Episode 14

1259 Words
Third Person's POV, Sa inis ni Syra, nagmamadali itong maglakad ng biglang lumapit sa kanya si baby cristine at hinawakan siya. "Wag na wag mo nga akong hahawakang bata ka!" singhal ni syra at itinulak si baby cristine kaya napaupo ito sahig. Dumiretso lang nang lakad si Syra papasok ng room. Agad namang tumakbo si Manang Flor ng makita niyang umiiyak si Cristine. "Baby tahan na, tahan na," sabi ni Manang Flor at binuhat si baby Cristine. "Mimi.. mimi.." salitang narinig kay baby Cristine habang umiiyak. "Sorry baby, wala kasi si mimi sa tabi mo, hayaan mo baby balang araw. Araw-araw muna makakasama si mimi mo at mamahalin ka ng sobra," maiyak iyak si Manang Flor na sabihin ito kay baby Cristine dahil naaawa siya sa sitwasyon ng bata. Kung kasama lang sana lagi ni Cristine ang inang si Chuchay lagi cguro maramdaman ni Cristine ang pagmamahal ng isang ina. "Manang ano nangyari kay baby," bungad na tanung ni Christian ng makita sila. "Ah naitulak ho kasi kanina ni Ma'am Syra sir kaya umiyak si Cristine," mahinang sabi ni Manang flor. "Ano?! Gulat na tanong ni Christian at mabilis na naglakad para puntahan sana si Syra pero pinigilan ito ni manang. "Wag na sir, sa susunod diko na lang hahayaan na lumapit si Cristine kay ma'am Syra. Kaya kinuha na lang ni Christian si Cristine kay Manang flor. "Lets go, baby lets play," saad nito at kinarga ito ni christian at dinala sa hardin para doon mag laro. Nasa bar na naman si Syra, at uminom nang uminom iniisip ang nangyari sa kanila ni Christian. Maya-maya ay dumating narin si Bryan. "Gusto ko nang umuwi," bungad na sabi ni Syra ng tumabi sa upuan niya si Bryan. "Sandali lang, kakarating ko lang uuwi kana agad?" "Uuwi ako doon.. Doon sa bahay mo!" "Ok, ok tara," tugon ni Bryan. Inalalayan naman ni Bryan si Syra na maupo sa sasakyan niya dahil naparami na ang nainom nito. Ilang minuto lang ay narating na nga nila ang condo kung saan tumutuloy si Bryan. Pagpasok pa lang nila sa loob, ay maalab na halik na ang ginawa ng dalawa. Hanggang sa mapunta ng kama at isa-isa na hinubad ang mga suot nito at patuloy na pinainit lalo ang gabi nang bawat isa. Ilang araw ang lumipas ay birthday na ni Syra, maaga ito pumunta ng venue para maghanda. Ito ang birthday na pinaghandaan nila ng mommy niya. Ininvite nila ang ibang mga negosyante at kasosyo sa company ng daddy niya. Dahil gusto nila ng mommy niya na ipaalam sa lahat na siya ang nag iisang tagapag mana ni Don Federico. Nagpunta naman nang party si Chuchay kasama si Ali. Suot niya ay fit na black dress na tube at pinarisan ng napacute na sombrerong itim. Sa pinto pa lang sila nang venue nang sinalubong na agad sila ni Syra. "Bakit ka nandito Chuchay? hindi invited dito sa birthday ko ang hindi kayang bumili na kahit mumurahin lang na gift," taas kilay nitong sabi. "Syra! Kasama ko si Chuchay sana wag mong bastusin. Hindi mo na lang sana ako ininvite kung babastusin mo lang ang date ko sa birthday mo," agad na sabat ni Ali. Napataas lang ang kilay ni Syra na tumingin kay Chuchay at ngumiting plastic. "Ok go inside, nirerespeto kita Ali, dahil isa karing kilalang business man kaya enjoy the party," saad nito at agad itong tumabi para padaanin sila Chuchay. "Siya nga pala, hindi kami pumunta ng walang regalo. Yan regalo nmin," sabi ni Ali sabay abot ng regalo niya. Pagpasok nila ni Chuchay ay nakasalubong agad nila si Christian. Walang reaction sa mukha na pinakita si Chuchay at patuloy lang sa paglakad. "Chuchay," mahinang tawag ni Christian. Pero hindi ito pinansin ni Chuchay, pinakita nito ang paghawak niya nang mahigpit sa braso ni Ali at umalis. Nanatili lang nakatingin si Christian kay Chuchay habang naglalakad hawak-hawak si Ali. Kumuha naman agad si Christian na isang basong wine at mabilis na ininom. Sobra siyang nasaktan na makitang hawak ni Chuchay ay iba at pinaramdam sa kanya na di siya kilala. Pero di niya rin masisi si Chuchay, kasalanan niya. "Kasalanan ko ang lahat," bulong niya at uminom ulit ng isang basong wine. Marami na rin ang mga bisita ng magsalita ang Emcee sa party. "Nandito tayong lahat para dumalo sa kaarawan nag iisang prinsesa ng JF company at nag iisang anak ni Don Federico na si Syra. Para tunghayan ang kanyang dalawam'put limang kaarawan. Kaya may inihanda kami para sa lahat ng mga bisita at agad itinuro ang malaking screen sa gitna nang stage, pinakita dito ang mga picture ni Syra nungbata pa siya. Nanatili lang nakatayo sila Chuchay at Ali. Napadako naman ang tingin ni Chuchay sa matandang si Don Federico na kanina pa nakatitig sa kanya. Nakita niyang ngumiti ang matanda sa kanya pero wala siyang reaction na binigay inilipat na lang niya ang tingin sa screen na pinapakita ang picture ni Syra. Nalungkot si Don Federico na di man lang niya nakitang ngumiti si Chuchay. "Siguro dahil sa nagawa ni Syra," bulong niyo at napayuko na lamang ito. Maya-maya ay nagulat ang mga tao sa party ng makita sa screen ang pakikipagtalik ni Syra sa ibang lalaki. "Ay ano ba yan..!" sigaw ng ibang mga bisita sa party. Nabigla naman si Syra sa nakita kaya halos matumba ito. "Stop the video!" sigaw nito. "Stop..!" "Mommy, mommy patigil mo ang video," sabi ni Syra sa ina na umiiyak. "Sabing itigil niyo yan!" sigaw ulit nito. At di na niya alam kung saan titingin dahil sa mga taong nakatingin sa kanya. Agad naman tumakbo si Madam Mariel sa operator ng video kaya napatay ito. Pero huli na dahil nakita na nang lahat ang ginawa niya. Lumapit si Don federico kay Syra na noo'y napaupo na sa sahig dahil sa kakahiyan. "Nakakahiya ka!" galit na sigaw ni Don Federico saka mabilis na umalis. Tumingin naman si Syra kay Christian pero wala itong reaction at umalis narin. "Christian! christian..!" sigaw ni Syra pero patuloy lang sa paglakad si Christian palabas ng venue. Napapangiti naman si Chuchay habang tinitingnan si Syra at inalala ang ginawa niya kaya natikman ni Syra ngayon ang kahihiyan. "Ma'am Chuchay, kasama ni Syra pumasok ang lalaki sa isang hotel," sabi ng inutusan niyang sundan lagi si Syra. "Magbayad ka ng tao, para kuhanan ng video ang ginagawa nila sa loob." "Ok, ok! Ma'am Chuchay masusunod." Nangyari nga ang plano ni Chuchay nakunan nila ang video na pakikipagtalik ni Syra kay Bryan at pinalitan niya din ang operator sa birthday ni Syra para masiguradong maipalabas ang video. Pinuntahan niya si Syra na nakaupo sa sahig na humagolhol ng iyak, habang nasa tabi nito ang inang si Mariel. "Hindi ako pumunta ng walang regalo Syra. Yun ang regalo ko, nagustuhan mo ba?" Mahinang sabi niya habang nakangiti sa mga ito. "Hayop ka kagagawan mo yan!" sigaw ni Syra. Pero tinalikuran na ito ni Chuchay, napahinto naman si Chuchay ng magsalita si Mariel. "Chuchay! Baka nakakalimutan mo, nasa amin ang anak mo." Nilingon ito ni Chuchay at masamang tiningnan ang mga ito bago nagsalita. "Subukan niyo lang saktan ang anak ko, kahit saang impyerno pa kayo mapunta susundan ko kayo at maging tinik sa lalamunan niyo." "Hahaha..!" malakas naman ang pagtawa ni Mariel. Bago tumalikod si Chuchay ay may pahabol ito. "Wag mo ubusin ang tawa mo Madam Mariel, baka mamatay kang nakasimangot," ngiting saad niya at agad na umalis sa harapan ng mga ito. Rinig niya pa ang pa sigaw ni Mariel. "Humanda ka lang, hindi pa tayo tapos..!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD