SeAn's PoV
TATLONG araw nalang babalik na ulit ako sa kompanya. Kaya naman sinusulit ko lahat ng oras ko sa pag aalaga kay Yara. Nilulutuan ko s'ya ng breakfast, lunch, dinner at palaging inihahatid sa office.
I'm happy because we no longer feel the need to be formal when we talk. It's become more casual between us, unlike before.
Today, I will drive her to their company again. So, I woke up early to prepare breakfast. I decided to make sandwiches and also cooked hungarian sausage just in case she wants something different. Baka kasi nag sawa na s'ya sa palagi naming breakfast, kaya naman gumawa ako ng kakaiba. Buti nalang talaga natuto agad akong mag luto. And that's all because of my lovely wife.
I chuckled at the word 'wife', I can't believe that I would be this happy. Back when I was in college and she was in high school, I would just admire her from afar. Wala nga yata s'yang kaibigan ni isa eh, dahil ni minsan wala akong nakitang kasama niya. I tried to approach her before but I got scared that she might just brush me off.
"Seems like someone is happy, huh?" Medyo nagulat ako ng magsalita si Yara sa may likuran ko. Naka bihis na s'ya ng pang office. I don't know kung favorite ba niya ang black, kasi every time na aalis s'ya at papasok sa opisina ay naka ganyan siya. Ang pinag kaiba lang ay iba-iba ang designed ng mga sinusuot niya.
"Uhmm....may naalala lang ako." She looked at me with a furrowed brow because of my response.
"Breakfast is Ready, kain muna tayo before kita ihatid?"
She sat across from me, and I did the same. We were facing each other. We ate our meal in silence, not saying a word until we finished.
Tumayo s'ya at dinala sa sink ang plate niya at hinugasan ito. Ina-agaw ko pa nga pero di man lang s'ya nagsalita.
"Just gonna brush my teeth. Hintayin mo nalang ako sa sasakyan." Nagulat ako sa Pamamaraan ng pagsasalita niya. Parang bumalik ‘yung Yara noon na malamig makitungo sa mga tao.
Hindi ko nalang pinansin at nilinis muna ang table. Baka may period or something kaya ganun? Naghintay ako sa may sala ng ilang minuto hanggang sa makalabas s'ya.
"Let's go." She said with a cold tone in her voice.
Sumunod ako sa kanya na hindi maintidihan kung bakit parang galit s'ya. Iniisip ko, may nagawa ba akong mali ngayong araw na to? s**t! naman oh, bakit ba wala akong makitang dahilan ni isa?
Hanggang sa makarating kami sa kompanya nila ay ganun pa din ang pakikitungo niya.
"Yara," She looked at me without any emotion.
"May kailangan ka pa ba?"
“Gusto ko lang sanang itanong kung galit ka?”
She snapped in front of me sabay tanong ulit ng "May kailangan ka pa ba dahil kailangan ko ng pumasok sa trabaho." Ngumiti ako pero di manlang niya sinuklian ang ngiti ko.
"Nothing." Sagot ko nalang.
Hindi man lang niya ako hinintay na maka halik sa pisngi niya. Nasanay na kasi ako na palagi s'yang hinahalikan sa pisngi. I think mga one week or something, nagulat pa nga ako sa sarili ko ng gawin ko yun e. Siguro hindi ko lang napigilan at dahil hindi naman s'ya nagalit kaya in-araw-araw ko na kapag hinahatid ko s'ya.
Tumingin muna ako sa entrance kung saan pumasok si Yara. At ng makita ko na wala na s'ya saka ko lang napag-disisyonang paandarin ang sasakyan. Pupunta ako ng mall ngayon may pinapabili kasi si mommy sakin.
Teka lang ano nga ulit yung pinapabili niya? Hayys nakalimutan ko.
I decided to call mom. Ilang saglit lang ay sumagot agad ito.
"Hello mom, ano nga ulit 'yong ipapabili mo sa'kin sa mall?"
"Wag na pala anak, kami nalang ng daddy mo ang pupunta, may kailangan din kasi kaming kunin sa summer jewelry." Pagkatapos sabihin ni mom ang mga yun ay agad na din itong nagpaalam.
Napag-disisyonan kung bumalik nalang sa condo para mag luto for lunch. Dadalhan ko ulit ang asawa ko ng pagkain mamaya para hindi s'ya magutom. Baka sakaling mag-bago ang ihip ng hangin. Hindi ko kasi s'ya maintindihan ngayong araw.
Pagdating sa condo agad akong nag isip ng lulutuin. Baka kasi nag sawa na s'ya sa mga niluto ko, minsan kasi paulit-ulit lang lalo na sa mga favorite food niya. Gusto ko namang ma-iba ngayon.
"Hmmmm....ano bang p'wedeng lutuin?"
Habang nag iisip ng mailuluto, ay bigla ko nalang narinig ang ingay ng doorbell.
Sino na naman kaya yun? Pumunta ako sa pintuan para tingnan kung sino ang nasa labas.
"What are you doing here?" I asked luc ng buksan ko ang pintuan.
"C'mon man, nagka-asawa ka lang ganyan ka na agad umasta?"
"I'm busy kaya pwede ba umalis ka na?"
"Seryoso ka? Kararating ko lang oh, tapos paalisin mo na agad ako?"
Luc is one of friends. Naging kaibigan ko siya/namin because of Ace. At isa siya sa mga baliw kong kaibigan na walang ibang ginawa kundi ang mang storbo ng mga katulad kong mabait.
"Ano nga kasing ginawa mo dito?"
Umupo ako sa couch ng makapasok na kami sa living room.
"Bakit ba? Diba naka leave ka? Kaya paano ka naging busy?"
"None of your business,"
"Yan ka nanaman sa 'none of your business' mong yan eh."
"Fine, I'm thinking kung anong lulutuin ko for lunch.”
"Mag order ka nalang para di ka na mahirapang mag isip d'yan." Saad niya at tumayo.
"Where are you going?" Hindi s'ya sumagot. Dumeretso s'ya sa may kitchen kaya naman sinundan ko ito.
"Tell me," I said halata kasi na fini-fake lang niya na maging masaya.
"Tell you, what?"
"C'mon bro, sa tagal na nating magkaibigan, kilala na kita." Bumuntong hininga ito bago bumalik sa sala ng may dalang beer.
"My mom," Saad niya at bumuntong hininga na naman. "My mom wanted me to marry a woman na hindi ko gusto at hindi ko kilala."
"For what?"
"I don't know." Sagot niya.
That's really a big problem, especially kung wala kang nararamdaman or kung hindi mo gusto ang isang tao. Hindi na uso ang arranged marriage ngayon. Well, nangyari sakin, pero hindi naman ako pinilit nila mom. Besides nakiusap lang si mom sakin at sinabing pag-isapan kong mabuti. At maganda naman ang naging resulta kaya wala akong pinag sisisihan sa naging desisyon kong pag payag.
"Anong gagawin mo?"
"Run away?" Natawa ako sa naging sagot niya.
"Uy, Hindi kana bata to do that. Why don't you just talk to Tita and tell her directly that you don't want to get married because you don't like the girl?" Natawa s'ya sa sinabi ko.
"You know what will happen kapag ginawa ko ‘yun." Saad niya sabay tungga ng beer.
He's right, magka-iba ang mga parents namin. Kung kaming mga Morrison pwedeng pumili ng babaeng pakakasalan, it's the other way around naman sa kanila. Tita Beth would never ever let luc choose a woman to marry. Dahil kung sino ang gusto ni tita dapat ‘yun ang masusunod.
Kapag ako ang nagka-anak in the future, gagawin ko din kung paano kami pinalaki nila mom and dad. Hindi sila mahigpit at mapag-mataas na tao. Hindi sila ‘yung hahadlang sa kaligayahan namin, instead sumusuporta pa sila. And I want my children to be like that, always humble, and free in the future.
"Hindi kapa ba mag luluto or mag o-order?" Napatingin ako sa relo ko ng magsalita si luc.
"s**t!" I cursed ng makita kung malapit ng mag 1pm.
"Kasalanan mo to, eh!" Tumawa lang ang baliw na si luc.
Tumayo ako at mabilis na tinungo ang kitchen.
Shit! naman kasi e. Ang dal-dal kasi ni luc ayan tuloy nakalimutan ko na ang gagawin ko. Baka mamaya magalit sakin ang asawa ko. Di na nga ako pinasin kanina baka madag-dagan pa.
##########
#tbc