Episode 12

1037 Words
Third Person's POV, Madaling araw na ng pumasok si Manang Flor, sa kuwarto kung saan si baby. Sinilip niya muna ang yaya, kita nga niyang tulog ito. Dahan-dahan siya lumakad papalapit kay baby at kinuha agad itp at mabilis na bumaba. Si Ate Inday, naman ang tumitingin kung may lumabas ba sa kuwarto ng mga amo nila. Paglabas sa gate ni Manang flor ay agad naman diyang sinalubong ni Chuchay. Inaabot niya kay Chuchay, ang baby na maluha luha kinuha ang anak ng makita at nakarga ulit ang Baby Cristine, niya at agad itong hinalikan. "Chuchay iha, bilisan mo umalis kana," agad na sabi ni Manang Flor, sabay abot nang pera kay Chuchay. "Gamitin mo ang perang yan para maka uwi ka ng probinsiya niyo. "Salamat Manang Flor sa lahat ha, napaka buti niyo sa akin," saad ni Chuchay at di na napigilan ang pag agos ng luha niya at niyakap si Manang Flor. Dahil di niya rin alam kung saan kukuha ng pera. Ang perang binigay nila ni Christian kay Chuchay ay iniwan niya lang sa ospital, at ayaw niya gamitin ang perang yun. Baka isipin nila na pumayag asiyang bayaran nila ang anak niya. Pagkatapos niyang mag paalam kay Manang Flor, ay mabilis na siyang tumalikod para umalis. Nang biglang marinig niya ang boses ni Syra na sumigaw. "Guards!" sigaw nito Sabay din ang pag ilaw ng sasakyan sa harap niya. Sasakyan ng mga pulis. Mabilis na lumapit sa kanya si Syra at agad kinuha ang baby niya, at binigay sa yaya. Hinawakan naman ng dalawang guard ang magkabilaang braso ni Chuchay. "Alam ko na dito ang punta mo eh, kaya nakahanda na ko, magnanakaw ka ng anak," ngiti nitong sabi. "Anak ko yan Syra! ikaw ang magnanakaw ng anak. Ibalik mo sakin ang baby ko!" sigaw ni Chuchay. Dahan-dahan naman lumapit si Syra kay Manang Flor. Pak! isang malakas na sampal ang ginawa ni Syra kay Manang Flor. "Wag mong sasaktan si Manang Flor, Syra!" sigaw ni Chuchay pero parang wala itong narinig. Hinablot niya ang buhok ni Manang Flor. "Pakialamera kang matanda ka, ang lakas ng loob mong traydurin ako." Agad naman tumakbo papalapit si Christian, at malakas na itinulak si Syra. Kaya napabagsak ito ng upo sa lupa. "Wala kang karapatan na saktan si Manang Flor! galit nitong sabi. "Sila pa talaga kakampihan mo, baka nakakalimutan mo ang sinabi ng mommy mo sayo. Pulis!" sigaw ni Syra. "Ikulong niyo ang babaeng yan,balak niyan nakawin ang anak ko. Nakita niyo naman sa akto hindi ba." Papalapit na sana ang pulis kay Chuchay, ng sumigaw si Christian. "Wag na wag niyo siyang hahawakan. Wala siyang kasalanan!" Napahinto ang mga pulis sa paglapit kay Chuchay ng marinig ang sigaw ni Christian. "Bakit kayo napahinto? ikulong niyo ang babaeng yan!" galit na sabi ni Syra. "Gusto niyo ba mawalan ng trabaho? isusumbong ko kayo kay General Alex!" sigaw nito. Si General Alex, ang dating tauhan ni Don federico, na isang militar noon. Na General na ngayon. Nang marinig iyun ng mga pulis,ay agad na nilang hinawakan si Chuchay. "Sorry sir, pero kailangan namin siyang dalhin sa prisento." Walang nagawa si Christian, kundi napakuyom na lang ng kamao,bat hinayaang dalhin ng pulis si Chuchay. Agad naman pumasok sa, loob ng bahay si Syra ng makitang wala na si Chuchay. Naiwan sa labas sila Manang flor at Christian. "Sir tulungan niyo si Chuchay, na hindi makulong, mahina pa katawan non," humagolhol na sabi ni Manang flor. "Pumasok kana sa loob ng bahay Manang at magpahinga kana, wag kang mag alala gagawa ako ng paraan para makalabas si Chuchay sa kulungan." tugon ni Christian, na marahan namang tinanguan ni Manang Flor, at lumasok narin. Pagpasok ni Manang flor sa loob ng bahay, ay agad na pinakawalan ni Christian, ang galit sa sarili sinuntok ng napakalakas ang pader, at napaupo hinayaan lang ang kamay na tumutulo ang dugo nito. "Pasok!" sigaw ng pulis at malakas na itinulak si Chuchay, papasok sa kulungan. "Magnanakaw ka ng baby ha," sabi nito. Tiningnan niya ang ibang preso ang tapang ng tingin ng mga ito sa kanya. Kaya naupo na lang siya sa tabi, habang yakap-yakap ang dalawa niyang tuhod. "Hoy ba't ka nagnanakaw ng baby, baog kaba?" tanung ng isang preso dahilan ng pagtatawanan nang lahat. Sumapit na nga ang umaga tanghali ay ganun parin ang ayos ni Chuchay, nakayuko sa isang tabi. "Hoy may dalaw ka!" sigaw ng pulis sa kanya pero hindi parin siya gumalaw. Nakita niya sa labas ng kulungan si Madam Mariel at ang Mommy Calixta ni Christian. "Nagustuhan mo ba ang kulungan iha?" ngiting tanung ni Mariel. "Ang lakas naman kasi ng loob mong paiyakin ang anak kung si Syra, kaya nababagay ka d'yan kasama ng mga ipis at daga. "Chuchay, tumigil kana sa ambisyon mong makuha pa ang baby at si Christian," sabi naman ni Calixta. "Si Syra at Christian na mag aalaga sa baby at legal na magulang ng bata." "Let's go," rinig niyang sabi ni Mariel. "Hindi tayo puwedeng mgtagal dito ang baho." Nakayukom lang ang kamao ni Chuchay, sa narinig na sinabi nila. Hapon na ng sumigaw ang pulis na makakalabas na siya. Lumabas na nga siya ng presinto, at dahan-dahan nilakad ang highway. Hindi niya alintana na nasa gitna na siya ng highway. Nang biglang may huminto sa harap niya ng sasakyan. Dahil sa masama na pakiramdam niya ay di niya na iyun nakita kung sino, dahil bumulagta na siya sa gitna ng kalsada at tuluyan na nawalan ng malay. Pag gising niya inikot ng dalawang mata niya ang loob ng isang kuwarto, napakaganda ng ayos at nakahiga siya sa malambot na kama. Nakita niyang pumasok si Ali. "Chuchay, gising kana pala, ok naba pakiramdam mo? sabihin mo sakin. kung masama pa pakiramdam mo para madala kita sa ospital," sabi nitong papalapit sa kanya. "Ali! ali.. tulungan mo ko," lumuluha niyang sabi at hinawakan ang kamay ni Ali. "Tulungan mo kong mabawi ang anak ko." Hinawakan ni Ali, ang dalawa niyang braso at tinitigan si Chuchay. "Magpalakas ka muna, Oo tutulungan kitang bawiin ang anak mo, pero sa ngayon kailangan mo muna magpalakas. Hindi ko na hahayaang saktan ka pa ng iba, poprotektahan kita Chuchay," sabi ni Ali at niyakap siya ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD