Four years later...
"So you wanna play with magic..."
They sang in chorus.
They were on their way to Bataan. Kanya-kanya sila ng arte habang kumakanta as if they were making a music video while on a road trip.
"Are you ready for, ready for..."
Ngayon ay gumigiling na si Ryza habang nakaupo sa backseat at sinasabayan ang beat ng kanta ni Katy Perry na Dark Horse. Papunta na sa dance moves ni Dante Gulapa ang sayaw niya.
Jillian looked at her in the rearview mirror. Humalakhak ito habang salitan ang pagtingin sa side mirror sa daan at sa kanya.
"Galing gigiling ah, praktisado!" sabi nito.
Lumingon si Ava na nasa passenger seat at sumabay sa mga dance moves niya. Kaya naman pati si Jillian ay nagtaas na ng kanang kamay at iwinagayway sa ere. Habang ang kaliwang kamay ay naiwang nakahawak sa manibela. Para na silang ngayong nagsasayawan sa dance floor ng bar.
"Party-party! Whoa!" sigaw ni Ryza.
Si Jillian naman ang bumanat. Kinanta nito ang rap part samantalang ang dalawang pasahero nito ay nagtatagisan sa pagsayaw ng mga robotic dance moves. May nalalaman pa si Ryza na locking at popping. Samantalang si Ava naman ay nag tutting. Para silang mga timang sa loob ng sasakyan.
Kaklase niya ang mga ito sa high school pero hindi niya gaanong kaclose noon. She just met them again at the reunion. At dahil magkakawavelength sila ng utak ay nakasundo niya ang mga ito kaya simula noon ay lagi na siyang sumasama sa gimik. She met them at the right time-the time when she needed break from life. At nagkataon din noon na nagresign siya sa trabaho at isang taong bakante kaya't pinag apply siya ni Jillian sa company ng tito nito kung saan pareho silang nagtatrabaho ni Ava. Nasa magkakaibang department silang tatlo pero lagi silang sabay naglalunch break. Apat na taon na silang ganito. Ganito na parang mga luka-luka at sila lang din ang nakakaintindi sa trip nila.
Buong byahe along Edsa ay puro pang party ang tugtog kaya hindi gaanong nakakainis ang traffic. Sayawan sila ng sayawan at kantahan. Para na silang nasa segment ng show ni James Corden na Carpool Karaoke. It was a Friday night but they chose to go back to Bataan than go to a bar. It was already Christmas break. Sa 2020 na ang balik ng operation nila. Bakasyong engrande. Kaya sa Bataan na lang sila gigimik. Ngayon lang din ulit niya maicecelebrate ang New Year kasama ang pinsan. But it felt like something was not right.
She was slightly nervous. Tuwing umuuwi siya ay palaging may kaba. Bakit? Hindi rin niya maintindihan. She knew to herself that she's already fine. She could feel it. Hindi na siya galit at wala na rin siyang pakialam pero lagi pa din siyang nagkakaganito. Parang gusto niyang may makitang tao pero parang hindi din niya alam ang gagawin kapag nagkita na nga sila.
Nang nasa NLEX na ay minabuti niyang umidlip muna.
____
Naalimpungatan siya dahil sa tumatawag sa phone niya. Nakahinto ang sasakyan pero umaandar ang makina kaya't luminga muna siya sa daan. Papasok na sila ng Balsic. Traffic
dahil may checkpoint sa magkabilang lane at maraming militar. Eleksiyon ba? Mga isang oras na lang siguro ay nasa Abucay na siya. Tinignan niya ang phone at nakitang tumatawag si Jessie.
"Oh?" sagot niya.
"Asan ka na? Uuwi ka ba sa inyo or mag-oovernight ka kila Jill?"
"Hindi. Kila Mama niya siya didiretso kaya diyan sa inyo muna ako matutulog." she glanced at the rearview mirror dahil pakiramdam niya ay may isang nakikinig sa usapan. Nag-iwas ng tingin si Jillian.
"Ay bruha ka talaga! Bakit di mo sinabi agad? Kumain ka na ba? Magpapaluto ako kay Loida."
"'Wag na. Bumili naman kami ng pagkain sa drive-thru kanina."
"Oh siya, bahala na. Iintayin kita. Patulugin ko lang ang junakis ko. Bye, couz. Miss you. See yah later." then she ended the call.
