12

1524 Words
Pushing someone away no matter how dear he is could be the hardest decision one could ever make. At kapag tuluyan nang lumayo ang taong ‘yon, magsisimula naman ang panghihinyang, ang pananabik. Tinotoo ni Luke ang sinabi nito. He kept his distance. Suddenly, they became strangers to each other again. Noong minsang dinaanan nito si Voltaire sa bahay, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Kahit isang sulyap man lang. Mas mabuti pa nga noon, pinapansin siya ni Luke. Tinatadtad man siya ng pambubuska, napapansin pa rin siya. Lihim na nasasaktan siya sa nangyayari. May mga araw na natutulala na lang siya habang nakatitig sa kawalan. May mga gabi na hindi siya makatulog sa kakaisip dito. Minsan, kapag nasa bungad na siya ng gate, naiisip niya nab aka nandoon na si Luke at naghihintay sa kanya. Nakaka-miss din naman pala. Ang baliw niyang puso, name-miss na si Luke. Tunay. Minsan, nakita niya ang f******k profile nito sa timeline ni Lyn-Lyn, naengganyo siyang makisilip sa kung ano nang kaganapan sa buhay nito. Ngayon siya nagsisisi kung bakit sa kaengutan niya ay d-in-elete pa niya ang friend request nito. Ilang ulit din itong nangulit, ganoon din karaming beses niyang ni-reject. Nong minsang pabiro din nitong hiniling ang phone number niya ay paismid lang niya itong tinalikuran. “Ayokong ka-text ka, ‘no.” Lahat ng kagagahan niya, bumabalik ngayon sa kanya. Parang boomerang effect lang. "Ano na ba ang nangyayari kay Luke at hindi na napapagawi rito?" minsan ay tanong ni Tiya Letty nang nasa pwesto sila nito sa palengke at tinulungan ito sa pagdi-display ng mga paninda. Nahawakan niya nang mahigpit ang patatas habang hinihintay ang isasagot ni Lyn-Lyn. "Ewan ko ba do’n, Tiyang," nakasimangot na sagot ni Lyn-Lyn na sa paglalagay naman ng mga ecobag sa screen ng tindahan nakatoka. “Miss ko na nga ang Papa Luke ko, eh. Bigla ba namang nag-disappear.” Hindi nagkikwento si Luke. Walang kaalam-alam ang mga ito na siya ang dahilan ng hindi nito pagpapakita. Parang bulang mas pinili nitong dahan-dahang maglaho. Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya. Nakakatamlay at nakakatamad. Nang hapong iyon, pumasok siya sa school na sobrang bigat ng loob.Nagi-guilty siya. Dalawang subjects niya yata ang natapos nang tila wala siya sa tamang huwesyo, hindi niya maintindihan ang mga discussions. “That’s the first.” Mababa ang nakuha niya sa long quiz nila sa isang major subject. Pinakauna failed niya. Mas bumigat tuloy ang kalooban niya habang nakatitig sa pulang marka. Napahinto pa siya sa paglalakad at napatulala na lang sa labas ng gate kung saan siya madalas kulitin ni Luke. Sakto namang may babae na hinatid ng boyfriend nito at naghalikan kahit may mga nakakakita. “Nakakainis talaga!” Pagdating niya sa bahay, dire-diretso siya sa silid nila ni Lyn-Lyn. Nahiga lang siya. Para lang kasing nakakapagod na kumilos. “Oi, okay ka lang?” Naramdaman niya ang pagtapik ng pinsan sa binti niya. Umungot lang siya sa pambubulahaw nito. “Bago ‘yan, ah, Mighty Hasmine. Para ka naman sanang si Dora na hindi mapakali kung walang kinakalikot dito sa bahay. At himalang hindi mo ako pinagalitan na nagkalat ang mga damit ko sa kama natin.” Saka niya nga lang napansin na damit na pala nito ang dinapaan niya. Marami pang sinabi ang pinsan pero hindi na niya pinakinggan. Lesson nga, walang rumerehistro sa utak, talak pa kaya nito? Wala siyang kainte—interes sa mga sinabi nito. “Ay, bato ang kausap ko. Bingi pa. makapag-CR na nga lang.” Napatingin siya sa cellphone ni Lyn-Lyn na ipinatong nito sa mesa at basta na lang iniwan dahil nagmamadali itong magtungo sa CR. Pagkakaalam niya, walang password ang socials nito. ‘Silip kaya ako?’ May demonyong gumugoyo sa kanya. Bumangon siya at sinilip kung lumabas na ba ng CR ang pinsan. Ni-lock niya muna ang pinto at mabilis ang mga kamay na kinalikot ang phone nito. Hinanap niya kaagad ang pangalan ni Luke sa contacts nito. Para siyang mawawalan ng hininga habang nangingialam sa phone ng pinsan. Nakita niya kaagad ang profile ni Luke. Lalaking nakasakay sa motor ang display photo. Para siyang natighaw sa pagkauhaw nang makita ang picture ni Luke. ‘Kahit anong gawin o ayos, ang pogi mo pa rin.’ Iniwan niya ang larawan at nag-scroll down. Ilang araw na ang pinaka-latest nitong post. Ngunit napahinto ang mga daliri niya nang matuon sa isa sa mga public posts na naka-tag kay Luke ang nabasa niya. Picture iyon ni Luke. Nasa gitna ito, sa kanan nito Voltaire at sa kaliwa ay isang sexy at magandang babae na naka-side view at nakatingala sa mukha ni Luke. Nakalapat pa sa dibdib nito ang palad ng babae. Parang mag-jowa lang. “Girlfriend?” comment ng isa sa mga friends nito. “Ayan, magpapatali na si Luke!” Nakakadismaya ang mga comments. Mas lalo tuloy siyang nanghihina. Inilapag niyang muli ang phone sa mesa at bumalik sa pagkakahiga. Pakirfamdam niya, mas domoble ang pagod niya. May iniinda siyang tila pitik sa kaibuturan ng kanyang puso. Kumikirot ang puso niya. Pero isang araw ay bigla na lang sa pag-igpaw ang puso niya. Nabuhayan siya ng pag-asa nang makitang nasa tapat mismo ng kanilang tarangkahan ang motor ni Luke kahilera ang iba pang sasakyan sa gawi ng shop ni Tiyo Romy. “Nandito si Luke?” Hindi na niya maunawaan ang excitement sa puso niya. Aligaga tuloy siya sa pagpanhik sa itaas. Para siyang tanga na paroo't-parito sa paanan ng hagdanan. Nasuklay pa niya ang maikling buhok at lihim na sinuri kung ayos lang ba ang suot niya. Para siyang gaga sa inasal niya. "Ano’ng tinatanga-tanga mo riyan?" Muntikan na siyang mapatili nang biglang sikuhin ni Lyn-Lyn ang tagiliran niya. Dumating ito nang hindi niya napapansin. Masyado kasing absorb ang utak niya kay Luke. Umayos siya at sinimulan ang pag-akyat sa hagdanan. Bawat hakbang paitaas, patindi naman nang patindi ang kabog sa dibdib niya. Para na siyang mabubuway at napapahigpit pa ang hawak sa kahoy na railing. Bago pumanhik ng pintuan ay bumuga pa siya ng hangin. Sunud-sunod. “Fingeres crossed.” Habang binabaybay ang hagdanan, para namang tatalon na sa dibdib niya ang puso. Pagdating sa itaas, naratnan niyang may ibang tao pa pala. May mga bisita. Hinanap kaagad ng mga mata niya si Luke. Naroroon nga ito, but to her dismay, may babae itong katabi. The usual type na maganda, sexy, maputi. Ito ‘yong babaeng kasama nito sa picture. Tulad sa picture na nakita niya, halos magkadikit na ang mga mukha ng mga ito habang nakapalibot sa center table at may masinsinang pinag-uusapan kasama nina Jeff at Voltaire. Dinaga kaagad siya ng kakaibang kirot sa dibdib. Parang gusto niyang hablutin palayo si Luke mula sa babae. It was safe to say na naiinggit siya. Ano ba naman kasi ang laban niya sa babaeng ito? “Siguro, maganda kung gamitan natin ng pastel colors ang studio…” Nagsasalita si Luke na para siyang namamalikmata. Iilang beses niya lang na nakikitang ganito ito kaseryoso. One time, noong halikan siya nito at sinabing mahal siya. Mas kumirot ang puso niya sa naalala. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa paninitig dito pero natuklasan na lang niyang nakatingin na pala ito sa kanya. Sumikdo kaagad ang puso niya. Pero kung noon ay nasanay siyang may nakahandang ngiti at biro ito sa kanya, ngayon, walang emosyon lang itong tumitig sa kanya. Ang lamig ng pakikitungo nito. “Papa Luke, kain muna kayo.” Naagaw ni Lyn-Lyn ang atensyon ni Luke. Nabaling ang tingin nito sa pinsan niya. Binawi nito ang mga mata mula sa kanya na para bang insekto lang siya na walang anumang halaga. Parang nayanig ang puso niya sa naisip at sa pambabalewala nito. Inilapag ni Lyn-Lyn ang tray na may lamang baso sa hinila ni Luke na upuan. "Thanks, Lyn!" Buti pa ang pinsan, pinansin nito samantalang halos ayaw siyang tapunan man lang ng tingin. Kanya-kanya na ring kuha ng juice sina Voltaire at Jeff pero ang babae ay si Luke pa talaga ang kumuha para rito. “Thanks, Luke,” ang malambing na pasasalamat ng babae na bahagya pang inihilig ang ulo sa balikat ni Luke. Sweet. Para talagang totoong mag-jowa. O baka nga, magkasintahan na nga. “Oi, Min, kanina ka pa diyan?” Si Jeff pa talaga ang unang pumansin sa kanya na halos kalmutin na niya ito noong huli silang nagkasama. “Juice, gusto mo?” Pilit ang naging ngiti niya kay Jeff. “Sige, huwag na,” tanggi niya na nakataas pa ang isang palad. Nang muli niyang tapunan ng pansin si Luke, nakatungo na ito sa mga papers na nasa harapan nito. Talaga bang ayaw siya nitong pansinin? Minabuti na lang niyang humakbang siya palayo sa sala. Ang bigat ng puso niya at parang nakisabay pa ang mga paa. Bago tuluyang pumanhik sa silid nila, tinapunan pa niya ito ng isang sulyap pero wala talaga. Ayaw siya nitong titigan. ‘Isang tingin lang, Luke.’ Wala talaga. “O, ayan, Hasmine, nakuha mo na ang gusto mo.” Siya din naman ang nagtulak rito palayo na parang sinong maganda. Ngayon, siya pala ang unang masasaktan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD