Episode 3

2242 Words
The_lost_daughter Chapter 3 Mabilis siyang tumakbo sa taniman nila,pinuno niya nang siling pula ang spray bottle,at ginupit gupit niya pa ito nang maliit,saka nilagyan nang suka.. Kahit siya ay naluluha at nauubo sa ginagawa niya dahil sa sobrang anghang. "Pero di bale panlaban ko ito kay boknoy."sabi niya sa sarili. Mayamaya ay nagtinda na nga siya,sinadya niya talaga dumaan kung saan lagi nakatambay si boknoy,pero wala ito. Palakad lakad pa siya at hinanap si boknoy,maya maya ay natanaw niya na si boknoy na papalapit sa kanya,inihanda niya na sa ilalim nang basket ang spray.. Lumapit nga si boknoy,at ang tapang nang tingin sa kanya akmang kukuha ito nang paninda niya,kaya mabilis niya ito inispray sa mata ni boknoy ang panlaban niya kaya nabitawan nito ang kinuha. "Aahh!sigaw ni boknoy nang maramdaman ang anghang nang mata niya at tumakbo ito nang mabilis. "Hahahaha buti nga sayo boknoy,kala mo ha makaisa ka ulit itong sayo."sabi ni chuchay habang tinataas nito ang kanyang kamao. Naubos na rin ang paninda niya,kaya masayang masaya siyang umuwi may pasayaw sayaw pa siya sa daan.Sino ba naman ang hindi sasaya naubos ang paninda niya nakaganti pa siya kay boknoy.Napansin naman si Chuchay nang kanyang ina'y na umuwi itong masaya. "Chuchay masaya yata ang anak ko." sabi nang kanyang inay na nakitang sumasayaw pa ito. "Nabenta ko lahat ang niluto mong banana cue Inay, at ito ang napagbentahan."sabi niya sabay abot nito sa inay niya ang pera. "Ipunin mo nalang yan chuchay at ibili mo nang gusto mo anak."tugon nang kanyang ina'y na tinanguan naman ni Chuchay. "Siguradong makaka ipon na ako nito inay,dahil siguradong matatakot na si boknoy sakin." "Bakit ano ang ginawa mo kay boknoy anak?"tanung nang kanyang inay na may pag aalala. "Inisprayhan ko nito inay."sabi niya habang pinapakita niya sa kanyang inay, ay di niya mapigilan matawa,nang maalala niya ang mukha ni boknoy kanina. "Anak diba sabi ko sayo masama ang gumanti,ipasa diyos mo na lang." "Ina'y ngayon lang naman po ito kay boknoy di na mauulit."paglalambing niyang sabi sa inay niya at niyakap niya ito. Nasa sakahan sila nang kanyang inay,dahil walang pasok tinulungan niya muna ang kanyang inay na magtanim.Nang biglang may tumawag kay,Aling maricar na kapitbahay nila at inabot ang isang sobre. Nakita naman ni chuchay na nalungkot ang mukha nang kanyang inay pagkatapos basahin ang sulat. Habang naghahapunan sila ay nagsalita ang kanyang inay. "Chuchay bukas mag impake ka nang mga damit mo na dadalhin natin." "Bakit saan tayo pupunta inay?agad niyang tanung. "Pupunta tayo nang maynila kasi ang isa mong tiyahin malubha narin ang sakit." Nalungkot naman si chuchay sa narinig niya,dahil yan nalang si tiyang Marie ang kapatid nang kanyang inay na natira. Habang sa mansyon nang mga Fernandez ay tulala na naman sa bintana si Don Federico habang iniisip ang mag iina niya,na sampung taon nang nawawala at hinahanap niya. Natigil siya sapag iisip nang tinawag siya ni Alex. "Sir pinapatawag niyo daw ho ako?"bungad na tanung ni Alex. "Wala ka parin bang balita sa mag iina ko?"agad na tanung ni Don Federico. "Pasensya na ho,Don federico pero wala parin ho." "Ano ba ang ginagawa niyo ba't di niyo parin mahanap ang mag iina ko,sinasayang ko lang ba ang pera ko sa inyo?!sigaw ni Don Federico."Sige na umalis kana. Pagkatapos iyun sabihin ni Don Federico ay agad namang umalis si Alex. "Sweetheart,tawag ni madam Mariel na nasa likod ni Don Federico. Ang kinakasama ni Don federico. Oo kinakasama niya lang,ayaw siyang pakasalan ni Don federico dahil umaasa pa ito na makikita pa ang kanyang asawa at ang dalawa niyang anak. Secretary niya lang noon si mariel,dahil sa lungkot niya ay araw araw na siya umiinom sa kanyang opisina.Isang araw pag gising niya nasa tabi na niya si Mariel na hubo't hubad at ganun rin siya,nakita ito nang ibang mga empleyado niya,kaya nagpasyahan niya na lang naiuwi si mariel sa mansyon,para matigil ang usap usapan. "Daddy!mommy!hindi pa ba tayo aalis?tawag ni Syra ang sampung taong gulang na anak ni mariel,na tinuring na rin na anak ni Don federico.Dahil nakikita niya dito ang kanya anak na si baby Janelle,dahil magka edad lamang ito. "Ok let's go." sabi ni Don Federico,nangako kasi siya nito na kakain sila sa labas. Tatlong araw na nga ang nakalipas,ay nasa manila na sila chuchay at ang kanyang ina'y. "Ganito pala ang manila napakaingay di tulad sa probinsiya tahimik lang,at busy-busyhan ang lahat nang tao dito."sabi niya sa kanyang inay na palingon lingon pa siya sa mga taong ang bibilis nang kilos. "Pasok muna tayo sa simbahan chuchay "sabi nang kanyang ina'y nang madaanan nila ang simbahan. "Kakamangha din ang simbahan dito inay ang laki,di tulad sa probinsiya maliit lang."sabi ni chuchay at di mapagilan ang sarili mapanganga sa mga nakikita sa maynila. Napadaan naman sila Don federico sa simbahan. "Pumasok muna tayo nang simbahan."agad nitong sabi nang makita na nasa harapan sila nang simbahan. "Anak tara."yaya naman ni Aling maricar kay chuchay nang matapos itong magdasal.Paglabas at pagpasok naman nila aling Maricar at Don federico ay nagkabanggaan si chuchay at Syra. "Sorry sorry."yukong sabi ni chuchay. "Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh!sigaw ni Syra. "Sorry." mahinang sabi ni chuchay na nakayuko parin. "Ok lang iha,ok lang."agad namang sabi ni Don Federico habang nakatitig kay Chuchay at sumagi agad sa isip niya ang kanyang baby Janelle."Parang sarap titigan ang batang ito."bulong ni Don Federico sa sarili at nakaramdam siya nang saya nang makita ang maamong mukha ni chuchay. "Sorry ho talaga sir ha."sabi ni aling maricar habang yumuyuko."Halika na anak."sabi ni aling maricar at hinawakan si Chuchay sa braso para umalis na. Kahit lumalakad na papalayo sila aling maricar at chuchay ay nakatitig parin si Don Federico,kay chuchay.At ganun din si chuchay nakatitig din ito habang ngumingiti kay Don federico. "Ang gaganda nila pagmasdan inay,ang ganda nung bata at ang ganda nang damit tapos ang babango pa parang prinsesa,at may tatay din kasama ang bata."sabi ni chuchay. Nang marinig iyon ni Aling maricar kay chuchay ay kumirot ang kanyang puso. Alam niya na habang nagkakaisip si chuchay ay madami na itong gustong malaman.Tulad nang hindi pagkakaroon nang Ama,at kung bakit hindi nila ito kasama. "Ok lang yun anak kahit wala kang tatay andito naman ako diba,mahal na mahal ka ni nanay."lambing na sabi ni Aling maricar habang hinawakan ang ilong ni chuchay. Makalipas na nga nang ilang araw ay pumanaw narin ang kapatid ni Aling maricar,kaya napagpasyahan narin ni aling maricar na dito na tuluyang tumira sa manila. "Pag masipag ka lang dito sa manila mabilis lang naman kumita nang pera. Baka dito mapag aral ko si Chuchay hanggang Highschool,ngayon nasa ika apat na baitang pa kasi si Chuchay."bulong ni Aling maricar. Ngunit lumipas ang buwan at taon lagi na lang nagkakasakit si aling maricar. Kaya napagpasyahan na lang ni chuchay na himinto na sa pag aaral at siya nalang humanap nang pera para sa pangkain nila araw araw at sa mga gamot nito. Lumipas ang sampung taon ay dalawa't pung taon na si chuchay.Sa umaga ay nasa palengke siya iniikot ang panindang kakanin.Sa gabi naman ay nasa simbahan siya nagbebenta nang mga bulaklak. "Kakanin kayo diyan!kakanin kayo diyan!sigaw ni chuchay suot lamang nito ay malaking T-shirt at maluwag na short. "Hi chuchay!bati ni ondo na tindero nang isda."Araw araw ka talaga mganda sa paningin ko chuchay,para kang isdang sapsap.Ang sarap sipsipin."birong sabi ni ondo. "Sipsipin mo mukha mo ondo,tumigil ka nga diyan,kung ayaw mong ipalamon ko sayo nang buo ang paninda mong isda."inis na sabi ni chuchay. "Kahit ika'y magalit ang puso koy kumakabog kabog."sabi na ni ondo kaya napapatawa na lang ang ibang mga tindero sa palengke.Hindi niya nalang pinansin si ondo,iniwan niya na lamang ito na kung ano-anong sinasabi,araw araw niya yun ginagawa kaya minsan napagtatawanan sila nang ibang mga tindera,tindero sa palengke. Umuwi na lamang siya habang dala-dala ang binili niyang pancit para sa ina'y niya at gamot nito.Naabutan niya ang kanyang ina'y na tumayo para magluto,pero natumba ito.Kaya mabilis niyang inilapag ang dala niya para alalayan ang kanyang ina'y na tumayo at mahiga. "Inay,diba sabi ko sayo wag munang gagawin yan,ako na bahala sa pag uwi ko." "Baka kasi pagod kana anak."mahinang boses na sabi nang kanyang inay. "Inay,para sayo hinding-hindi ako mapapagod kaya makinig ka na lang sakin." "Anak patawarin mo ang ina'y mo,kung pabigat naku sayo." "Inay para sakin di ka pabigat,at hinding hindi ka magiging pabigat.Ikaw ang inay ko obligasyon kung alagaan kayo.Tiyaka mahal na mahal kita ina'y,."sabi ni chuchay at niyakap niya nang mahigpit ang kanyang ina'y. "Ang swerte ko anak kasi dumating ka sa buhay ko.Isa ka ngang bituin na hinulog sakin nang langit."naluluhang sabi ni Aling maricar. "Inay,ano ba yang pinagsasabi mo,tama na yang emote mo nakakasama sa kalusugan yan.Kumain kana may dala akong pancit para makainom na agad kayo nang gamot niyo."tugon niya dito at kinuha ang pagkain para subuan ang kanyang ina'y. Pagkatapos niyang pakainin at painumin ang kanyang ina'y nang gamot,ay naghanda narin siya papunta nang simbahan para magtinda nang mga bulaklak.Inikot ikot niya ang buong simbahan,bitbit nang mga paninda niyang bulaklak. Nang may napansin siyang napakagandang sasakyan,kulay pula ito at walang bubong.Kaya napamangha siya at napatingin dito.Mas lalo naman siya napatitig nang makita niya mga sakay nito. "Wow ang gwapo at ang kisig parang artista,at ang ganda rin nang babaeng kasama niya.Bagay na bagay sila."bulong niya sa sarili. Hanggang sa natulala siya dahil sa imahinasyon niya,na siya ang katabi nang lalaking gwapo at makisig na nakaupo sa sasakyan.Natigil naman ang imahinasyon niya nang may tumawag sa kanya. "Miss pabili nang bulaklak." Di pa siya agad nakasagot,dahil natulala pa siya sa pagkatitig sa kanya nang gwapong lalaki,kanina nakita niya lang ito sa malayo,ngayon ay nasa malapit niya na ito at kinakausap pa siya. "Miss!tawag nito ulit. "Ay..opo!Sabi ni chuchay sabay abot niya nang bulaklak. "Sir girlfriend mo ba yang kasama mo?"tanung ni chuchay sa binata. "Oo bakit?" "Napakaganda niya ho kasi sir at napakagwapo niyo rin po bagay po kayo."ngiti niyang sabi. "Talaga,oh ito bayad keep the change." sabi nito sabay abot nang pera. Bago umalis nagsalita muna ang lalaking gwapo. "By the way maganda karin kulang ka lang sa ligo." Naiwan namang tulala si chuchay sa sinabi nang lalaking gwapo."Paano niya nalaman wala akong ligo?"bulong niya. "Nangangamoy naba ako?sabi niya sabay taas kanyang kili kili para amuyin."Pero kahit ganito ako,malinis naman ako sa katawan kaya sigurado ako sa sarili kong hindi ako ang naamoy nang lalaking gwapo." Habang naglalakad siya pauwi nang bahay ay nakasalubong niya ang kaibigan niyang si cynthia na nagmamadaling maglakad. "Cynthia,cynthia saan ang punta mo bat nagmamadali ka?" "Naospital kasi ang nanay ko chuchay."tugon nito sa kanya na umiiyak. "Anong sabi nang doktor ok lang ba ang nanay mo?" "Kailangan pa icheck ang kanyang baga,nakakainis nga kasi saan ako hahanap nang pera nito." "Wag kang mag alala Cynthia,gagaling din ang nanay mo,ito oh limang daan pasensiya kana cynthia ha yan lang din maitulong ko."sabi niya sabay abot nang pera.Naalala niya si mr gwapo,buti na lang hindi na nito kinuha ang sukli niya."bulong niya sa kanyang isip at napapangiti. "Naku,naku wag na chuchay,alam ko kailangan mo din yan pambili nang gamot mo kay inay mo." "Hindi tanggapin muna to,nakabili naman na ako nang gamot kay inay. Tiyaka bukas trabaho ulit,edi magkakapera ulit."ngiti niyang sabi kay cynthia. "Maraming salamat chuchay ha,ang swerte ko naging kaibigan kita." "Wala yun,ano ka ba tiyaka wag ka masyadong mag alala sa nanay mo. Gagaling din yun tiwala lang kay God,ok ?"sabi niya kay cynthia para mabuhayan nang loob. Maaga naman nasa palengke na si Chuchay,para magtinda nang kakanin,nang biglang bumulaga sa harapan niya si ondo,sa gulat niya binato niya ito nang basket na walang laman.Kumanta pa ang mokong. ?Ang mundo ko ay naging masaya??? Salamat sa diyos nakilala kita??? Ang buhay ko'y nag iba gumaan talaga??? Dahilan nang pagtatawanan nang mga ibang tindero at tindera.. "Ano kaba ondo,gutom kaba?!Ito kainin mo sabay lagay niya nang suman sa bibig ni ondo na nakanganga. Nagtawanan naman ang mga tindera at sumisigaw. "Sagutin muna kasi si ondo chuchay,kawawa naman si ondo matagal nang nanliligaw sayo! Tinawanan niya lang sila at umalis na siya wala naman siyang naramdaman kay ondo.Kundi kaibigan lang,makisig naman si ondo at masipag. Kaso hindi niya pa iniisip ang mga ganung bagay o makipag relasyon. Nagulat naman siya nang biglang may sumigaw nang matandang babae. "Magnanakaw!!Magnanakaw! Sa harapan niya pa mabilis na tumakbo ang magnanakaw.Kaya mabilis siya pumulot nang malaking isda na bangus para ibato sa magnanakaw.Kaso biglang may sumulpot na lalaking gwapo at mukhang mayaman,kaya sa mukha niya lumagapak ang isdang binato niya. Di niya iyun pinansin,pumulot ulit siya nang isdang ibabato ulit sa magnanakaw.Sisiguruduhin niya na sa magnanakaw niya na ito mababato. Binato niya agad sa magnanakaw ang napulot niyang isda,at yun lumagapak sa ulo nang magnanakaw ang isda at nadulas ito kaya bulagta sa sahig ang magnanakaw.Mabilis niya naman nilapitan ang magnanakaw at inapakan.Kinuha niya agad ang wallet nang matanda. "Magnanakaw ka ha."sabi niya at pinitikan niya pa sa tainga ang magnanakaw.Agad naman dinampot nang pulis ang magnanakaw. Lumapit siya sa matanda at binalik ang wallet niya. "Salamat iha ang galing mo naman." "Wala po yun manang." "Ililibre kita nang maiinom."yaya nang matanda. "Salamat nalang po manang kailangan ko na po kasing umuwi."ngiti niyang sabi. "Ok sige,ako nga pla si flor.Manang flor na lang itawag mo sakin. "Ok po manang flor." "Sige ingat ka sa pag uwi." Aalis na sana siya nang biglang may humila sa braso niya ang lalaking gwapo na natamaan nang isda,at ang tapang nang tingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD