Episode 17

954 Words
Chuchay POV, Agad ko naman pinuntahan ang binigay na address ni Don Federico. Pero nagtataka ako, bakit sa isang lugar na kakahuyan nilibot ko ang paningin ko sa lugar pero di ko naman nakita si Don federico. "Don federico! Don federico!" sigaw ko. Nasan kayo? nandito na ko!" "Chuchay!" sigaw naman ni Don federico. Nakangiti itong tumingin sa akin. "Chuchay, nasabi ba ng nanay mo na sa kakahuyan ka niya napulot," panimula nitong tanong sa akin.Na ikinitaka kung bakit nabanggit agad ng matanda ang nanay ko. "Oo, pero paano niyo nalaman ang bagay na yan?" "Dahil sa lugar na ito Chuchay, nawala ang mag-iina ko. Ang asawa ko, ang apat na taong gulang kong anak na lalaki, at ang bunso kong anak na tatlong buwan pa lamang," lumuluha ang mga mata ni Don federico na sabihin niya iyun sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman sa mga sinasabi ng matanda. At nagtataka ako kung bakit ito sinasabi sa akin ni Don Federico. "Da-dahil ikaw.. Ikaw ang sanggol na yun Chuchay na matagal ko ng hinahanap," napapaos ang boses ng matanda ng sabihin iyun. Napakunot noo ako sa narinig, at para itong echo na paulit-ulit sa tainga ko. "Ako? Anak niyo? Baka nagkakamali lang ho kayo Don Federico." "Chuchay sigurado akong ikaw ang anak kung hinahanap, may balat ka na hugis bituin sa talampakan di ba,"agad na sabi ni Don Federico na patuloy ang pagluha. Sa narinig ko tungkol sa balat ko ay nagsimula narin tumulo ang mga luha ko. Imposible, imposible maging ama ko ang ama ni Syra. "Hindi! hindi ako magiging anak niyo Don federico, imposible maging anak niyo ko!" sigaw ko. "Ikaw ang nawawala kong anak Chuchay, miss na miss na kita anak, gustong -gusto na kita makasama kayo ng mommy at kuya mo pero ngayon hindi ko pa alam kung nasaan na sila." "Hindi..! Ayoko maging anak ninyo! Ayoko maging kapatid si Syra, iisipin ko lang yun nasusuka na ko maging kapatid ang isang tulad ni Syra siya at ang ina niya nagpahirap sakin at ang dahilan kung bakit hindi ko nakakasama ngayon ang anak ko," humagolgol kong sabi. "Anak, patawarin mo ako. Kung wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka," sabi ni Don federico habang lumalapit ito sakin at akmang hahawakan ako. "Wag niyo kong hahawakan!" sigaw ko. Ayoko maging anak niyo! ayoko maging kapatid si Syra," sabi ko na umaatras palayo kay Don Federico. "Hindi ko anak si Syra anak! Ikaw lang ang nag iisa kung tunay na anak kong babae. Tinuring ko lang na anak si Syra dahil sa kinakasama ko ang mommy niya. Pero kung gusto mong iwan ko sila anak gagawin ko. Gagawin ko yun anak, tanggapin mo lang ako bilang ama mo at sumama ka sakin." mahabang paliwanag ni Don Federico napako naman ang tingin ko sa kanya ng marinig na hindi niya anak si Syra. "Hindi ko kapatid si Syra?" "Oo hindi, hindi mo siya kapatid kaya anak patawarin mo ako kung hindi kita naipagtanggol sa kanila. Janelle sumama ka sakin magsimula tayong muli anak," bigkas ni Don Federico sa isang pangalan na ikinatingin ko sa kanya at hindi parin matigil ang pagluha nito. "Janelle ang totoo kong pangalan?" maluha-luha kung tanong. "Oo.. Ikaw ang anak kong si Janelle Fernandez ang nag iisang prinsesa ko," saad ni Don Federico at lumapit siyang muli at hinawakan ako. Hindi na ako lumayo at hinayaan ko lang si Don Federico sa paghawak sakin. Patuloy ako sa pag iyak, habang nakaupo at yakap ang dalawang tuhod. Niyakap niya ako ng mahigpit at sabay kaming nag iyakang mag-ama. "Sa wakas nakita ko narin ang anak ko. Sa wakas nakita ko narin ang baby Janelle ko," saad ni Don federico at mas lalong hinigpitan ang pag yakap sa akin. Si Don federico, ang totoo kong ama. Matagal din akong sabik na maramdaman ang pag mamahal ng isang ama, hindi ko akalain makikilala ko pa ang ama ko,at makakasama ko pa at maramdaman ang yakap nang isang ama. Inalalayan ako ng ama kong tumayo at sabay naming nilibot ang kakahuyan. Nang matanaw ko ang lumang kubo sa gitna ng kakahuyan. Naisip ko agad si Inay, ito kaya ang kubo na tinitirhan noon ni Inay, kaya patakbo akong lumapit at pumasok sa kubo. Nilibot ko ang paningin ko sa kubo sobrang luma na ito sa tagal ba naman na panahon. Pero alam ko, sa puso ko ito ang kubo na tinirhan ni Inay, itong kubo kung saan niya ko unang dinala ng makita niya ko sa kakahuyan. Habang iniisip ko yun ay di mapigil ang pag agos ng mga luha ko. Inay, nakita ko na ang totoo kong ama inay. Ang pangarap ko noon na gusto ko magkaroon ng Ama, Inay ay natupad na Nakita ni Don federico ang pag hagolhol ko ulit ng iyak kaya nilapitan niya ako at muling niyakap. "Tama na anak, tama na. Hindi kana muli pang masasaktan at mahihirapan nandito na ang Daddy mo. Hinding-hindi na ko papayag mawala ka pa saking muli anak." "Don Federico, wag niyo muna ipaalam sa kanila ni Syra at Madam mariel na ako ang anak ninyo." saad ko na marahan naman tinanguan ng matanda. "Oo.. okay, kung yan ang gusto mo anak, pero puwede ba tawagin muna akong Daddy," nakangiti nitong wika. "Opo Daddy, maiyak-iyak na sabi ko kay Don federico. "Pero anak, gusto kung ipakilala kita sa buong mundo na anak kita. Nalalapit na ang anibersaryo ulit ng kompanya. Gusto kong ipakilala kita sa mga taong nandoon sa anibersaryo ng kompanya na anak kita. Papayagan mo ba ako anak?" "Okay.. Opo Daddy." Nang marinig iyun ni Don Federico ay muli niya niyakap ang kanyang anak na si Janelle Fernandez ang nag iisa at tunay niyang prinsesa sa mansyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD