CHAPTER 48 Hindi ko na alam, basta umalis ako kanina sa venue ng reception na busangot ang mukha tapos babalik ako na kulang na lang magsugat ang pisngi ko kakangisi. Kasama ko si Limuel eh. Magkahawak kami ng kamay sa loob ng ilang oras na pananatili namin sa dalampasigan. It's already 9 pm, wala na ring masyadong katao-tao at mga empleyado lang na night shift ang nakikita namin. Maybe the people here are tired because of the wedding. Reserved din kasi ang hotel na ito kaya ang lahat ng naka-check in ay galing at imbitado sa kasal. May mga umuwi naman kanina at ayaw mag-overnight, kaya sabi ng receptionist ay tig-iisa kaming kwarto. Ayos 'yon! First time ko sa five star hotel! Hindi ko na namalayan na nasa tapat na kami ni Limuel ng magiging kwarto ko. Hawak ko ang susi at nang buksan

