Episode 5

2714 Words
The_lost_daughter Episode 5 Nang makita niya ang malaking apoy at usok ay naisip niya agad ang kanyang Inay.Agad siyang tumakbo para puntahan ang kanyang inay,kaso pinigilan ito nang mga pulis at fireman. "Inay!! Inay!bitiwan niyo ko! Kailangan kung iligtas ang inay ko,humagolgol niyang iyak sa mga pulis para bitawan siya. Matapos ang isang oras napigilan na ang apoy.Mabilis siyang lumapit sa mga pulis at fireman.Pero nanghina siya nang lumabas ang mga ito na may binuhat na bangkay na tinakpan.Unti-unti siyang lumapit para tingnan kung sino. Nakita niya ang kanyang ina'y na wala nang buhay. "Inay!! sigaw niya.Patawad hindi ko kayo nailigtas.Patawad kung natagalan ako nang uwi."Inay paano na ko ngayong ako nalang mag isa inay.Anong gagawin ko inay."patuloy sa pag agos ang mga luha niya at napaluhod na lamang.Natigilan naman siya nang makitang may isa pang inilabas na bangkay at sumunod nito si aling carina na umiiyak at lumapit sa kanya. "Kung di tinawag nang nanay mo ang anak kung si lea,siguro buhay pa ngayon ang anak ko."humagolgol nitong sabi. "Aling carina,bakit naman ipinatawag ni inay si lea?" "Manghihiram daw nang ballpen ang inay mo,kaya tinawag niya si Lea habang nag aaral.Kaya pumunta si lea sa bahay niyo para ipahiram ang ballpen." Si Lea ay 16 year old pa lang ito at nag aaral pa sa koliheyo,dahil sa nangyaring ito ay di niya mapigilan ang sarili na sisihin. "Kung umuwi lang sana ako nang maaga.Maliligtas ko pa sana si inay at wala sanang mangyayari kay lea,pero hanggang pagsisi na lang ako dahil huli na."lumuluha niyang sabi sa sarili at dahan-dahan pumasok sa loob nang bahay nila,na ang ibang parte ay natipok na nang apoy.Umaagos ang luha niya habang iniikot nang mga mata niya ang loob nang bahay,na noon lagi niyang nakikita ang kanyang inay na nakahiga o nakaupo.Ngayon ay di niya na ito masisilayan kahit kailan.Hanggang ala-ala na lang. Kinuha niya ang isang kahon,kung saan nakalagay ang mga gamit niya nung napulot siya ng kanyang inay.Kinuha niya ang ito at niyakap habang humahagolgol nang iyak. "Inay panu naku ngayon?"Paano naku ina'y ngayong wala kana."sabi niya sa sarili at di mapigil ang mga luha niya sa sunod-sunod na pag-agos. Isang linggo ang nakalipas ay nailibing na nga ang kanyang ina'y.Hindi muna siya nagtatrabaho at nag mukmok muna sa isang sulok nang bahay nila,kaya pinuntahan siya ni Cynthia,dahil sobra itong nag aalala sa kanya. "Chuchay ano ka ba,malulungkot si inay mo.Pag lagi ka niyang nakikitang nagmo mukmok.Isipin mo na lang nakapahinga na si inay mo sa sakit niya."Chuchay nandito lang ako,kung gusto mo nang makakausap at maiiyakan."pag alalang sabi ni cynthia. Niyakap niya si Cynthia at hinayaang umagos ulit ang mga luha. "Cynthia,anong gagawin ko?hindi ko alam kung paano magsisimula ngayong wala na si inay." "Bagong buhay,chuchay."Bagong pag asa,nasan na ang kilala kung chuchay na laging positibo mag isip."ngiting tugon ni cynthia sa kanya. Kinabukasan ay bumalik na nga si Chuchay,sa dati niyang ginagawa.Iniisip niya nalang na lagi niya parin kasama ang kanyang inay. "Tama si cynthia malulungkot si inay pag nakikita akong malungkot.Kaya simula ngayon inay,kahit di kita kasama lagi ka naman nandito sa puso ko."bulong niya sa kanyang sarili. Samantalang pagkatapos nang aksidenteng iyun kay Christian,ay di niya nakalimutan ang mukha nang babaeng tumulong sa kanya.Bago pa siya tuluyang nawalan nang malay,ay nakita pa niya ang mukha nang babaeng yun. "Alam ko siya ung binilhan ko nang bulaklak noon."bulong nito sa sarili. Noong nasa ospital pa siya ay tinanung niya,si syra kung nasaan ang tumulong sa kanya. "Ako lang ang tumulong sayo,para madala ka sa ospital wala nang iba."inis na sabat ni syra. Naalala niya kung bakit siya naglasing nang gabing iyun,niloko siya nang fiance niya. Nakita niya si Syra na kahalikan nito si Ali. "Masaya kana ba,Syra masaya kana ba?! "Im sorry,nabigla lang din ako nang hinalikan ako ni Ali,ikaw ang mahal ko chan." "Ikakasal na tayo pero nagawa mo pang makipaghalikan sa iba." "Kasalanan mo rin kasi,wala ka nang oras sakin,puro nalang ang oras mo nasa company." "Kasalanan ko pa talaga ha."Umalis kana,lets cool off."sabi ni christian kahit ang totoo masakit sa kanya na pakawalan si Syra. "What?!Cool off?ok fine ikaw may sabi niyan."inis na sabi ni Syra bago iwan siya sa ospital. Habang nag aalmusal si Ali Agustin,ay tumawag ang kanyang daddy sa phone. "Kamusta ang paghahanda mo para pabagsakin si Don Federico?agad nitong tanung. "Nagsisimula na Dad,kinakaibigan ko na ngayon ang anak ni Don Federico na si Syra." "Mabuti naman kung ganun,malapit na ang pagbabalik namin nang mommy mo,ihanda muna ang matitirhan namin." "Yes Dad."agad naman na sagot ni Ali. Nasa palengke si chuchay,nang lumapit sa kanya si Manang Flor. "Chuchay,muzta kana iha?"bungad nitong tanung sa kanya. "Ok lang po ako manang,kayo po kamusta?" "Ito namiss ka."ngiti nitong sabi."Dalawang linggo na kasi kitang hindi nakikita dito sa palengke at nalaman ko rin ang nangyari sa inay mo.Nalulungkot ako para sayo." "Salamat po manang flor, sigurado masaya na po ngayon si inay na nakikitang maraming nag aalala sakin kagaya niyo."ngiti niyang sabi kay manang flor. "Tama yun iha,kung kailangan mo nang ina na makakausap nandito lang ako." "Natigil ang usapan nila ni manang flor,nang may lumapit sa kanya na apat na lalaki ang isa ay napakalaking tao. Kinuha agad ang paninda niyang kakanin at itinapon. "Teka,teka!ano problema niyo?bayaran niyo yang paninda ko."galit niyang sabi. "Anong bayaran,may kasalanan ka pa nga samin." "Anong kasalanan ko sa inyo?"taas noo niyang tanung. Nagulat naman siya nang bigla siya kwenelyuhan at inangat. "Ang tapang tapang mo ha,maganda ka sana kaso pakialamera ka."Dahil sayo nakulong ang isa naming kasama."sabi nito at akmang sasampalin. Nang biglang may bumato sa malaking tao nang isda.Paglingon nila si Ondo,dala dala ang malaking bilo-bilong kutsilyo na lumapit sa kanila. "Subukan mo lang saktan ang babaeng mahal ko babalatan kita nang buhay."sabi nito habang itinutok ang dala dalang kutsilyo na halatang may takot itong naramdaman kasi nanginginig pa ang mga kamay nito. Kaso mabilis kumilos ang malaking tao at binali ang kamay ni ondo,kinuha ang dala-dala nitong kutsilyo,at pinagsusuntok si ondo. Lumapit si chuchay para pigilan sila,pero mabilis lamang siyang itinulak nang malaking tao dahilan nang pagkakabagsak niya nang upo sa sahig. Lalapitan pa sana siya nang malaking tao,kaso biglang lumapit ang ibang mga tindero nang isda dala-dala ang mga kutsilyo nila.Kaya napahinto ang mga ito. "Hindi kayo aalis dito o pagtutulungan namin kayong kaliskisan nang buhay."sigaw nang isang tindero. Dumating naman si Cynthia sa palengke at agad sumigaw. "May pulis!may pulis! "Hindi pa tayo tapos."sabi nang malaking tao bago nagmamadaling umalis. Mabilis naman agad nilapitan ni chuchay si ondo para alalayang tumayo,na duguan ang bibig. "Ok ka lang ba ondo?"agad na tanung niya dito. "Oo ok lang ako." "Sandali lang kuha ako ng yelo at bimpo."agad na sabi ni Cynthia at umalis.Mabilis naman inabot agad ni Cynthia ang dala niyang yelo at bimpo,nilagay niya naman agad sa mga pasa ni Ondo. "Chuchay nag aalala ako sayo,paano kung babalikan ka nang mga yun."sabi ni manang flor."O di kaya doon ka muna sa pinagtatrabahuan ko chuchay,tamang tama kakaalis lang nang tagalinis doon dagdag pa nitong sabi. "Oo nga chuchay."sabat naman nila Ondo at Cynthia.. "Baka kasi sa gabi,pagtinda mo nang bulaklak bigla ka nila tambangan."pag aalalang sabi ni Cynthia. "Wag kayong mag,alala kaya ko ang sarili ko. "Pero chuchay____" Hindi na natuloy ang sasabihin ni ondo nang magsalita ulit si chuchay. "Ikaw sa susunod wag kang magpaka bayani,ha!Ang bayani nasa luneta hindi ikaw yun."Tingnan mo tuloy mukha mo,ginawang punching bag nang damuhong yun. "Hindi ko naman kasi kayang tumingin lang na sinasaktan ka nang mga yun chuchay."mahinang sabi ni ondo na nakayuko."Kahit di mo matanggap pagmamahal ko sayo,nandito lang ako bilang kaibigan mo."ngiti nitong sabi. "Ouch!!sigaw ni ondo dahil napadiin niya sa mukha nito ang bimpo. "Ok lang naman sakin na basted ako sayo chuchay,wag mo lang pag initan pasa ko."biro nitong sabi.Tinapik niya ang balikat ni ondo at pinahawak nito ang bimpo. "Hindi ako karapat dapat sa pagmamahal mo ondo,balang araw mahahanap mo rin ang babaeng yun."ngiti niyang sabi. "Tama na nga yang emote ondo."sabat ni cynthia."Ih ano chuchay ano disesyun mo?tama si manang flor,doon ka muna sa kanya." "Oo chuchay pag doon ka safety ka,libre pa lahat kaya siguradong makakaipon ka."agad na sabi ni manang flor. "Ok sige po manang,susubukan kong magtrabaho sa inyo."tugon niya dito at nagpaalam na uuwi na siya at magpahinga. Pag uwi niya nang bahay ay inihanda niya na agad ang mga gamit niya para sa pagkikita nila ni manang flor,susunduin niya lang daw siya sa palengke.Habang inaayos niya isa-isa ang mga gamit niya.Bigla niyang natanaw ang kahon kung saan nkalagay ang mga gamit niya nung nakita siya nang kanyang inay.Binuksan niya ulit at isa isa niyang tiningnan ang mga ito nang may nakita siyang sulat sa ilalim.. Sulat ni inay____. Anak chuchay,aalis ako sa mundong ito na walang pinagsisihan,aalis ako sa mundong to na masaya. Kasi sa buhay ko nakita at nakasama kita anak.Hindi man ako ang totoo mong ina,sa puso ko ikaw ay tunay kung anak. Pangako mo sakin anak na hahanapin mo ang tunay mong mga magulang at maging masaya ka sa piling nila. Siguro may dahilan sila anak,kung bakit nagawa ka nilang iwan.Maging matapang ka anak,kahit waka ako sa tabi mo.Mahal na mahal kita anak. Inay. Pagkatapos niyang mabasa ang sulat nang kanyang inay ay di mapigil ang pag agos nang mga luha niya.Habang nakahiga siya ay yakap yakap niya parin ang sulat nang kanyang inay,hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog. Pag gising niya sa umaga ay inihanda niya na ang mga dadalhin niya,pati mga gamit nang kanyang inay ay dinala niya.Pagkatapos niyang mag almusal ay pumunta na siya nang palengke,sinalubong naman agad siya ni cynthia at ondo. "Chuchay wag mo kaming kakalimutang dalawin ha."mahinang sabi ni cynthia. "Mamimiss kita chuchay."agad naman sabi ni ondo na nakayuko.Binatukan niya lang si ondo at tinawanan. "Ano ba kayo ang lapit lapit lang dito sa