She missed her too. Silang mag-asawa pati ang cute niyang pamangkin. Kahit pa lagi siyang pinagtitripan ng mga ito. She remembered their wedding and their son's birthday party. Yun ang pinakamalalang pangtitrip nila sa kanya. Nangiti siya. Those were all just memories. Good and bad old memories. She brushed it off before it could give her the chance to overthink again.
"Ready ka na ulit makakita ng multo, Ryz?" as if on cue, Jill asked. Oh diba? Confirmed na may bruhang nananainga. Si Ava ay tulog. Buti na lamang dahil kung gising ito ay isa pa itong manggigisa. Alam ng mga ito ang kwento ng melodrama niya sa buhay.
"Baliw!" May dala akong pangontra sa engkanto." dinaan niya sa biro para hindi na sumeryoso ang usapan. Ayaw na niya munang pag-usapan yun. Pero sabi niya sa sarili ay nakamove on na siya. Kung ganoon, bakit ayaw niyang pag-usapan? Hindi niya talaga alam! Baka nga hindi pa siya totally nakaka move on. Pero 'di na siya nasasaktan. Sure siya dun. 'Di na din niya ito madalas naiisip pa. Maliban na lang kung may magpaalala at tuwing uuwi siya.
Now she's confused. Paano nga kung magkita sila? Ano ang gagawin niya? It's been, what? It has been almost eight f*****g years pero she was still not ready. They are adults now. She bet everything had changed since that night, the night she left him crying.
"Paano kung mawalan ng bisa ang pangontra?" Jillian grinned. She's provoking her. Bruha din talaga parang pinsan niya.
"Edi magkita sa mata. Yun lang 'yon." Nag-iwas na siya ng tingin dito. Heto na naman siya, magooverthink. Kasalanan ni Jillian ito e.
Muli siyang pumikit ngunit hindi na siya nakatulog pang muli.
____
"My god, Ryza! Namiss kita ng sobra." Jessie pouted her lips. May isang taon na din simula nung huli siyang umuwi. Ang huling uwi niya ay noong umuwi ang mama niya from States. Umuuwi din siya kapag trip niya or may gala sila nila Ava at Jillian. Ang ayaw niya lang naman talagang sabayan ng uwi ay kapag may okasyon sa bahay nila Jessie. Dahil siguradong nandoon din ang iniiwasan niya.
"Buti naman umuwi ka ng ganitong season. Treat mo kami ni Keith sa birthday mo ha?" Jessie raised her eyebrow. Yun naman talaga ang balak niya. One week from now ay birthday na niya.
Jessie is her only family in the Philippines. Ang mga nanay nila ay dadalawa lamang na magkapatid at nagkataong pareho silang unica hija. They both decided to go back to US for good para maalagaan ang lola nilang may Alzheimer's disease. Bago pa lamang mag-asawa si Jessie ay pareho na silang kinukuha ng mga ito pero ayaw nilang magpinsan. Nang malaman ng mama niya ang nangyari sa lovelife niya three years ago ay pinilit siya nitong umuwi doon. Matagal na namang okay ang mga papeles niya. Siya lang ang palaging may ayaw dahil tingin niya ay kaya naman ang sarili dito sa Pilipinas. Minsan lamang siyang nagbakasyon doon noong pagkagraduate niya sa college pero di na naulit pa. Si Jessie ay madalas magbakasyon doon.
"Magparty kaya tayo, Ryz? What do you think? Labas tayo. Resort or beach?" suggestion ni Jessie. Good idea. Ava actually planned that kaya sila umuwi ng Bataan.
"Basta hindi kayo ulit magpaplano ng modus ng asawa mo then we're all good for a birthday bash." she crossed her arms while leaning on the kitchen counter.
"Ano ba 'yan? Ang bitter mo pa din. Nakamove on na nga yung isa e. Pati kami nga ay nakamove on na din. Di mo ba napansin? Kaya nga matagal ka naming hindi binubulabog sa pananahimik mo sa Manila. Ikaw na lang ang hindi nakakamove on, girl." she looked at Jessie to see if she was saying the truth. Diretso lang ito sa paghahalo ng niluluto. No mischievous smile. She was kinda disappointed. Kasi siya ay parang hindi pa okay. Hindi na siya galit but maybe she wanted a proper closure. Hindi kasi naging maganda ang huli nilang encounter. Gusto niyang manghingi ng sorry dito for being so rude. Kaya yata nakarma siya ng malaman ang totoo tungkol kay Ellis, ang huli niyang naging boyfriend.
"Hindi ako bitter noh. Oh siya, babalik muna ako sa amin. Check ko lang yung bahay at maglilinis ako ng kwarto." she changed topic to hide her wounded pride.
"No need. Palagi ko pinapalinis ang bahay kay Loida every other two weeks."
"Oh. Good. Dito na ako maglalunch."
____
She couldn't believe the news. The President of the Republic of the Philippines declared a lockdown of the entire Luzon for one month. The government was giving them 12 hours to prepare for the following days at para sa mga kailangang umuwi sa kanya-kanyang probinsiya dahil essential workers na lamang ang papayagang magbyahe. She also told the nation to stay calm and not worry about their food, medicines and other supplies. Hindi na daw kailangan pang magkagulo sa grocery stores at mag panic buying. She said that aides were on their way to each and every one's home and everything is under control. This was for the purpose of containing the virus dahil mayroon nang first case sa Pilipinas. Maging ang byahe ng mga airlines ay pinahinto na rin. Kaya pala kagabi ay madaming militar papasok ng Bataan. Yun na pala 'yon. Good government. Pero ang boring yata ng Christmas break niya. So ano na? I will be stuck here for more than a month? How could she go back to Manila for work? She hurriedly took her phone out and called Jullian.
"Hello girl? Babalik ka na ba ng Manila? Pasabay naman. We still have 12 hours." she's worried. She needed to go back to work dahil marami siyang naiwang trabaho.
"Gaga ka ba? Christmas break po tayo, ate girl. Tsaka baka mahawa pa tayo ng virus dun noh. May meeting kami later. Don't worry, I'll bring this up to my team para sa ikakapanatag ng loob mo." Jillian sarcastically said.
"What? E madami akong backlogs. I can't afford another two-week vacation."
"Gaga ka nga talaga. Are you the whole department? Wala kang subordinate? Pwede kang magdelegate ng tasks mo. Besides you could work from home. And just like what I've said earlier, may meeting kami. We will deploy techs para masetup ang devices ng mga magwowork from home. Wag kang mag-alala gwapo ang ipapadala ko diyan sa bahay mo." she laughed.
Baliw talaga. Hindi siya nakakibo agad. Ano pa ba ang kailangan niya? Para masabi niya agad kay Jill at ito na ang gumawa ng paraan.
"Oh ano girl, okay ka na? Happy? 'Di ka na praning?" Bwisit talaga ito. Lagi siyang sinusupalpal.
"Oo na. Thanks ha? I will call you again pag may kailangan pa ako."
"Wow ha! User! Exploiter!" biro ni Jillian. Nadinig pa niya ang lutong ng halakhak nito. "Sige na girl, bye. I'm just one call away if you need anything else. Tatawagan ko pa din si Ava e. Baka may kailangan din siya at ang team nila."
"Bye, Jill. Thanks a lot! Mwah!" she ended the call.
All she needed was to relax and enjoy her vacation. But she also needed to set a meeting with her colleagues to have a proper turnover of the tasks. Ang alam kasi niya ay may mga staff siyang naka skeletal force during Christmas break. 'Wag kang magpastress, Ryza Sophia.
____
Tinotoo nga ni Jillian na gwapo ang ipinadala nitong tech guy. Anim na oras lamang ang nakalipas at nandito na ito sa bahay niya. Bilib din siya sa kaibigan niyang iyon. Kahit nuknukan ng pagkaluka-luka ay expert ito sa trabaho at very effective. Her team is the most functional and most praised in their company. Jillian wanted to prove that she's not just a niece of the owner. Kaya yung mga dati nilang bitchesang workmates na pinagchichismisan si Jill ay tahimik na ngayon. Nasupalpal sila ng kaibigan niya without even talking to them directly.
"Same steps lang po when you login to your computer." Tumayo na ang gwapong tech guy. Tapos na ito sa pag setup ng laptop niya. "Nakainstall na din po yung softwares na ginagamit ng department niyo, Ma'am. If you need further assistance, create na lang kayo ng ticket sa support." he smiled. "Or for faster response, chat niyo lang ako Ma'am sa Skype." binigyan siya nito ng pilyong ngiti.
Nakakakilig na sana kaya lang ino-opo ako. Sayang at twenty nine na siya. Ito sa tingin nya ay early twenties pa lamang.
"So okay na tayo, Ma'am? Papirma na lang po nitong acknowledgment slip na okay tayo sa device niyo." inabot nito ang papel at ballpen sa kanya. Matapos pumirma ay hinatid na niya ito sa labas.
"Sure ka ayaw mo munang magdinner?" aya niya sa binata. Para naman siyang matrona nito.
"Naku hindi na, Ma'am. Nakakahiya. tsaka magsesetup pa din ako kila Ma'am Ava eh."
"Hmm. Okay sige. Salamat ha. Ingat kayo sa byahe. Here, take this para may pagkain kayo sa byahe pabalik ng Manila." inabot niya ang disposable container na may lamang sandwich at salad pati dalawang bottled water.
"Salamat, Ma'am. Ingat din po kayo. Mauna na po kami." Kay gwapong bata. Siguro maraming co-employees niya ang may crush doon. Humalakhak siya mag-isa nang makaalis na ang kotse. Pati ang driver kasi ay gwapo. At isa pang nakakapag pangisi sa kanya ay nang sabihin nitong dadaan pa kila Ava. Siguradong doon ay wala itong kawala. Kay Ava siya natuto ng mga ninja moves kaya siguradong di makakauwi ang binata ng walang marka ni Ava.
Ilang sandali pa siyang nagpahinga at nanood ng TV sa sala. Bago niya imeeting ang mga katrabaho ay nagpasya siyang maghapunan muna. Nang magpunta siya sa kusina ay parang may nadinig siya na kaluskos sa likod ng bahay. Bukas pa naman ang bintana doon. Medyo kinabahan siya. Magnanakaw ba ito? Saan ito dumaan? Firewall ang kaliwang panig ng bahay nila pati ang likod ng kabit-bahay sa likuran. Kung sa harap ito dadaan ay malalaman niya agad dahil may sensor ang gate nila. At mapapansin niya ito kung dadaan dahil doon nakaharap ang sofa na inuupuan niya kanina.
Oh my god! Kila Jessie! May maliit na gate sa pagitan ng bakuran ng bahay nila. Posibleng doon ito dumaan. Wala sila Jessie ngayon dahil naggrocery sila ng mga stocks para sa mga bata dahil maglolockdown na. Nalimutan ba nilang isarado ang gate?
Kinabahan siyang bigla. Wala siyang alam sa self-defense. Pero paano kung nililimas na ng mga ito ang gamit ng mag-asawa? Anong gagawin niya? Hindi siya sigurado kung makakatili siya ng malakas kapag hinabol siya nito. Yun lang ang tanging magagawa niya. Ang tumakbo at magtitili.
Tangina naman e! Umalis na yung gwapong tech guy at driver. Wala siyang mahihingan ng tulong. Kung humingi kaya siya ng rescue sa kapit-bahay? Natigil siya sa kakatanong sa sarili ng madinig ang ingit ng bakal na gate sa likod-bahay. f**k!
She picked up the first thing she saw in the kitchen. Hawak niya ang siyansi sa kanang kamay at dahan-dahang binuksan ang pinto. Napaigtad siya nang tumalon ang pusa sa paanan niya.
"Anak ng pusa naman oh! Anong ginagawa mo diyan muning? Tinakot mo kong hayop ka!" Umupo siya at hinimas ang ulo ng pusa. Sobrang praning na siya dahil sa lockdown na 'to. Ligaw na pusa lang pala. Malamang ay nakalusot ito sa ilalim ng gate sa harap. "Nagugutom ka ba? Naghahanap ka siguro dito ng pagka-" napahinto siya sa pagsasalita dahil sa peripheral vision niya ay may aninong nakatayo sa gate. Nilingon niya agad ito and then she froze.
"Sorry. Nagulat ba kita?" tanong nito sa kanya habang nananatili itong nakatayo sa gate. Natatakpan ang mukha nito ng dilim. Lalo siyang nanigas sa kinauupuan ng madinig itong magsalita. Para siyang tinanggalan ng knee joints kaya hindi makatayo agad.
Unti-unting lumakad ang lalaki palapit sa kanya. The light passing through their window flashed on his face. Hindi siya nagkamali sa akala kung sino ang nagmamay-ari ng baritonong boses na 'yon. Ito na nga ba ang sinasabi niya, hindi pa talaga siya handa. Para siyang naiihi sa kaba. Pwede bang mag panggap muna siyang nahimatay? Hindi! Nakakahiya 'yon!
"Okay ka lang ba, Sophia?" s**t! She missed that. He's the only person who used to call her by her second name. Nasa harapan na niya ngayon si Jayson Margones. What to do? What to do? Wake the f**k up, Ryza Sophia! Get yourself together! She was just staring at him. Para na ba siyang tanga? Para na ba akong tanga mingming? I can't move. Huhu.