The Lost Daughter

2064 Words
#The_lost_daughter #Chapter_1 Halos ayaw alisin ni Donya Jana ang kanyang mga titig sa kanyang sanggol na tatlong buwan pa lamang.Hinawakan niya nang dahan-dahan ang mukha nito at ang maliliit na mga daliri nang napakaamong mukha nang kanyang sanggol.Hinihimas din nito ang balat sa paa nang kanyang sanggol na kulay pula at hugis butuin. "Hindi nakakasawa tingnan ang aking napakaganda at napaka among mukha nang aking baby.Sana baby lumaki kang mabait at maging matapang sa pagharap sa hamon nang buhay,pero wag kang mag-alala anak,nandito lang si mommy hinding-hindi ko kayo iiwan ni Kuya Januz mo."ngiting wika ni Donya Jana sa sarili habang tinitingnan din ang isa nitong anak na lalaki na si Januz Fernandez ang kuya nang kanyang sanggol na si Janelle Fernandez,ang prinsesa nang kanilang mansiyon. "Mommy,mommy! Sigaw ni Januz na apat na taong gulang.Habang tumatakbo itong lumapit sa kanyang mommy na nakaupo sa duyan-duyan habang buhat nito ang kanyang kapatid. Napalingon si Donya Jana sa panganay niyang anak na lalaki,habang tumatakbo ito papalapit sa kanya.. "Mommy, mommy, can i kiss to baby Janelle,tanung ni januz nang makalapit na siya sa kanyang mommy at kapatid. "Ofcourse you can son." agad namang sagot ni Donya Jana,sa apat na taong gulang na anak,at inilapit nito si baby Janelle para makahalik ang kuya nito. "Baby Janelle be brave when you grow up ok,I'm your big brother,im always protect you,wika ni januz habang tinataas pa nito ang kanyang braso. Napangiti na lamang si Donya Jana sa narinig niya sa apat na taong gulang niyang anak,wala na siyang ibang mahihiling pa kundi ang maging masaya at malusog lamang ang mga ito lagi at malayo sa panganib na alam nilang mag asawa na pwedeng mangyari ano mang oras dahil sa trabaho nang asawa niya bilang gobernador,hindi lingid sa kaalaman niya na hindi ito nawawalan nang mga kalaban. Maya't-maya ay bumalik narin si Januz sa paglalaro nang kanyang bola. Nang dumating narin ang daddy nila na si Don Federico,isang business man. Na nag mamay ari nang malaking panahian,at nagbebenta nang mga electronics,tulad nang computer at iba pang mga gadgets,at isa din itong politician,tumatakbo bilang gobernador sa bayan nila ngayon. Di ito nawawalan nang kalaban,mapa business man o political. Kaya kahit saan ito mapunta maraming bodyguards,at pati na rin sa mansyon nila maraming nakapalibot na mga bantay. Pagdating pa lang ni Don Federico Fernandez ay kita na niya ang asawa niyang nakatalikod,habang nakaupo sa duyan-duyan na upuan,at karga karga ang baby nila,niyakap agad ni Don Federico ang asawa sa likuran nito,at hinalikan at inamoy amoy ang leeg. "Amoy baby." nakangiting wika ni Don Federico Fernandez. Ngumiti agad si Donya Jana,nang maramdaman ang pagyakap agad sa kanya nang asawa at paghalik nito sa leeg niya. "Si baby Janelle ang naamoy mo,kamusta ang araw mo husband?" tanung agad niya dito. "Medyo pagod,wife"pero nawala nang makita ko na kayo,agad namang sagot ni Don Federico,habang hinahalikan sa leeg ang asawa."let me carry my baby Janelle"oh my baby Janelle so pretty.saad ni Don federico habang inilapit ang ilong niya sa ilong ni baby Janelle,at marahan na iniungtog ito sa baby niyang kumikisap ang mata at ngumiti ito sa kanya. Hingal namang lumapit si Januz,sa kanyang daddy." "Dad lets play! Yaya nito habang tinataas ang bola niya. "Ok ok let's play." agad namang sagot nang ama at binalik si baby Janelle sa mommy niya. Pass the ball!Catch the ball!! Faster son! Faster! Masayang wika ni Don Federico habang hinahabol ang anak niyang lalaki. "Go son,get the ball! Natawang tugon ni Don Federico.Nagtatawanan ang mag ama at nag uunahan mahabol ang bola. "Masayang masaya naman na nakatingin si Donya Jana sa mag ama niya,sana lagi silang ganito masaya,wala na siyang mahihiling pa. Nasa kanya na ang lahat mabait na asawa at may lalaki at babae na siyang mga anak. Pagkatapos nilang maglaro sa malawak na hardin nang mansyon nila ay pumasok narin ito. Habang nasa harapan nang malaking salamin na nakaupo si Donya jana,na nililinis at inaayos ang kanyang mga alahas,nakita naman niya ang unang alahas na binigay nang kanyang asawa nung magkasintahan pa lamang sila,isang kwentas na may pendant na star,at may initial na pangalan nilang dalawa nang kanyang asawa na JF.Napapangiti na lamang siya habang tinitigan ang kwentas,kinikilig parin siya sa asawa niya pag naalala niya ang mga ginagawa nitong panliligaw sa kanya.Natigil naman siya sa kanyang ginagawa nang,lumapit sa kanya si januz. "Mommy,mommy,can I sleep here?" i want to sleep with you and daddy."malambing na wika ni Januz. "Ofcourse baby you can."saad niya dito at sabay kiss niya nito sa noo,naisipan niya din ilagay ang kwentas sa leeg ni januz. Pagkatapos niyang ilagay sa leeg nang anak ang kwentas ay napapangiti siyang tinitingnan ang kanyang anak na lalaki,kamukhang kamukha kasi ito nang kanyang ama. "Ano ito mommy?" tanung ni januz habang hinahawakan ang kwentas na nasa leeg niya. "Yan ang unang regalo ni daddy mo sakin,kaya ibibigay ko narin sayo. Wag mo tatanggalin yan baby ha,kundi malulungkot si mommy." "OK mommy."agad namang wika ni Januz. Pagkatapos mag ayos ni Donya Jana sa kanyang mga gamit ay pinatulog niya narin si Januz,dahil ang kanyang baby Janelle ay mahimbing na itong natutulog sa kuna.Nang makatulog na si Januz ay agad naman niyang tiningnan ang asawa sa office nito sa mansiyon nila,busy pa ito sa ginagawa kaya dahan-dahan siyang lumapit dito at niyakap ito. "Tama na yan husband,magpahinga na tayo,bukas mo nalang tapusin yan." "Okay wife,sandali lang ililigpit ko lang ito,si Januz tulog narin ba?" "Oo,tulog na at nandun sa kama natin,hindi daw siya makatulog sa kuwarto niya,kaya gustong tumabi sa higaan natin."nakangiting wika ni Donya Jana. Pagkatapos iligpit ni Don Federico ang kanyang mga papeles,ay inakbayan na nito ang kanyang asawa,papasok sa kuwarto nila.Lumapit muna siya sa kanyang baby Janelle at hinalikan ito sa pisngi.Sunod naman nitong hinalikan ang kanyang anak na lalaki na si Januz.Bago niyakap ang asawa at magkayakap na natulog. Nasa kalagitnaan na sila nang kanilang pagtulog,nang biglang umalingawngaw ang ingay na putok nang baril sa buong mansiyon.. Bang!bang!bang!rinig nilang mag asawa.kaya nakaramdam agad nang taranta si Donya Jana,sabay silang bumangon ni Don Federico at agad nilang sinilip ang balkonahe nang kwarto nila.Kita nilang may nakapasok na mga armado sa mansyon nila at pinagbabaril ang kanilang mga tauhan. "Husband,anong gagawin natin parang napakaraming mga kalaban ang pumasok sa mansiyon natin?"naluluhang wika ni Donya Jana.Nang makitang isa-isang natumba ang mga tauhan nila. "Wife,wag kang mag-alala o matakot,hinding hindi ko hahayaan ang mga yan na saktan kayo isa man sa inyo nang mga anak ko."tugon ni Don Federico at mabilis na binuksan ang cabinet.Na laman nang iba't-ibang klase nang baril niya. "Wife,dito ka lang muna,lalabas lang ako para harapin ang mga kalaban,wag mong buksan ang pinto kung hindi mo marinig ang boses ko."tugon ni Don Federico na tinanguan naman ni Donya Jana. "Husband,mag iingat ka."nag-aalalang wika ni Donya Jana.Tumango at ngumiti naman si Don Federico bago lumabas nang kuwarto nila. Pagkalabas ni Don Federico,ay mabilis naman kinuha ni Donya Jana,ang telepono at tinawagan ang tauhan nilang si Alex na isang sundalo.Isang ring ay mabilis naman agad itong sumagot. "Alex,alex!Tulungan mo kami,sinugod kami ngayon nang mga armadong lalaki at marami na silang napatay na mga tauhan sa mansiyon,bilisan mo Alex.Pumunta ka dito baka mapahamak ang asawa ko."umiiyak na sabi ni Donya Jana. "Ha!okay Donya Jana,wag kayong mag-alala papunta naku."tugon ni Alex at agad ibinaba ang telepono. Bang!Bang!Bang rinig ni Donya Jana ang putukan sa labas,kaya nakatakip ang dalawang kamay nito sa tainga,habang dahan-dahan lumapit kay baby Janelle at kinuha ito sa kuna.Pinahiga niya ito sa tabi ni Januz at niyakap ang dalawang anak,habang umiiyak dahil sa takot. Bang!Bang!Bang!tunog nang baril ni Don Federico,nang may nakita itong papasok sa harap nang pintuan nila.Nilibot niya ang sala at kusina,marami na itong mga nakahandusay na mga tauhan niya. Bang!Bang!Bang!tunog nang baril niya nang may makita siya sa bintana.Tiningnan niya ang labas napakarami paring mga kalaban na dahan-dahan pumasok sa mansiyon niya. Bang!Bang!Bang!tunog nang baril niya nang may nakita ulit siya na papasok sa loob nang mansiyon,mahina narin tunog nang palitan nang putok nang baril ang naririnig niya,kinakabahan siyang isipin na baka wala nang natira sa mga tauhan niya sa mansiyon.Kaya mabilis siyang tumakbo paakyat nang hagdan. "Wife,Wife!wika niya kaya agad naman itong binuksan ni Donya Jana at mahigpit siyang niyakap. "Husband,ano na ang nangyari?"wala na ba ang mga kalaban?"tanung ni Donya Jana. "Marami parin sila wife,kaya bilisan mo ihanda mo ang mga bata,at umalis muna kayo dito sa mansiyon,sa likuran kayo dumaan may sasakyan doon,yun ang gamitin mo para makaalis kayo dito." "Ayoko husband,ayokong iwan ka dito.Sasamahan ka namin nang mga anak mo,kung aalis man kami dito dapat kasama ka."lumuluhang wika ni Donya Jana. "Wife,please"isipin mo ang kaligtasan nang mga anak natin,wag mo kung alalahanin.Pangako ko sayo,makakaligtas ako dito at pag naging okay na ang lahat,ibabalik ko kayo dito sa mansiyon.Kaya wife,makinig ka muna sakin ngayon at sundin mo ko."saad ni Don Federico at hinalikan sa labi ang asawa.Lumuluha namang tumango si Donya Jana,at mabilis na,tumayo.Kumuha siya nang makapal na lampin at ibinalot ang kanyang tatlong buwan na sanggol at binuhat ito.Si Don Federico naman ang bumuhat sa apat na taong gulang niyang anak na lalaki,habang buhat niya si Januz,ay binuksan muna nito ang kanyang kabinet at kinuha ang maliit na baril na 45 cal,at ibinigay kay Donya Jana. "Wife,gamitin mo ito kung kinakailangan."wika nito na agad namang kinuha ni Donya Jana. Dahan-Dahan sila lumabas nang kuwarto,nanindig ang balahibo sa katawan ni Donya Jana,nang makita ang sala na napakaraming nakahandusay na mga tao na wala nang buhay. Bang!Bang!Bang!tunog na baril ni Don Federico nang may makita itong kalaban sa kusina habang pababa sila nang hagdan.Dumaan sila sa likuran at agad na inilapag ni Don Federico si Januz sa likuran nang sasakyan habang mahimbing itong natutulog.Dahan-dahan din nilapag ni Donya Jana,ang kanyang sanggol na hawak sa harap na upuan nang sasakyan. "Wife sige na,bilisan muna umalis na kayo baka maabutan pa kayo nang mga kalaban."wika ni Don Federico. "Husband,sumama ka nalang samin nang anak mo,tumakas na tayo ngayon dito."umiiyak na wika ni Donya Jana. "Hindi puwede wife,gusto kung malaman kung sino ang may kagagawan nang paglusob dito sa mansiyon natin,kaya sige na wife umalis kana at ilayo mo ang mga anak natin."saad ni Don Federico at hinalikan muna ang kanyang dalawang anak at ang kanyang asawa.Kahit nanginginig sa takot si Donya Jana at lumuluha ay agad naman siyang sumakay nang sasakyan at pinaandar ito. "Husband,mangako kang magkikita pa tayong muli,mag-iingat ka husband!!sigaw ni Donya Jana na lumuluha,habang pinaatras ang sasakyan at niliko para umalis.Umaagos ang kanyang mga luha nang tingnan niya ang kanyang asawa sa side mirror nang kanyang sasakyan,habang unti-unti itong papalayo at di na matanaw. "Husband,mangako kang pagkatapos nito ligtas kang babalik samin nang anak mo,mangako kang magkikita pa tayong muli at mayayakap kapa namin nang mga anak mo."bulong ni Donya Jana sa sarili habang umaagos ang mga luha."Diyo's ko ikaw na bahala sa asawa ko iligtas mo siya panginoon,na sana ang mga kalaban na iyun ang mawala at hindi ang asawa ko panginoon,ayokong mawalan nang ama ang mga anak ko.Diyos ko!wika ni Donya Jana,habang tinitingnan ang kanyang sanggol at hinawakan niya ito sa isang kamay niya,habang ang isang kamay ay nakahawak sa mobila nang sasakyan. Nagulat naman siya nang biglang marinig ang putok nang baril. Bang!Bang!Bang! Putok na baril sa likuran nang sasakyan niya,nasundan sila nang mga kalaban kaya binilisan pa niya ang takbo nang sasakyan.Kinabahan naman siya nang biglang bumangon ang anak na si Januz na nasa likuran nang sasakyan,habang patuloy parin silang pinagbabaril nang kalaban. "Mommy,what happened?" "Baby,Januz"go back to sleep,lay down baby."mabilis niyang tugon dito at hinila nang isang kamay niya si Januz para mahiga ulit,dahil baka matamaan ito nang bala.Habang ang isang kamay niya ay nasa mobila.Hindi parin sila tinigilan nang mga kalaban at pinagbabaril parin sila nito.Binuksan ni Donya Jana ang kanyang bintana at kinuha ang baril na binigay nang kanyang asawa.Kahit kinabahan siya ay gumanti parin siya.Pinaputukan niya ang mga ito. Bang!Bang!Bang!tunog nang baril ni Donya Jana.Sunod-sunod naman ang putok nang baril nang mga kalaban at natamaan ang gulong nang sasakyan ni Donya Jana,kay mabilis itong na preno at nabangga sa malaking puno sa tabi nang kalsada.Dahil sa malakas ang pagkabangga,dahilan para magising ang dalawang anak ni Donya Jana,at sabay-sabay na umiyak.Duguan din ang ulo ni Donya Jana,dahil malakas itong nauntog sa mobila,kahit parang mawawalan na siya nang malay ay pilit parin siyang lumabas nang sasakyan at kinuha ang dalawang anak niya para iligtas ang mga ito sa papalapit na mga kalaban. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD