Episode 11

1440 Words
Third Person's POV, Pagkatapos ibaba ni Christian ang tawag, ay agad nag iba ang mukha nito. "Im sorry Chuchay, sa ibang araw na lang tayo pupunta sa pupuntahan natin. May emergency kasi, kailangan kung puntahan." "Ok, Pa!" tugon ni Chuchay at bumaba ng sasakyan. Mabilis naman pinaharorot agad ni Christian ang kanyang sasakyan. Nakaramdam naman si Chuchay, nang lungkot ng makita na ganun ang itsura ni Christian. "Ano kaya ang emergency na yun," bulong niya. Hinintay niyang umuwi si Christian, Hanggang sa dumilim na ay hinintay parin ito ni Chuchay. Pero hanggang sa naging madaling araw na, ay di parin umuwi si Christian. Hanggang sa tuluyan ng nakatulog si Chuchay, sa kakahintay kay Christian. Gumising din siya ng maaga, para tingnan kung umuwi na ba si Christian. Pero wala parin ito, kaya tinanung niya na lang si Manang Flor. "Manang flor, umuwi po ba kanina si Christian?" "Oo iha, pero saglit lang, bumalik na rin agad. Di kana niya ginising dahil ang himbing ng tulog mo." Nalungkot naman siya ng marinig ang sagot ni Manang Flor. Sana di na lang pala siya natulog. Nakita niya sana umuwi si Christian, miss na miss niya na ito. Kahit isang gabi lang silang di magkasama. Lumipas ang araw, isang linggo ramdam niyang parang nagbago si Christian, hindi na ito umuuwi ng maaga lagi narin ito busy pag nasa bahay. Kaya minsan natutulog na lang ito sa study. Hanggang sa araw na nga nang panganganak ni Chuchay. Wala sa tabi niya si Christian, busy daw ito. Napapangiti naman si Chuchay, nang marinig niya na ang iyak ng kanyang sanggol. "Baby girl, Miss Marichu," agad na sabi ng doktor. Kinarga niya agad ang baby at sobrang saya ang naramdaman niya ng makita at makarga ang baby girl niya. Ngunit may lungkot din na wala si Christian, sa tabi ng panganganak niya, at hindi ito agad ang unang nakakita sa baby nila. "Ma'am, ano po pala ang ipapangalan, niyo sa baby girl niyo?" tanung ng nurs. "Christine, nurs!" ngiting tugon ni Chuchay. "Okay po Ma'am, kukunin ko po muna si baby," ngiting sabi ng nurs. Ngumiti namang binalik ni Chuchay ang baby niya sa nurs, bago ito umalis ay hinalikan niya muna ang kanyang baby. Nakatulog naman siya agad, dahil siguro sa pagod at puyat kaya ramdam niyang napahimbing ang tulog niya. Nagising si Chuchay,na naramdaman na may humawak sa kamay niya. Nakita niya si Christian,na hawak hawak ang kamay niya ng mahigpit na nakayuko. "Christian," mahinang tawag niya. Nang marinig iyun ni Christian, ay agad niyang binitawan ang kamay ni Chuchay. Kita niya ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ni Christian. Pero agad naman itong pinahid. Nagulat naman si Chuchay, nang biglang dumating si Syra, at inihagis ang malaking bag sa higaan niya. Agad naman tumayo si Christian, na nakayuko. Kinuha ni Chuchay ang bag at tiningnan, laman ay napakaraming pera. "Ano ito Syra?" takang tanung niya. "Magsimula ka nang bagong buhay, at wag na wag kanang magpapakita pa samin ni Christian at ng anak namin." "Anak niyo?! Anong ibig mong sabihin Syra?" takang tanung ni Chuchay. At tumingin kay Christian, pero nakayuko lang ito, kaya hinawakan ni Chuchay ang kamay nito. "Christian, nakita mo na ba ang anak natin? Kunin mo siya Pa! Dalhin mo siya dito sa tabi ko." "Chuchay, hindi mo anak ang baby, kundi anak ko!" sabat ni Syra. "Kaya kung ako sayo tanggapin muna yung pera at maglaho kana sa buhay namin ni Christian." "Christian, christian, ano ba ang sinasabi ng babaeng yan," maluha-luha niyang tanung kay Christian. "Im sorry Chuchay, Im sorry," mahinang sabi ni Christian at umalis. "Teka Christian! Christian!" sigaw niya ng makitang papalabas na nang pinto si christian. "Syra, ibalik mo ang baby ko," iyak niyang sabi kay Syra. Pero ngumiti lang ito at umalis. "Syra! Christian! ibalik niyo sakin ang baby ko. Christian! christian," humagolgol na tawag ni Chuchay sa pangalan ni Christian. "Syra, Christian! ibalik niyo sakin ang baby ko, nagmamakaawa ako sa inyo!" sigaw pa niya. Tinapon niya ang perang nakalagay sa kama niya at tinanggal ang dextrose na naka kabit sa kanya. Kahit nanghihina pa siya mabilis siyang lumabas ng ospital. Nakita niyang umalis ang sasakyan ni Christian, tanaw niya ang isang nurs nasa likod nakaupo habang karga ang baby niya at sa tabi naman ni Christian si Syra. Hinabol niya ang sasakyan ni Christian, pero malayo na ito. "Christian! Syra! ibalik niyo sakin ang baby ko!" sigaw niya. Pagkarating nila Christian sa bahay, ay agad ito kumuha nang isang boteng alak at tinungga. Inaalala ang nakaraan. Patakbong pumunta siya sa ospital at tinanung si Dok ethan. "Bro, anong nangyari kay mommy?" bungad niyang tanung ng makita si dok ethan palabas nang emergency room. "Na overdose sa gamot ang mommy mo, isang bote ng gamot ang ininom nito. Mabuti na lang ay mabilis siyang nadala sa ospital kaya agad siyang naagapan." tugon nito at tinapik ni Dok ethan ang balikat ni Christian saka umalis. Pumasok siya sa kuwarto ng mommy niya at naupo sa tabi nito. "Mom, ganyan mo ba talaga hindi ka gusto si Chuchay, at kailangan mo pa talagang gawin yan," umiiyak niyang sabi na nakayuko. Nagising naman ang kanyang mommy at tiningnan siya. "Christian, tayo na lang dalawa. Dahil sa sakit nang daddy mo nalugi ang kompanya natin, sa pagpapa gamot natin sa kanya sa australia. Ngayong nakabawi kana at nagkaroon na nang shares sa kompanya ng mga fernandez, hindi ako papayag na masira iyun dahil lang sa babaeng yun anak. Anak pag pinakasalan mo si Syra, puwedeng ikaw ang mamahala sa kompanya nila. Matanda na ang daddy ni Syra, wala itong ibang anak kundi si Syra lang." "Pero mommy, diko kailangan ng mga yan, kailangan ko si Chuchay at ang anak namin." "Tama na! pag gagawin mo yang gusto mo, uulitin ko ulit ang magpakamatay. Mas gugustuhin ko ang mamatay na lang kaysa, makita kang naghihirap kasama ang babaeng yun!" sigaw nito. "Ah...!" malakas na itinapon ni Christian ang dala-dalang bote kaya nabasag at nagtalsikan ang mga bubog nito. Matapos niyang maalala ang sinabi ng kanyang mommy. Bigla namang may tumawag sa phone niya kaya mabilis niya naman itong sinagot. "Sir Christian, nawawala ho, Si Miss Marichu sa ospital." "Ano?! Bakit nawala? Hanapin niyo, mahina pa katawan non!" sigaw niya. Agad siyang tumakbo pababa nang hagdan para tumulong maghanap kay Chuchay. Napahinto naman siya sa hagdan ng marinig ang sinabi ni Syra. "Saan ka pupunta? hahanapin mo siya? Di mo kailangan hanapin ang babaeng yun, dahil sigurado dito ang punta nun para kunin ang anak niya. Hintayin mo na lang dito ang babaeng yun," inis na sabi ni Syra at iniwan siyang tulala sa hagdan. Dahan-dahan namang naglakad si Chuchay, papunta sa bahay nila Christian. "Babawiin ko ang anak ko, anak ko yun!" bulong niya. Habang umaagos ang mga luha niya, sobra siyang nasaktan na isipin na nagawa ni Christian iyun sa kanya. Ilang oras niyang paglalakad ay nakarating na nga siya sa bahay ni Christian, nasa labas lang siya ng gate, Hinihintay na sana may lumabas. Dumilim na pero wala paring lumabas. Ilang saglit niya pang paghihintay ay nabuhayan siya ng loob ng makita si Manang Flor. "Manang flor," tawag ni Chuchay habang lumuluha. Agad naman lumingon si Manang flor at mabilis na tumakbo at niyakap si Chuchay. "Chuchay, anak! anong nangyari?" pag aalala nitong tanong. "Manang flor, kinuha nila Christian at Syra, ang anak ko," humagolgol niyang sabi dito. "Manang Flor, tulungan mo ko, kunin ang anak ko," agad niyang sabi kay Manang Flor. "Oo, oo! tutulungan ka namin ni Ate inday mo, maghintay ka mamayang madaling araw pag tulog na sila at ung yaya na nagbantay kay baby." "Ok manang," tugon niya dito at agad niyakap si manang flor. "Sandali lang, kukuha lang ako ng makakain mo anak, hintayin mo ako dito ha. Babalik ako agad." Saad nito na tinanguan naman ni Chuchay. Maya-maya ay bumalik na si Manang Flor, dala-dala ang pagkain at tubig. Ibinigay ito sa kanya, masasarap ang pagkain na binigay ni Manang Flor, pero wala itong lasa sa kanya, kahit na nakaramdam siya ng gutom, parang hindi niya kayang lunukin ang pagkain dahil sa sakit na naramdaman ng dibdib niya. "Chuchay, ano gagawin mo pagkatapos mo makuha ang baby mo, saan kayo titira?" agad na tanung ni Manang flor. "Uuwi ako ng probinsiya manang, magpapakalayo ako kay Christian, kasama ang baby namin," lumuluha niyang sabi. "Hinding-hindi na ko magpapakita sa kanya." "Tama na, tama na Chuchay! wag kanang umiyak. Magiging maayos din ang lahat anak, may awa din ang Diyos sayo, dahil alam kung napakabuti mong tao," tugon ni Manang Flor at niyakap ulit ng mahigpit si Chuchay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD