Third Person's POV,
Pag uwi ni Christian ay agad ito kumuha ng isang boteng alak,at nagpunta sa hardin.
Inaalala ang masasayang araw nila ni Chuchay na magkasama, at ang palihim niyang pagpunta sa panahian kung saan ito nagtatrabaho.
Tinitingnan niya lang ito sa malayo at napapangiti siya pag nakita niyang tumatawa si Chuchay kasama ng mga ka trabaho nito. Kahit isang araw ay di nawala sa isip niya si chuchay.
"Kasalanan ko ito, kung bakit nasasaktan ako ngayon naging duwag ako. Pinili ko si Mommy at na kaya kung saktan si chuchay. Wala akong kuwenta," bulong nito sarili habang tinutungga ang isang boteng alak.
Nasa loob naman ng sasakyan sila Ali at Chuchay nang magsalita si Ali.
"Chuchay kumain muna tayo bago umuwi nag pareserve na ko sa restaurant."
"Ok sige," ngiting sagot ni Chuchay.
Pagpasok pa lang nila sa restaurant ay sinalubong na sila ng waiter at sinamahan sila papunta sa table na nakareserve sa kanila.
Nakita agad ni Chuchay sa lamesa ang isang boque na bulaklak, bago sila maupo ay binigay muna sa kanya ito ni ali.
"For you Chuchay."
"Para saan?"
"Gusto lang kitang bigyan," ngiting saad ni Ali at pinaghila siya ng upuan.
Kumakain na sila ng magsalita ulit si Ali.
"Chuchay, I like you, will you be my girlfriend?" tanong ni Ali na ikinagulat ni Chuchay natahimik muna siya saglit, dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Ali.
"Ali, Im sorry, pero.."
Hindi na natapos ang sasabihin niya ng magsalita ito ulit.
"It's okay Chuchay, hindi mo kailangan sagutin ngayon ang tanong ko, maghihintay ako kung kailan handa kana,"sabi nito na halatang may lungkot sa mga mata.
Maya-maya ay may tumawag sa phone ni Ali na agad naman niya ito sinagot.
"Ok Dad, hintayin niyo na lang ako," sabi nito at ini off ang tawag.
"Chuchay puwede mo ba ako samahan sunduin ang Mom at Dad ko sa airport dumating na kasi sila," saad ni Ali na tango lang ang naging tugon ni Chuchay.
Kalahating oras ang lumipas nasa airport na sila. Nilapitan naman agad ni Ali ang Mom at Dad niya. Medyo may katandaan na lalaki na kinakaway si Ali, katabi nito ang isang babaeng may edad na nakaupo sa wheelchair.
Niyakap naman agad ni Ali ang Dad niya at hinalikan sa pisngi ang kanyang Mom na tulalang nakaupo sa wheelchair.
"Sino siya?" agad na tanong ng Daddy ni Ali ng makita si Chuchay.
"Ah ung kuwene-kuwento ko sayo Dad si Chuchay ang secretary ko."
"Hello sir," bati ni Chuchay.
Tumango lamang ito na tumingin sa kanya at agad nagsalita. "Let's go."
Itinulak naman agad ni Ali ang wheelchair ng mom niya, pero di maalis ang pagka titig ni Chuchay dito, kahit kasi isang kisap sa mata ay di nagawa tulala lang ito.
Kahit nasa loob na sila ng sasakyan at katabi ni Chuchay ay ganun parin ito parang ang layo ng tinitingnan.
Pag uwi naman ni Syra sa bahay ay agad itong sinalubong ni Christian.
"Let's divorce," bungad na sabi nito.
Natulala si Syra sa narinig niya, ilang saglit lang ay agad din ito tumawa.
"Hindi mo ba ko tatanungin kung bakit ko yun nagawa, dahil sayo!" sigaw nito. "Isang taon tayong mag asawa pero ni kahit daliri mo ayaw akong hawakan, may sakit ba ako christian ha! may sakit ba ko para pandirihan mo!" sigaw nito na humagulhol sa iyak.
"Im sorry, pero alam muna nung una pa lang na hindi kita mahal at hindi kita mamahalin dahil si Chuchay lang laman ng puso ko."
"Chuchay! chuchay! chuchay! lagi na lang si chuchay!" sigaw nito. "Pero hindi, hindi ako papayag mapunta ka kay Chuchay hindi ako makipag divorce sayo!"
"Wala ka nang magagawa Syra, dahil siguradong ako ang papanigan ng husgado, dahil sa pakikipagtalik mo sa iba sa ayaw at sa gusto mo mag di-divorce tayo," pagkatapos iyun sabihin ni Christian ay iniwan niya na si Syra.
Sa bahay nila Ali ay araw-araw nakikita nivChuchay ang mommy ni Ali, na nakatingin lang sa bintana.
Nakaramdam siya dito ng awa agad niyang naalala ang kanyang Inay. Nang makita niya ang caregiver nito na lumapit sa Mom ni Ali para punasan ito, agad naman siyang lumapit at nag prisenta na siya na ang magpupunas.
Pumayag naman ang caregiver nito.
Nginitian niya muna ito at dahan-dahan pinunasan ang mommy ni Ali. Nang mapansin niya ang isang kamay niya na nakatiklop lang ito, kaya dinahan-dahan niyang buksan ito, nakita niya ang isang napakagandang kuwentas na Star ang pendant na may JF nakasulat.
Kinuha niya ito, ngunit nabigla si Chuchay ng magwala ang mommy ni Ali. Dahilan nang pagkahulog nito sa wheelchair at pilit na sumisigaw ngunit di niya ito maintindihan ang sinasabi parang naipit ang dila nito.
"Sorry, sorry," sabi niya ng paulit-ulit ng maintindihan niya na ayaw nito na may ibang hahawak sa kuwentas.
Agad naman tumakbo si Ali ng marinig ang boses nang mommy niya.
"Chuchay ano nangyari?" agad na tanong nito habang inalalayan ang mommy niya pabalik sa wheelchair.
"Im sorry, kasalanan ko bakit nahulog ang mommy mo, kinuha ko kasi sa kamay niya ang kuwentas para punasan ang kamay niya nagalit yata," yuko niyang sabi kay ali.
"It's okay Chuchay, kuwentas ko yan di ko lang kasi matandaan kung sino nagbigay nang kuwentas na yan at suot-suot ko ng matagal yan kaya naisipan kung tanggalin at binigay sa kanya. Simula nun di na nya binitawan ang kuwentas na yan."
Nasa sasakyan naman si Don federico ng biglang may tumawag sa kanya.
"Don federico, nakita na namin si Romy at sinusundan namin to ngayon," agad na sabi nang tauhan ni Don federico.
"Sige wag niyong iwala sa paningin niyo, hintayin niyo ko pupuntahan ko kayo ngayon,"tugon naman niyang sabi.
Pinahanap niya si Romy dahil nagtataka siya kung bakit bigla nalang itong nawala na parang bola.
Ilang oras lang ay narating na nga ni Don federico ang lugar ni Romy.
Nakita nila itong naglalakad, tinawag ito nang mga tauhan ni Don federico pero bigla itong tumakbo, mabilis naman itong hinabol ng mga tauhan ng Don si Romy. Nahabol naman nila ito at agad ipinasok sa sasakyan kung nasaan si Don federico.
"Romy, bakit ka tumatakbo may kasalanan kaba sakin?" bungad na Tanong ni Don federico.
Nabigla naman si mang romy ng makita si Don federico. "Hinahabol niyo kasi ako kaya tumakbo ako," agad nitong sabat.
"Bakit pala bigla kang nawala pagkatapos ko bayaran ang bill niyo sa ospital nawala kana na parang bola."
"Don federico, diba kayo nagsabi na pauwiin ako sa probinsiya namin binigyan niyo pa nga ako nang kalahating milyon, reward niyo sakin dahil nakita ko anak niyo," ngiti nitong sabi.
"Nakita mo anak ko?" pagtatakang tanong ni Don federico.
"Oo binigay ko na address nang bahay ng anak niyo kay Madam mariel, sabi niya inutusan mo daw siya na ibigay sakin ang reward ko."
Nang marinig iyun ni Don federico ay napakuyom siya ng kamao.
"Bakit walang sinabi sakin ang babaeng yun, matagal na kaya niya ko niloloko," bulong nito sa sarili. "Romy walang sinabi sakin si Mariel."
Gulat naman si Romy sa narinig.
"Ha! Eh, hindi ko alam Don federico na hindi pala sinabi sa inyo."
"Ibigay mo nalang ulit sakin ang address."
"Pero.. Don, nakalimutan ko na kasi kung anong address yun, pero puwede ko ituro sa inyo.
"Tara, sakay."
Agad naman sumakay si Romy sa sasakyan papunta sa nawawalang anak ni Don Federico.
Saya at pananabik ang nararamdaman ng Don na isiping makikita niya ulit ang matagal niya ng hinahanap na anak.