Kyle’s Point of View “Tulad mo na may pusong bato.” Nakakairita ang paulit-ulit na pagkanta ni Marcus sa tabi ko. Nasa safe house kami somewhere sa Bicol region. “Titigilan mo ‘yang pagkata mo o tatamaan ka sa akin?” pagbabanta ko kay Marcus. Hindi na makatulong ang gagong ‘to, nambubwisit pa. “Ang init naman ng ulo mo. Ano bang masama sa kinakanta ko?” Pilosopong sagot nito. “Marcus, tigilan mo ako.” “Na-LSS ako sa kanta ni Saman— Sam. Grabe kang bumakod, hindi naman kayo.” Nakukuha naman pala sa tingin kahit papano. “Isa pa, Marcus,” Nagngingitngit na banta ko kay Marcus. Bakit ba nandito 'tong hayop na ‘to? “Bakit ba nandito ka?” tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang laptop ko at tiningnan ang CCTV sa Country Club. “Para may kasama ka. Baka kasi maglasing ka mag-isa eh,” Pang-asar