papasukan ko,kaya nga si manang flor dito namamalengke kasi malapit lang sa work niya."Tapos kung makapag emote kayo parang pupunta ako nang america."Biro niyang sabi sa dalawa. Wag na kayong malungkot,siyempre lagi ko parin kayo pupuntahan dito." Maya maya ay lumapit na nga sa kanila si manang flor. "Handa kana ba chuchay?"bungad nitong tanung. "Opo manang flor."ngiti niyang sabi. "Tara na." Bago siya umalis ay niyakap niya muna si cynthia,gusto din sana yumakap ni ondo kaso nahihiya kaya yumuko na lamang ito.Pero nilapitan niya si ondo at niyakap."At bumulong sa tainga nito salamat sa lahat ondo." Nagulat pa si ondo sa pagyakap sa kanya ni chuchay,kaya yumuko siyang nakangiti.Nilingon niya din ang ibang tindero,tindera sa palengke na kanina pa nakatingin na malungkot.. "Paalam sa inyo!sigaw niya sa lahat. "Paalam din sayo chuchay,bumisita ka dito ha!sigaw din nila. Pagkatapos niyang magpaalam sa lahat ng kaibigan niya sa palengke ay sumakay narin siya sa dalang sasakyan ni manang flor. "Buti nalang pinahiram ni Sir ung driver at kotse niya para magsundo sayo."sabi ni manang flor.Wag kang mag alala chuchay aalagaan kita doon."ngiti pang sabi ni manang flor. "Maraming salamat po sa kabutihan niyo po manang flor.. "Wala yun chuchay,tiyaka mabait si sir ko chuchay kaya dika mahihirapan." Pagdating nila ng bahay sa boss ni manang flor,ay namangha pa siya sa sobrang ganda nito.Sa labas nang gate at sa loob napakalinis tingnan at ang ganda nang disenyo nang bahay,puti ang kulay nang tiles at salamin ang dingding nang bahay na kahit langaw ata mahihiyang dumapo.May malaking puno din nang mangga malapit sa gate na ang daming bunga.Dahan dahan sila naglakad ni manang flor,papasok nang gate nang may narinig silang nag uusap. "Bawiin mo ang sinasabi mo,ayokong makipaghiwalay sayo."iyak na boses nang babae. "Tama na,maghiwalay muna tayo kesa paulit ulit tayong nag aaway."Mabuti na yung maghiwalay muna para maisip natin kung mahalaga pa ba sa atin ang isat isa."boses naman nang isang lalaki. "Ayoko,pag hiniwalayan mo ko,isusumbong kita kay daddy." "Pwede ba Syra,wag mong isali ang daddy mo sa problema natin." Napahinto naman si chichay nang lakad at napatulala nang makita niya sa loob kung sino ang dalawang nag uusap.Nakatalikod ang lalaki na niyakap nang babae. "Kahit anong gawin mo hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sakin!sigaw nang babae at humarap na sa kanila para umalis,napahinto ito nang makita sila ni manang flor. "Manang flor,bakit siya nandito?bungad na tanung ni Syra at tinaasan nang kilay si chuchay. "Ah eh maam,siya po ang bagong papasok na tagalinis "agad namang sabat ni manang flor.Kumunot lang ang noo ni Syra at agad na umalis.. Natulala din nakatingin si chuchay sa lalaking naglalakad papalapit sa kanila dahil si Christian pala ito. "Siya pala ang boss ni manang flor."bulong niya at yumuko. Ganun din ang tanung ni Christian kay manang flor nagtataka din ito. "Manang bakit siya nandito?" "Sir siya po ang ikuwenento ko po sa inyo,at ung sinabi kung ipapasok kung tagalinis dito."Si Chuchay po sir." "Chuchay?"mahinang bigkas ni christian sa pangalan niya."Ah okey manang,kayo na po ang bahala kay chuchay."Chuchay,welcome home." Tumango lang si manang flor,at itinuro na sa kanya ang daan sa likod dahil nandun daw ang kwarto nila.Pag pasok nila sa kwarto ay may naabutan silang ng plaplantsa nang makita si chuchay ay agad itong ngumiti. "Chuchay siya si inday,ate inday nalang itawag mo sa kanya dahil mas matanda pa siya sayo." "Hello po ate inday."bati niya dito. "Hi din sau chuchay."ngiti ding bati ni ate inday na mukhang masayahin dahil sa kanyang smiling face. Pagpasok ni Christian sa kanyang kwarto,ay mahina niyang paulit ulit binangit ang pangalan ni chuchay. "Chuchay."habang may ngiti ito sa labi. Isang linggo na ang lumipas,ay nakaramdam na si chuchay nang pagkabagot dahil siguro nasanay siya na nasa labas lang ang trabaho niya,dito kasi sa loob nang bahay ay, pa ulit ulit lang ang ginagawa sa araw-araw. Napansin niya din na isang linggo nang di niya nakikita si Sir Christian. "Manang bakit parang hindi umuuwi si sir Christian dito?"tanung niya kay manang flor. "Ah umuwi naman chuchay,kaso gabing gabi na tulog na tayo,at bumabalik din ito nang maagang maaga sa opisina,nalalapit na kasi ang annibersaryo nang kompanya nila kaya buay si sir." Pagkatapos niyang mag almusal,ay tinanung niya agad si Manang flor,kung pwede na ba linisan ang room ni sir Christian. "Oo pwede na chuchay,maaga naman umalis si sir." Pumasok na nga siya sa room ni Christian para simulan na ang paglilinis.Ang room na napakalaki at napakaganda ang bango pa."Amoy ni sir Christian."bulong niya sa sarili na nakangiti. Nang nakayuko na siya para magpunas sa ilalim nang kama,nang biglang may lumabas sa banyo.Pagtingin niya si sir Christian,na wala itong suot pang taas at towel lang nakatakip sa pang baba nito,bigla siyang nakaramdam nang kaba at hiya kaya nagtago siya sa ilalim nang kama ni Christian.Nakita niya palakad-lakad si Christian sa kwarto nito.Siya naman ay ng iisip kung kailan ito matatapos at umalis na,para makalabas na rin siya.Nang biglang nahulog sa sahig ang towel nito.Napalunok si chuchay sa iniisip na nakahubad si sir christian. Agad naman nito kinuha sa sahig ang towel,nang makita siya ay agad itong sumigaw. "Ah!!chuchay ano ginagawa mo dito?"inis nitong tanung. Dahan dahan naman lumabas sa ilalim nang kama si Chuchay. "Eh kasi,kasi..sir akala ko kasi umalis na kayo kaya sinimulan ko nang maglinis."nauutal niyang sabi. "Bakit ka nagtago sa ilalim nang kama ko?! "Na..na..nahiya kasi ako sir na makita kang ganyan." "Anong ganyan?"pagtataka nitong tanung. "Yung,yung ano po."nauutal niyang sabi at itinuro ang towel."Pakitakpan po nang towel,ang..ang sa baba po ninyo sir."sabi niya dahil naka boxer short na lang ito. Agad naman tumingin sa baba si christian at dali-daling kinuha ang towel at itinakip sa boxer short niya. Nakalimutan niya pala ibalik dahil sa gulat niya kay chuchay. "Get out!sigaw niyang sabi. Kumaripas naman nang takbo sa labas nang kwarto si chuchay at humihingal na huminto sa harden. "Woahhh!ang init."bulong niya sa sarili habang pina paypay ang kamay niya sa mukha,dahil feeling niya namumula ito sa init."Ang laki nang alaga ni sir."sabi ni chuchay at napalakas ang tawa. "Hoy anong tinatawa tawa mo diyan?panggugulat ni ate inday.Na kanina pa pala siya tinitingnan. "Ah wala ate."Agad niya namang sabat na naka ngiti. "Anong malaking alaga?"tanung ni ate inday dahil narinig pala nito ang sinabi niya. "Ah yung alaga ni sir na malaking ibon sa kwarto niya."Sabi niya at iniwan agad sa harden si ate inday. "Ha!Kailan pa nagkaroon nang malaking alagang ibon si sir?"Hoy chuchay hintayin mo ko,bakit diko nakita ang alaga ni sir na malaking ibon."sigaw nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD