Episode 16

1456 Words
Third Person's POV, "Long time no see," bungad ni Madam Mariel kay Armando Agustin nang makita niya ito sa loob ng isang room sa hotel. "Akala ko hindi kana babalik dahil nag eenjoy kana kasama ang peke mong asawa." "Hindi mangyayari yun, hindi pa tapos ang misyon ko. Ikaw mukhang nag-eenjoy ka rin sa peke mong asawa," ngiti nitong sabi. "Pero bakit sa tagal na panahon hindi mo parin nakuha ang kayamanan ni Don Federico?" "Ung lalaking yun.. Matalino pa sa matsing, kahit anong landi ko para mapaibig lang no effect," inis na saad ni Mariel. "Kamusta nga pala si Syra?" agad na tanong ni Armando. "Yan din pala ang isa sa pinunta ko. Kung bakit pumayag akong makipag kita sayo ngayon. Paalisin niyo sa puder niyo ang babaeng si Chuchay." "Chuchay? Bakit ano meron sa kanya," takang tanong ni Armando. "Siya lang naman lagi ang nag papaiyak at nagpapahirap sa anak mo," inis na sagot ni mariel. "Bakit di mo agad dinispatsa? Diba sana'y ka naman niyan?" "Akala ko nga, madali lang dispatsahin ang babaeng yun, pero nagkaroon pa nang lakas ng loob na kalabanin ako dahil sa tulong ng anak-anakan mong si Ali." "Ok, wag kang mag-alala kakausapin ko si Ali." Pagkatapos mag usap nila Armando at Mariel ay agad naman kinausap nito si Ali. "Ali bakit mo pala tinutulungan si Chuchay, may gusto kaba sa babaeng yun?" "Yes Dad, tiyaka mabait si Chuchay Dad." "Paalisin muna siya dito, makakasira siya sa plano nating paghihiganti kay Don federico." "Hindi Dad, hindi siya puwedeng umalis dito, nangako akong po-protektahan ko siya," agad na sabat ni Ali. "Ayoko sa kanya para sayo, kaya paalisin muna siya dito." "Pero Dad__" "Gusto ko na magpahinga Ali, tapos na ang usapan, basta sundin mo ang gusto ko," sabi nito at agad na lumakad papuntang kuwarto, naiwan si Ali na tulala. Rinig naman iyun ni Chuchay ang pag uusap nang mag-ama sa sala. Pagkatapos niya yun marinig ay bumalik na siya ulit sa kuwarto niya. Kinaumagahan ay kinausap agad niya si Ali. "Ali, may nakita na nga pala akong apartment, gusto ko sana mag paalam na umalis na dito at doon na tumira." "Pero Chuchay, baka hindi ka safety dun, dito ka lang," agad na sabi ni Ali na seryoso ang mukha. "Ali, malaki na naitulong mo sakin, ngayong nakaipon na ko, tama lang naman siguro na umalis na ko. Wag kang mag-alala safety ang nakita kong apartment," dagdag pa niyang sabi para pumayag si Ali. Inunahan na niya si Ali, dahil alam niyang maiipit ito sa gusto ng Dad nito. "Kung yan ang desisyun mo, ok sige, pero tumawag ka agad sakin pag kailangan mo ng tulong." "Oo, wag kang mag alala, tiyaka lagi parin naman tayo magkikita sa panahian diba?" tanong ni Chuchay na marahan namang tinanguan ni Ali. Bago umalis si Chuchay ay pinuntahan niya muna ang Mom ni Ali. Pinunasan niya ito at kinausap. "Sorry nga po pala nung isang araw po ma'am ha, kung hinawakan ko ang kuwentas niyo nagandahan lang kasi ako. Alam niyo po ma'am swerte parin si Ali, kasi nandito pa kayo buhay pa. Kaya pagaling po kayo ha, naalala ko po kasi sa inyo si inay ko. Ang inay ko na akala ko totoo kung ina at sobra kung mahal pero hindi pla siya ang tunay kung ina napulot lang daw niya ko," ngiti niyang sabi sa dito pero nanatili parin itong nakatingin sa malayo. "Yung kuwentas niyo pong may bituin po ma'am, tulad din po nitong balat ko sa talampakan, diba po bituin din po siya," saad ni Chuchay, sabay pakita dito sa balat niya. Nagulat naman si Chuchay nang bigla na naman nagwala ang Mom ni Ali. Kaya tinawag nita agad ang caregiver nito. Mabilis naman ito agad pinasok sa kuwarto para painumin ng gamot, kahit papalayo na ito nagwawala parin ito at pilit tinataas ang kamay. "Don federico, dito po yun," turo ni Romy nang marating nila ang lugar kung saan nakatira noon sila Chuchay. "Sigurado ka dito?" pagtatakang tanong ni Don Federico dahil kita sa lumang bahay na nasunog ito. "Oo sigurado ho ako Don federico, nung nakita ko anak niyo sa ospital na may balat sa talampakan, sinundan ko na agad pag uwi niya. Diyan ko ho nakita silang tumira kasama ang isang matandang babae." Kaya naisipan ni Don federico tanongin ang ibang dumadaan kung saan na nakatira ang dating may ari ng bahay na nasunog. "Ah si Aling Maricar," agad na sabat ng babaeng tinanong nila. "Matagal na hong patay, kawawa nga nasama sa sunog." Nang marinig iyun ni Don federico ay agad siyang kinabahan. "Si Aling Maricar lang ba, siya lang ba yung nasama sa sunog?" agad na tanung ni Don federico. "Dalawa sila ang nasama sa sunog, nasama pati ung anak ng kapitbahay namin. Buti nga yung anak niyang si Chuchay di nasama." "Chuchay?! Gulat na tanung ni Don federico. "Oo Chuchay, kasi pangalan ng anak ni Aling maricar," ngiti nitong sabi. "Ano itsura ng Chuchay na sinasabi mo? May phone number kaba sa kanya?" sunod-sunod na tanong ni Don Federico. "Ay wala ho, mag-iisang taon na din kasi umalis dito si Chuchay simula nang masunog ang bahay na yan hindi na namin alam kung saan napunta ang batang yun. Pero napakaganda ng batang yung si Chuchay, kulang lang sa ayos," dagdag pa nitong sabi. "Nakita niyo ho bang may balat po yung Chuchay na sinasabi niyo na nasa talampakan niya?" "Hindi ko ho nakita," sabi nito sabay kamot sa ulo. Nakita naman nito na dumaan si Cynthia at Ondo. "Yun! yun po tanungin ninyo kung nasaan si Chuchay mga malalapit po niya yung kaibigan," sabi nito habang tinuturo sila Cynthia at Ondo. Nagulat naman sila Cynthia at Ondo nang hinarangan sila ng malalaking tao na tauhan ni Don federico. "Bakit ho?" Takot na tanong ni Cynthia. "Kailangan kayo makausap ng amo namin," sabi nito sabay turo sa kanila sa matandang lalaki na nakatingin. Dahil limang mga tauhan ni Don federico na malalaking tao ay mabilis na binuhat sila Cynthia at Ondo papalapit kay Don. "Teka, teka! bitawan niyo kami ano kasalanan namin sa inyo!" sigaw ni Cynthia. "Iha, wag kang matakot," mahinang sabi ni Don federico. "May itatanong lang ako sa inyo. "Malalapit ba kayong kaibigan ni Chuchay?" panimulang tanong ni Don federico. "Oo," inis naman na sabat ni Cynthia. "Alam niyo ba kung nasaan ngayon si Chuchay?" "Hindi!" mabilis namang sabat ni Cynthia. "At kahit alam ko pa hinding-hindi ko sasabihin sa inyo dahil hindi ko naman kayo kilala." "Iha, nakikiusap ako sayo sabihin mo sakin kung nasan si Chuchay, hindi ako masamang tao gusto ko lang malaman kung siya nga ba ang anak kung matagal ko ng hinahanap." "Anak?! pagtatakang tanong ni Cynthia. "Oo anak ko, yung Chuchay ba na kilala niyo may balat na hugis bituin malapit sa talampakan nito?" "Oo meron," agad naman sabat ni Cynthia. "Talaga?! ngiting sabi ni Don Federico. "Kung ganun siya nga ang anak ko. Alam niyo ba kung nasaan siya ngayon?" "Nasa AA company siya ngayon nagtatrabaho sa panahian ni Ali Agustin," sagot ni Cynthia na ikinagulat naman ni Don Federico. "Ali agustin?!" "Oo kilala niyo po ba?" "Oo, Oo, thank you iha, alam mo ba ang phone number ni Chuchay?" "Oo, ito po," saad nito at agad naman kinuha ni cynthia ang kanyang phone at ibinigay ang number ni Chuchay. "Iha, isa pang tanong, na kuwento ba sa inyo ni Chuchay kung saan siya nakita ng kinikilala niyang ina na si Maricar?" "Sabi sa kakahuyan daw, malapit sa tinitirhan daw dati ni aling maricar." Nang marinig iyun ni Don naalala niya ang lugar kung saan sumabog noon ang sasakyan ni Donya Jana. Hindi niya maintindihan kung anong nararamdaman niya matutuwa ba siya o maiinis sa sarili, tama nga ang hinala niya. Ang Chuchay na matagal na niyang kilala ay ang nawawala niyang Baby Janelle na matagal na niyang hinahanap. Masayang-masaya siya sa wakas nahanap na niya ang isa sa nawawala niyang anak. Pero naiinis siya sa sarili dahil matagal na palang nasa harapan na niya ang Baby Janelle niya pero hindi pa niya ito nakilala agad. Naisip niya rin kung bakit nasunog ang tinitirhan nito. "Romy, para makabawi ka, imbestigahan mo kung bakit nasunog ang bahay na yan." "Ok sige Don Federico," agad naman na sabat ni Romy. Maya-maya ay tinawagan agad ni Don federico ang number na binigay ni Cynthia. Agad naman ito sinagot sa kabilang linya. "Hello, Sino po ito?" agad na tanung ni Chuchay. "Chuchay?!" "Yes sino po ito?" "Ako si Don federico, magkita tayo may sasabihin ako sayong importante, ittxt ko sayo ang address." Nagtaka naman si Chuchay, kung bakit biglang napatawag sa kanya ang Ama ni Syra. Ano naman kaya ang sasabihin nito sakin," bulong ni Chuchay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD