Episode two

2054 Words
Chapter_2 Nakakapit sa likod niya ang apat na taong gulang niyang anak,habang karga naman niya ang kanyang sanggol,na bumaba nang dahan-dahan sa kakahuyan sa gilid nang kalsada kung saan nabunggo ang kanyang sasakyan. Tiningnan niya ang mga kalaban,tanaw na niya itong huminto sa tabi nang sasakyan niya,kaya binilisan pa niya ang pagbaba sa kakahuyan,nang biglang natisod siya sa isang bato at natumba,at nag pagulong-gulong pababa sa kakahuyan,tumilapon si Januz,habang mahigpit parin niyang hinawakan ang kanyang sanggol. Umaagos ang mga luha ni Donya Jana,nang lapitan niya ang anak niyang tumilapon at nanginginig na ang mga tuhod niya sa takot,naaawa siya sa mga anak niya na sa mga murang isip nito ay naranasan na ang ganitong pangyayari. "Mommy!humagolgol na iyak ni Januz. "Baby,your a big boy right?kaya wag ka nang umiyak baby,halika tumayo kana anak."saad ni Donya Jana sa anak at tiningnan ang mga humahabol sa kanila pababa narin ang mga ito sa kakahuyan. "Ayun sila!sigaw nang humahabol sa kanila,kaya mabilis namang hinila ni Donya Jana si Januz."Son dali bilisan mo anak."lumuluhang wika ni Donya Jana,dahil parang hindi narin kaya nang katawan niya ang tumakbo pa.Napahinto naman si Donya Jana,nang may makita siyang tago na lugar at mayayabong ang mga halamang damo.Binalot niyang mabuti ang kanyang sanggol at umaagos ang mga luha na dahan-dahan niya itong inilapag sa damuhan. "Baby Janelle,patawarin mo si momny kung iiwan kita ngayon dito,pero pangako anak babalikan kita,kaya please anak wag ka munang umiyak para hindi ka makita nang mga masasamang tao na yun."umiiyak na sabi ni Donya Jana at hinalikan ang kanyang sanggol. "Januz,let's go." "No mommy,wag natin iwan dito si baby."umiiyak na sabi ni Januz. "Son,halika na.Makinig ka kailangan muna natin iwan si baby,para hindi tayo mahabol nang mga bad people.Pangako anak babalikan naman natin si baby Janelle."sabi ni Donya Jana at hinila na si Januz. "Nandito sila!!sigaw nang mga humahabol kaya mas lalo pang binilisan ni Donya Jana ang takbo nila ni Januz. Napahinto naman si Donya Jana,nang may makita ulit siyang tago na lugar,kaya agad niyang pinaupo si Januz. "Son dito ka muna,let's play hide and seek son,wag kang lalabas ha,pag di mo narinig ang boses ni mommy."lumuluhang sabi ni Donya Jana,sa apat na taong gulang niyang anak. "Mommy,why are you crying?"Susundin na po kita mommy,kaya wag kanang umiyak." "Okay,okay son"magtago kang mabuti ha,babalikan ka ni mommy."sabi ni Donya Jana at hinalikan muna si Januz bago niya ito iniwan. Mabilis na tumakbo sa ibang direksiyon si Donya Jana,para hindi makita ang dalawang anak niya.Napahinto naman siya sa pagtakbo nang may marinig siyang putok nang baril at may naramdamang tumama sa likod niya.Pabagsak siyang nadapa sa lupa na umaagos ang mga luha,at iniisip ang dalawa niyang anak na iniwan. Takot at pangamba ang naramdaman niya na baka hindi na niya mabalikan o makita pang muli at makasama ang mga anak niya dahil sa tama nang bala sa likod niya.Iniisip niya na lang na sana makita agad nang asawa niya ang dalawa nilang anak kung buhay pa ang asawa.Akala niya walang hanggan na ang kasiyahan ang naramdaman niya,ngunit panandalian lamang pala."bulong niya kasabay nang pag pikit nang mga mata niya. Samantala si Don Federico ay patuloy parin ang pakikipag-barilan sa mga kalaban,dahil alam niya ang pasikot-sikot sa mansiyon niya ay mas nakakalamang siya sa mga ito.Nababawasan man ang mga kalaban pero marami parin ang natira,hindi niya kaya ang mga ito pag nagsabay-sabay itong pumasok.Hanggang sa nakita niyang papasok na nga ang mga ito sa mansiyon niya. Bang!Bang!Bang!tanaw niyang dumating ang kanyang tauhan na si Alex,kasama ang tatlong back-up na mga army. "Don Federico,ok lang ho kayo?patakbong tanung ni Alex nang makapasok ito sa mansiyon niya. "Ok lang ako,ok lang ako! pero kailangan ko sundan ang mag iina ko. Ihanda ang sasakyan."tugon niya dito na agad naman nitong sinunod. Mabilis naman humarorot ang sasakyan nila Don Federico.Maya maya ay natanaw na nila ang sasakyan nang asawa na nabunggo nang malaking puno.Agad siyang kinabahan at tumakbong lumapit nang biglang. Boommmm..sumabog ang sasakyan nang asawa niya at ang dalawa niyang anak. "Wife,Januz,baby Janelle!Wife!! sigaw ni Don Federico nang makitang nagliliyab na ang sinasakyan nang asawa niya at ang dalawang anak. Boom..sumabog pa ulit ang sasakyan. Sa di kalayuan naman nakatanaw ang mga kalaban."Tara na. Biglang nagising sa gulat nang makarinig nang pagsabog si Aling maricar.Lumabas ito sa kanilang bahay,para tingnan kung anong nangyari.Kita niya lang sa malayo ang malaking apoy at makapal na usok. Malayo naman sa bahay niya kaya bumalik na lang siya sa kanyang pagtulog.Ang bahay niya kasi ay nasa gitna nang kakahoyan at ang ibang kabahayan naman ay malayo pa.. Pagka gising niya sa umaga ay maagang kumuha nang panggatong si Aling maricar para sa mga lulutuin niyang kakanin para ibenta.Nang makarinig siya nang iyak nang sanggol. Uha!Uha! "Saan galing ang iyak na yun?"pagtataka ni aling maricar.Tunog na iyak nang sanggol,sa tinagal tagal niyang nakatira doon na mag isa wala naman siyang nakaramdam nang kakaiba sa lugar na yun.Kagabi lang malakas na pagsabog at iyak naman ngayon nang sanggol.Aalis na sana si Aling Maricar nang lumakas pa ang iyak nang isang sanggol. Uha!!Uha!! Kaya naisipan na lang ni aling maricar na hanapin kung saan banda ang tunog na iyon.Maya maya ay may napansin na nga siya sa damuhan.Mukhang dito nga ang tunog na yun.Hinawi niya ang damuhan,tumambad nga sa kanya ang isang sanggol na kanina pa umiiyak. Lumingon lingon muna siya kung may tao ba,ngunit wala siyang nakita.Agad niyang kinuha ang sanggol. "Baby sino nag-iwan sayo dito,kawawa ka naman,napakaganda mo pa naman. Sino ba ang mga magulang mo ba't nakaya ka nilang iwan dito sa damuhan?"tanung ni Aling maricar at kinuha ang sanggol.Dinala ni Aling maricar si baby sa kanyang tinitirhan. Iniisip niya na lang na baka ito na ang sagot sa mga dasal niya. Si aling maricar ay isang matandang dalaga sa edad na kuwarenta at mag isang naninirahan sa lugar na yun. Ang mga pinagkikitaan lang nito ang magtinda nang kakanin at mga naharvest na gulay sa kanyang mga pananim.Simula kasi nang mabigo ito sa unang pag ibig niya ay di na siya tumanggap nang manliligaw. "Kung ikaw man ang binigay sakin nang diyos para samahan ako baby ay buong puso kung tatanggapin at aalagaan ka. Sa abot nang aking makakaya,kung sino man ang mga magulang mo baby, pangako ko sa kanila na mamahalin kita nang buong puso."ngiting sabi ni Aling maricar. Kaya pinaliguan na ni aling maricar ang sanggol,tuwang tuwa siya dahil may ituturing na siyang anak.Nang pinaliguan na niya si baby napansin niya na may balat pala ito malapit sa talampakan na parang hugis na bituin at kulay pula. "Ikaw ba ang bituin baby,na hulog nang langit sa akin?"ngiti niyang sabi habang pinapaliguan ang sanggol.Pagkatapos niyang bihisan si baby ay nag isip siya kung anong ipapangalan sa baby.. "Alam ko na simula ngayon baby ang pangalan mo ay si Marichu ang aking anak." "Kamusta ang imbestigasyon?"tanung ni Don Federico nang makitang papalapit sa kanya si Alex. "Pasensya na ho,Don Federico wala pa po kaming mahanap na ibedensya para malaman kung sino ang sumalakay sa mansyon ninyo.Ito lang ho,ang natagpuan namin sa lugar kung saan sumabog ang sasakyan ni Donya Jana."tugon ni Alex at inabot nito kay Don Federico ang mga gamit na nakita. Damit na suot nang gabing yun ni Donya Jana na duguan,laruan ni Januz na hinahawakan niya at tinatabi sa pagtulog at ang lampin ni baby. Nang makita iyon ni Don Federico ay napasigaw siya at napaluhod na humagolgol sa iyak. Isang gabi lang nawasak na agad ang kanilang masayang pamilya. "Wala kayong bangkay na nakita,gawin niyo ang lahat mahanap lang ang mag iina ko,at malaman kung sino ang may kagagawan nito."Kahit maubos pa aking mga ari-arian gawin niyo!sigaw ni Don Federico Kay Alex. "Opo Don Federico."tugon ni Alex. "Sige na makakaalis kana."sabi ni Don Federico na agad naman nitong sinunod. Naiwan si Don Federico na humagolgol sa iyak habang yakap yakap ang gamit nang kanyang mag iina. Isang linggo na simula nang makita ni aling Maricar si baby Marichu. Nang may matanggap na sulat si aling maricar tungkol sa ina.Kailangan niya daw umuwi nang probinsiya dahil malubha na ang sakit nang kanyang ina. Kaya agad naman umuwi si Aling maricar kasama ang anak niyang si baby marichu. Pagdating ni Aling maricar sa probinsiya nila ay nagulat pa ang lahat na may baby itong dala dala na ang pagkaka alam nila ay matandang dalaga pa si aling Maricar.Nakarinig naman nang mga chismisan si aling maricar sa mga kapitbahay nila. "Ang ganda nang bata hindi kaya amo ni maricar nakabuntis sa kanya." "Baka ibang lahi nakabuntis sa kanya." "May taglay din pala tong kalandian si maricar kasi nagpabuntis na walang Ama." "Tahimik nasa loob ang kulo."sabi nang mga chismosang kapitbahay ni Aling maricar.Pero binalewala niya iyun.Basta ang alam niya nung dumating ang baby sa kanya. Nakaramdam siya nang sobrang saya. Kakaibang saya ang naramdaman niya na maging isang ina kahit hindi siya ang nagluwal nito at para sa kanya isang biyaya nang Diyos ang matagpuan niya ang sanggol. Namatay na nga ang ina ni aling Maricar,matapos ilibing ito ay nagpasya na si aling maricar na hindi muna bumalik sa lugar niya at manirahan muna sa probinsiya.May maliit naman sila na lupain sa probinsiya na pwede nilang pagkakitaan. Makalipas ang sampung taon.. "Chuchay!sigaw ni aling maricar sa anak na si Marichu."Kain na anak ano ba ginagawa mo diyan? "Sandali na lang po ito inay matatapos ko na tahiin ang damit nang manika ko." Pag walang pasok ay nagtitinda nang kakanin sa palengke si Chuchay na luto nang kanyang inay.Minsan pag marami silang na harvest sa mga tanim na gulay nila,ay yun din ang binebenta niya sa palengke. "Inay inay alis na po ako."paalam ni chuchay sa kanyang ina,maglalako ito nang paninda niyang banana cue. "Oh sige mag iingat ka anak,umuwi sa tamang oras maubos man o hindi ang iyong paninda."tugon ni Aling maricar. "Ok po inay."ngiting sabi ni chuchay at umalis bit-bit ang isang basket. Nalibot na ni chuchay ang kalapit na baranggay sa lugar nila at kunti na lang ang natira sa paninda niya.Nang biglang humarang na naman sa dinadaanan niya ang batang si boknoy.Ang Batang mataba at matanda lang sa kanya nang dalawang taon,ang mortal niyang kaaway.Bigla na lamang ito kumuha nang paninda niya at kinain. Lagi niya nalang ito ginagawa,iniiwasan na niya ito na makasalubong.Pero nakasalubong parin niya. "Bayad mo boknoy wala nang libre ngayon."inis na sabi ni Chuchay. "Hahaha,eh kung ayaw kung magbayad may magagawa ka ba?Ha?ha!ha? singhal nito habang lumalapit sa kanya. "Kaya tinalikuran niya na lamang si boknoy,kahit hindi ito nagbayad sa kinain niya."Pero mabilis nito hinablot ang dala niyang basket at itinapon kaya nahulog ang mga paninda niyang banana cue,buti nalang kunti na lang ang natira,kasama din natapon ang perang napag bentahan niya nang banana cue.Nakita naman ito ni boknoy at agad pinulot ang pera at tumakbo. "Boknoy!boknoy!ibalik mo yan! Pera ko yan!sigaw niya kay boknoy habang tumutulo ang luha niya.Pag uwi niya nang bahay ay iyak parin nang iyak si Chuchay. "Siguradong malulungkot si inay,umuwi akong wala ang paninda ko at ang pinagbentahan.Iiponin ko sana iyun para sa susunod na pasukan makabili ako nang bagong sapatos,humanda ka sakin boknoy."bulong niya habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. "Oh marichu bakit ka umiiyak?Tanung ni aling maricar nang makitang umiiyak si chuchay,habang hawak-hawak nito ang manika,kakarating lang kasi nito galing sa bukid. "Nakasalubong muna naman ba si boknoy?"tanung ni aling Maricar. Ilang beses na kasi umuuwi si chuchay na umiiyak dahil kay boknoy. "Hayaan muna yun anak,magluluto na lang nang marami si inay mo bukas wag ka nang malungkot."sabi ni Aling maricar at niyakap ang anak. "Pero inay pag palagi natin hinahayaan si boknoy masasanay siya sa ginagawa niya.Basta gagawa,ako nang paraan para hindi na uulit ang matabang boknoy na yan."inis niyang sabi. "Anak baka mapahamak ka at saktan ka pa ni boknoy hayaan mo na lamang siya.Si GoD na ang gaganti para sayo anak." Pero hindi nakinig si chuchay sa Ina. Hindi mapakali si chuchay sa kakaisip kung anong gagawin niya para makaganti siya kay boknoy.Nang may nakita siyang plastic bottle na spray na nakatambak sa bahay nila ay agad niya itong kinuha.Kahit saan kasi siya magpunta pag may nakikita siyang plastic bottle o bakal ay kinukuha niya para ibenta. "Tama lalagyan ko ito nang maraming maraming sili at suka."Wahahahaha napatawa siya nang maisip na kung anong mangyayari mamaya Kay boknoy.. "Lagot ka sakin mamaya boknoy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD