beating fast when I heard the familiar voice. I slowly looked up and saw Sean standing there, holding several paper bags.. "I'll be back, kapag tapos ka na sa ginagawa mo." Saad nito at akmang a-alis na ng tawagin ko s'ya. "Sean, c-come in." Pumasok naman s'ya at nilapag ang mga dala. "Why are you here?" "I brought you some lunch, baka kasi hindi kapa kumakain." Oo nga pala, nakalimutan ko na sinabi niya pala kanina na pupunta s'ya dito pag lunch na. Pero teka lang, two hours pa naman before lunch bakit ang aga niya yata? "Thank you." Ngumiti s'ya sakin bago ilabas isa-isa ang mga pagkaing dala niya. "Uhmm.. can I finish my work first?" "Sure, go ahead." Binalik ko ang tingin sa mga papers. I signed all the papers. Minsan kapag sumusulyap ako nahuhuli ko s'yang nakatingin sakin. Ngumingiti din s'ya kapag nagtatama ang mata naming dalawa. Pagkatapos kong permahan lahat ng papers agad na din akong lumapit sa table kung saan ang mga pagkaing dala niya. Kumain kami ng sabay, at paminsan-minsang kwentuhan hanggang sa matapos kami. ########## #tbc
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD