# Title
The_lost_daughter
Chapter 4
Hinawakan nang lalaking nabato niya ang braso niya at mabilis siya nitong pinaharap at masamang tumingin sa kanya.
"Bakit anong kailangan mo?may problema kaba?!kunwari niyang tanung sa lalaki na sa mga tingin nito sa kanya ay parang gusto siya nitong sapakin,napapalunok na lamang siya nang laway na makipag-titigan din sa lalaki.
"Mag sorry ka nakalimutan muna agad ang ginawa mo?"galit nitong sabi.
"Kita mo ba yung ginawa ko kanina sa magnanakaw,bulagta diba?napabilib kita nuh?!sabi niya at sabay tapik niya sa dibdib nang lalaki na kinaiinisn naman nito lalo.Kita niyang nanlaki ang mga mata nito sa inis.
"Miss,ang sinasabi ko ung ginawa mo sakin."
"Bakit ano ginawa ko sayo?kunyari niyang sabat dito na nakataas ang kilay.
"Ung isdang binato mo sakin ang sakit nang mukha ko at ang lansa pa,ulyanin kaba o nagkukunwari ka lang?!sigaw nito.Nang marinig niya ang sinabi nang binata ay napatawa siya nang malakas at napalakpak pa ang dalawa niyang kamay.
"Oo, nga pala sinalo pala nang mukha mo ung unang isdang binato ko."Hahaha kaya ngayon ikaw na si Fish catcher."sabi niya at tatapikin pa sana niya ulit ang braso nito,pero mabilis itong umiwas na nakakunot ang noo.
"Tumatawa ka pa tlaga,may sakit kaba sa utak?inis nitong sabi.
"Oo na sorry po,para kasi yun sa magnanakaw eh,bakit kasi bigla kang sumulpot,edi nasalo tuloy nang mukha mo ang blessing na isda."natatawa niyang sabi dito na mas lalong kinainisan nang binata.
"Your a crazy woman."inis nitong sabi saka umalis.
Simula nang makilala niya si manang flor,tuwing namamalengke ito ay lagi narin bumibili nang mga kakanin niyang binebenta.Kaso bago ito umalis nang palengke mahaba habang kuwentuhan muna ginagawa nito sa kanya,dahil ayaw niya naman masabihan na bastos.Kahit pa ulit-ulit na kinu-kuwento nang matanda ay pinakikinggan niya na lamang.
"Alam mo chuchay,ang gwapo nang amo ko at ang bait pa.Kaso nalulungkot ako sa kanya,kasi simula nang ma engaged sila nang girlfriend niya,saka pa laging nag aaway.Baka nga dipa sila kinasal maghihiwalay na ung dalawa.Kawawa talaga ang amo ko, siya pa naman lang ang nandito sa pinas.Kasi mga magulang nang amo ko nasa Australia.
Umuwi lang siya dito sa pinas dahil sa girlfriend niya.Na nakilala niya lang dun din sa australia.Kaya nagtrabaho nalang siya bilang vice president nang company nang daddy ng girlfriend niya."mahabang tugon ni manang flor.At sa hinahaba-haba nang sinabi ni manang flor kunti lang naintindihan niya.
Sa mansyon nang mga Fernandez
Nakasilip sa bintana si madam mariel.Dahil nakita nito si mang romy papunta kay Don federico.
Si mang romy ang pangalawang inutusan ni Don Federico na hanapin ang mag iina niya,dahil si Alex ay busy sa pagiging military nito.Agad naman kinuha ni Madam mariel ang kanyang celphone at tinawagan ang kanyang tauhan.
"Hello madam mariel."sabi sa kabilang linya.
"Bakit andito si romy ngayon,may nahanap naba itong ibedensya na buhay pa si Donya jana at ang dalawa nitong anak?"bungad na tanung ni madam mariel sa kabilang linya.
"Wala pa ho madam mariel,lagi ko pa rin naman sinusundan si romy.Pero wala naman siyang nahanap o kinikilos siyang kakaiba,baka iba sadya niya kay Don federico.
"Mabuti naman kung ganun,basta wag mo lang iwala sa paningin mo si romy para agad mong malaman kung anong nakalap nitong impormasyon sa pagkawala ni Donya Jana.
"Yes madam masusunod po."tugon nang tauhan ni Madam Mariel,pagkatapos niyang makausap ito ay inoff niya narin ang phone.
"Oh romy bakit nandito ka?may balita kana ba sa pinapahanap ko sayo?"tanung ni Don federico nang makitang papalapit sa kanya si romy.
"Ah eh,wala pa po Don,pero ginagawa ko naman ang lahat para makita ang mag iina niyo."
"Kung ganun bakit ka nandito?
"Don federico,kasi gusto ko sana humingi nang tulong sa inyo.Na Ospital ho,kasi ang asawa ko ngayon.Manghihiram ho sana ako sayo ng pera.
"Ah yun lang ba sige,sige basta pagbubutihin mo ang paghahanap.
Kung kulang kayo sa tao magdagdag ka pa,ako na ang bahala sa lahat nang gagastusin niyo."tugon ni Don Federico at kumuha nang pera at iniabot kay Romy.
"Maraming maraming salamat po Don."sabi ni mang romy at agad narin umalis.
"Bago umuwi si Chuchay,ay dumaan muna ito sa malaking panahian,lagi niya itong ginagawa kaya madami narin siyang nakilala sa panahian.Sumasaya kasi siya pag nakapanood na bagong tahing damit o bagong disenyo.
"Oh chuchay nandito kna nman pala."tawag ni ate vicky sa kanya na matagal nang nagtatratrabaho sa panahian at malapit sa kanya.
"Oo ate,titingin lang ako sa inyo"agad niyang sagot na nakangiti sa mga taong busy sa pananahi.
"Sabi ko naman sayo magtrabaho kana dito para araw araw kang nandito sa panahian."
"Sa susunod na lang ate,mas gusto ko kasi na hawak ko ang oras ko lalo na ngayon na may sakit ang inay ko.Para kung gusto kong umuwi,makakauwi agad ako."
Pagkatapos nilang magkuwentuhan,ay nagpraktis na siyang magtahi,alam niya na rin kung pano magtahi sa makina,dahil lagi niya na ito ginagawa pag pumupunta siya dito sa panahian.
Maya-maya ay nagpaalam narin siya kay ate vicky na umuwi na.
Paglabas ni chuchay ay tuwang-tuwa siya dahil may bago na naman siyang natutunan at nakitang bagong disenyo na mga damit.Patalon talon pa siya habang naglalakad at umikot ,nang biglang may sasakyan sa harapan niyang huminto.Sa gulat niya ay natumba siya.Tumayo naman agad siya ngunit pa ika-ika na siya dahil natapilok niya ang paa niya.Sa sobrang inis niya tinadyakan niya ang sasakyan.Nagulat naman siya nang bumaba nito ang driver.
Nagsabay pa silang magsabi, ikaw?!!
"Ikaw na naman tanung nang lalaking nabato niya nang isda.
"Bakit ikaw lang ba ang puwede pumunta dito?Hindi mo ba alam na ako ang may ari nang malaking panahian na yan."pagmayabang niyang sabi.
"Oh talaga?ang alam ko kasi ako ang may ari nang panahian na yan walang iba."agad na sabat nang binata sa kanya.
"Ha?!Ikaw ang may ari?gulat niyang tanung kasi sa pabalik balik niya sa panahian ay di niya man lang nakita kahit isang beses ang may ari nito.
"Ah,oo sabi ko nga ikaw ang may ari,nagbibiro lang naman ako."ngiti niyang sabi at lumakad na pa ika-ika.Nang bigla na lang siya binuhat pasakay nang sasakyan nito at ikinabit sa kanya ang seatbelt, at umupo na rin ito sa driver seat.
"Teka,teka saan mo ko dadalhin ibaba mo ko!sigaw niyang sabi.
"Dadalhin kita sa presinto."
"Huh?!ano kasalanan ko sayo bakit mo ko dadalhin dun?"
"Nakalimutan muna agad kung anong kasalanan mo sakin.Una binato mo ko nang isda,may ibedensiya pa oh,may maliit na sugat pa sa mukha ko.Pangalawa tinadyakan mo sasakyan ko.Kaya sa prisento kana magpaliwanag."
"Teka muna,wala akong kasalanan sayo ha.Una diko kasalanan yun,kung bakit bigla kang sumulpot,kaya ikaw ang natamaan.Tinulungan ko lang yung matanda na kunin ang wallet niya na ninakaw.Pangalawa kasalanan mo parin yun bigla kana naman sumulpot,ang sakit nga nang paa ko ei.
Mas mahalaga paba ung sasakyan mo kaysa sa buhay ko?!inis niyang sabi.
"At tyaka___.
Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang makitang nasa harap nang ospital huminto ang sasakyan nito.Bumaba ang binata at agad siyang binuhat papasok nang ospital.
"Dok paki check na lang paa niya."agad nitong sabi nang makita ang doktor.Mabilis naman kumilos ang doktor at agad chineck ang paa niya at minassage.
"Wala namang problema sa paa,niya maya maya o bukas ay mawawala na din yang sakit.
"Ok thank you dok,agad na sabi nang binata."Ok ka lang naman pala.
"Bakit may sinabi ba kong hindi,ako okey?!Pero thank you.
Nagulat naman si Chuchay,nang may lalaking lumapit sa kanya,na kanina pa niya napapansin na nakatingin sa kanya.
"Iha iha,puwede ba matingnan ang paa mo?"sabi nito at inangat ang paa niya at tiningnan mabuti ang balat niya.
"Huh?bakit po?taka niyang tanung sa matandang lalaki.
"Totoo ba tong balat mo sa paa iha?tanung nang matanda at di inalis ang mga mata sa pagkakatitig sa balat niya.
"Oo simula nung bata ako bakit?"
"Wala wala iha,nagandahan lang kasi ako."sabi nito saka umalis."Siguradong matutuwa si Don federico sa ibabalita ko nahanap ko na ang isa sa nawawala niyang anak."bulong ni Romy sa sarili.
Tumayo naman agad si Chuchay,nang umalis na ang matanda.Para lumabas narin nang ospital.Nagulat naman siya nang binuhat na naman siya ni fish catcher at pinaupo sa sasakyan nito.
"Ihahatid na kita,saan lugar niyo?'agad nitong tanung.
Pagkatapos niyang sabihin kung saang lugar siya nakatira ay agad narin nito pinaandar ang sasakyan nito.
"Teka nga pala kanina pa tayo nag uusap,diko pa alam ang pangalan mo."sabi nang binata habang ang mga mata ay nasa daan.
"Ah ako nga pala si chuchay."
"Ano?!!
"Sabi ko ako si chuchay!sigaw niyang sabi sa lalaki.
"Ah okay ang pangit naman nang pangalan mo."
Nang marinig niya ang sinabi nang binata na pangit pangalan ang niya napakunot naman kilay niya.
"Eh ikaw ano nga pala pangalan mo?"inis niyang tanung.
"Ako nga pala si Ali Agustin.
"Hahahha!malakas niyang tawa nang marinig ang pangalan nang lalaki.Nagulat naman ito nang tumawa siya.
'Bakit ka natawa?may nkakatawa ba sa pangalan ko?agad nitong tanung.
"Oo ang pangit nang pangalan mo."ganti niyang sabi habang tumatawa."Ali,parang kapangalan nang matandang babae hahaha."
"Mas pangit pangalan mo chuchay,hindi na lang ginawang petchay."seryoso nitong sabi.
"Marichu ang totoo kung pangalan marichu."
"Pangit parin old name."asar pa nito..
Maya-maya ay nakarating na nga sila sa bahay ni Chuchay.Bumaba agad siya sa sasakyan nang binata at nagpaalam narin dito.Pagpasok niya nang bahay,naabutan niya ang kanyang ina'y na tinitingnan ang damit pambaby at lampin na lumuluha ang mga mata.
"Inay bakit ka umiiyak?"pag alala niyang tanung.
"Wala anak naalala ko lang itong damit na suot mo nung baby ka pa."Tumingin siya sa kanyang inay at ngumiti,pero nagulat siya sa sumunod nitong sinabi.
"Anak itong suot mong damit nung nakita kita sa kakahuyan."
"Ano ho,inay?!Ano hong nakita?gulat niyang tanung.
"Anak patawarin mo ko kung ngayon ko lang sinabi ito sayo,hindi ako ang tunay mong ina,anak."Nakita lang kita sa kakahuyan malapit sa tinitirhan ko noon."
"Inay may sakit po ba kayong naramdaman ina'y,wag naman kayong magbiro nang ganyan inay."humahagolgol na siya sa iyak.
"Anak totoo ang sinabi ko,hindi ako ang tunay mong ina."Sabi ni Aling maricar na umiiyak narin."Sinasabi ko sayo to ngayon anak kasi pakiramdam ko di naku magtatagal.Natatakot akong mawala na di man lang nasabi sayo ang totoo.
"Tama na ina'y!sigaw niya habang umaagos ang mga luha."Hinding-hindi ka mawawala at hindi totoong hindi mo ko anak.Bawiin mo sinasabi mo ina'y."
Niyakap ni Aling maricar si chuchay nang mahigpit.
"Patawad anak patawad."
Pagkatapos ang usapan nilang iyun nang kanyang ina'y,ay lumabas muna siya nang bahay.Tulala at iniisip ang sinabi nang kanyang ina'y.
"Kung hindi si inay ang totoong ina ko,sino mga magulang ko.Bakit nagawa nila akong iwan sa kakahuyan."bulong niya sa kanyang sarili."Bakit ganun God, ok lang sakin tanggap ko na, na wala akong ama pero bakit kailangan ko pang malaman na ang ina'y kong sobra kung minahal ay hindi pala ang totoo kung ina.
Habang iniisip niyang iyun ang sakit sakit sa dibdib niya na halos hindi siya makahinga.
"Ayoko,ayokong isipin na ang ina'y ko ay hindi ko totoong ina."Ang inay ko lang ang nag iisang inay ko,siya ang nagluwal sakin at wala nang iba."bulong niya at pumasok narin ulit sa bahay para matulog na.
Kinaumagahan ay maaga siyang gumising para pupunta nang palengke,pagkatapos niyang gawin ang lahat nang gawain sa bahay ay nagpaalam narin siya sa kanyang ina'y.
"Inay punta muna ko nang palengke para itinda itong mga kakanin."
"Anak galit kaba sakin o nagtatampo kaba sakin anak?"
"Ina'y kahit anong gagawin nyo o sasabihin,hinding-hindi ako magtatampo sayo o magalit inay,kasi mahal na mahal kita tiyaka niya niyakap nang mahigpit ang kanyang ina'y.
"Anak mahal na mahal din kita yan ang lagi mo tandaan."
Sa Mansyon nang mga Fernandez.
Mabilis na pumasok si mang romy sa mansyon para sabihin kay Don Federico ang ibabalita niya.
"Siguradong matutuwa nito si Don Federico at baka bigyan pa ko nang reward."ngiti nitong sabi sa sarili.
"Nang bigla siya kinamay ni Madam Mariel,na nasa gilid nang bahay nakatayo.Agad naman lumapit si mang romy kay madam mariel.
"Madam Mariel bakit po?"agad nitong tanung nang makalapit na.
"Ah eh romy,wala kasi ngayon si Don Federico sakin mo na lang daw sabihin, ang sasabihin mo sa kanya."
"Pero madam_____.
Hindi na natuloy ang sasabihin ni mang romy nang iniabot ni Madam mariel ang bag,laman nang maraming pera.
"Yan daw reward mo,pinabigay ni Don federico.Kalahating milyon yan,umuwi ka daw nang probinsiya niyo gamit ang perang yan.Para gumaling na nang tuluyan ang asawa mo.
"Talaga madam?!sabi iyan ni Don Federico?
Marahan nmang tumango si Mariel at ngumiti.
"Ito madam ang lugar kung saan nakatira ang isa sa nawawalang anak ni Don.Sigurado matutuwa nito si Don Federico.Makakasama na niya ang matagal na niyang nawawalang anak.
"Oo nga,sige umalis kana."agad na sabi ni madam mariel.
"In her dreams,hanggat nandito ako sa mansyon,walang makakabalik isa man sa kanila.Buti na lang tinawagan agad ako ni lito na may impormasyon nang nahanap si Romy."bulong nito sa sarili At agad kinuha ang cellphone nito at tinawagan si lito.
"Ibigay ko ang address gawin niyo nang maayos ang ipapagawa ko.Na kahit anino nila o bangkay dina makakabalik pa dito sa mansyon."tugon nito sa kanyang tauhan.
Gabi na nakauwi si Chuchay,dahil sinamahan niya muna si Cynthia pumunta nang ospital.Naglalakad na siya sa daan nang biglang may humarurot na sasakyan sa harapan niya.Kaya sa inis at gulat niya sumigaw siya na baka sakaling marinig nang nagmamaneho.
"Hoy!!hindi ikaw ang may ari nang daan,magdahan dahan ka naman.Mabangga ka sana."sabi niya sabay talikod at nagulat ito nang marinig ang malakas na pagbangga.
Lumingon siya,kita niya ang sasakyang humarurot kanina,nabangga sa malaking poste,napatakip siya nang bibig.
"Diyos ko lord,bakit niyo naman tinotoo biro ko lang naman yun."maiiyak niyang sabi at agad tumakbo sa kotseng nabangga para tulungan kung sino man ang sakay doon.Kita niya ang harap basag na ang salamin.Kaya kinatok niya ang nagmamaneho,pero hindi ito sumagot.Sinubukan niya buksan ang pinto pero naka lock iyun.Kita niya sa loob na nakayuko ang ulo nang nagmamaneho sa mobila nito.Kaya dali-dali siyang naghanap na pwede ipang basag sa salamin.Buti na lang may nakita agad siyang malaking kahoy na puwede ipang basag sa salamin nang kotse.Ilang minuto lang ay nabasag na nga niya ito.Mabilis niya itinaas ang ulo nang lalaki,nagulat siya nang makita ito,si Flower boy.Ang lalaking bumili sa kanya nang bulaklak noon.Nawalan ito nang malay at duguan ang kanyang ulo.
Dahil gabi na ay wala na masyadong tao sa daan.Buti nalang may tumawag sa phone nito,tiningnan niya ang caller si Syra.Agad niya naman sinagot ito.
"Hello."Isang hello pa nasabi niya ay galit na galit na ito.
"Sino ka bakit ikaw sumagot nang phone na yan,babae kaba ni Christian?"sabi nito sa kabilang linya."Christian pala ang pangalan nang lalaking ito."bulong niya sa sarili.
"Hindi po ma'am,nabangga po kasi ang sasakyan nang may ari.Nawalan po sya nang malay at duguan ang kanyang ulo.
Kaya bilisan niyo ho,pumunta po kayo dito para dalhin siya sa ospital.
Pagkasabi niya ay agad naman inioff nang babae ang tawag niya.
Wala pang kalahating oras ay dumating na nga ang ambulansya at ang babae noon na kasama ni Flower boy nang araw na yun o Christian pala.
"Siguro siya si Syra,napakaganda niya."bulong niya sa sarili habang nakatingin lang siya na binubuhat na si Christian pasakay nang ambulansiya.
Pagkatapos masakay,ay sumakay narin doon si syra,ni hindi siya nilingon o nag thank you man lang.Pagka alis na ambulansiya ay lumakad narin siya pauwi,nang bigla siyang kinabahan sa nakita niya.Nagtakbuhan ang lahat nang taong nakatira malapit sa kanila,at may malaki na apoy at usok.