Kyle’s Point of View Nakita ko na si Lenard kanina. Nakapasok na pala. May lead na kami ni Marcus kung sino ang nagpapadala ng death threats kay Sam. Kailangan lang malinis ang mga ebidensya. Hindi ko namalayan na pumasok si Sam sa office ko. “Uy, serious mo naman.” Napakunot ang noo ko. Nag-iba yata ang gising nito at hindi na masungit. She rolled her eyes on me. I noticed she is wearing a black dress that hugs her slim figure. “Kailangan kitang makausap about sa kaso. Bukas na babasahin ang decision ng Judge.” Umupo si Sam sa upuan sa harap ng table ko. “Kinakabahan ka ba?” “Hindi, ano. Naisip ko lang iyong mga verbal threat sa akin ni Trigerro. Para kasing cool na cool siya dati, tapos bigla na lang siyang naging violent noong ikaw na ang partner ko sa kaso.” Napaisip ako. “Ano

