Episode 18

1443 Words
Chuchay POV, Sinama ako ni Daddy sa hacienda para dito muna mamalagi pansamantala. Tinawagan ko din muna agad si Manang flor na siya muna bahala kay baby cristine. Hanggang sa bumalik na ko dahil sa pagbalik ko sisiguraduhin kung makukuha ko nang legal ang anak ko. Pagdating namin sa hacienda ay napamangha ako sa magandang disenyo nang bahay mukhang bagong gawa pa ito. Naalala ko tuloy ang sinabi noon ni Syra na may binabantayan siyang nirenovate na bahay sa hacienda, hindi kaya ito yun. Napapangiti na lang ako na isipin na pinagtiyagaan nila Mariel at Syra na irenovate ang bahay sa hacienda yun pala ay ako lang ang titira. Hindi lang titira kundi magiging akin pa. Nilibot ko ang hacienda kasama si Daddy, napakagandang tingnan ang mga magaganda tubo ng palay at ibang mga pananim. Malamig ang hangin dahil napalibutan ang hacienda ng malalaking puno. May mga alaga din si Daddy na mga hayop,tulad nang kabayo kalabaw baka lahat na yata ng klasing hayop na puwede pagkakitaan ay may alaga si Daddy at sa dulo naman ay may malinis na ilog. Marami din mga nakapalibot na mga bantay sa buong hacienda "Janelle, gising ka na ba anak?" Rinig ko sa umaga ang pagtawag ni daddy sa labas ng kuwarto ko. "Janelle baby, kung gising kana bumaba ka na ha pinagluto kita ng makakain." "Opo Dad baba na po ako," sagot ko. Napapangiti ako, dahil masarap pala sa pakiramdam na may ama kang nag aalaga sayo. Pagbaba ko kita ko si Daddy na busy busyhan, siya lang ang naghanda ng pagkain sa lamesa. Ni walang kasambahay na tumulong, pero tuwang tuwa ito sa ginagawa niya. Pagkakita sakin ni Daddy ay agad niya ko hinilaan ng upuan "Anak kumain ka na ng marami," sabi nito at hindi maialis ang ngiti nito sa labi. "Masarap ba ang luto ko anak?" agad na tanong ni Daddy nang natikman ko na ang luto niya. "Opo Dad, salamat po." "Simula ngayong araw anak, ipagluluto na kita lagi ng makakain mo. Makabawi man lang ako sa ilang taon na hindi pag alaga sayo." "Dad, marunong din po ako magluto, gusto ko din na pagsilbihan ka bilang anak mo." Natigil ang pag uusap naming yun nang lumapit ang isang kasambahay. "Sir, nandito po si General alex." "Okay, pakisabi na lang hintayin ako sala. Janelle maiwan muna kita dito ha, kakausapin ko lang ang tito alex mo." "Okay dad." "Alex kamuzta may balita kana ba kay Armando?" agad na tanung ni Don federico. "Kunting impormasyon lang ho, Don Federico ang nabalitaan ko. Nung namatay daw ho ung kuya ni Armando na si Alfred ay umuwi daw ito ng pinas. Lumipas naman ng dalawang araw nang may lumusob sa mansyon niyo ay bumalik daw si Armando ng ibang bansa. Pero ngayon Don federico ay nasa pinas na si Armando. Pero wala pa hong nakitang ibedensya na si Armando nga ba ang lumusob noon sa mansyon niyo," saad ni General alex. "Bumalik na pala siya, thank you Alex, ipagpatuloy mo lang ang pag imbestiga mo kay armando." Pagkatapos kong kumain ay nagpunta ako sa sala. Nakita naman ako ni daddy kaya agad akong tinawag. "Janelle halika dito, siya nga pala ang tito alex mo. Alex ang Anak kung si Janelle," pakilala ni daddy. "Masaya ako para sa inyo Don federico, nakita niyo na din sa wakas ang isa sa nawawala niyong anak." "Hello po tito," naiilang kong bati dito. "Hi Senyorita," agad naman nitong sabat na ikinatingin ko sa kanya. "Ja- Janelle na lang po tito," nauutal kong sabi. "Hindi puwede Senyorita, bagay sayo ang tawaging senyorita, nirerespeto ko ang mga magulang mo dahil sa kanila nakapag aral ako at naging isang militar, ngayon ay general na ko. Kaya bilang pag galang ko sa mga magulang mo ay dapat din kita tawaging Senyorita." "Siya nga pala Alex, puwede ba mag hire ka nang bodyguard para kay Janelle ung tapat sana at mapagkakatiwalaan, yung kayang ipagtanggol ang anak ko. Alam ko marami parin akong nakapalibot na mga kalaban, ayoko ng maulit ang nangyari noon." "Tamang-tama Don federico, malapit lang dito ang kampo ang mga bagong recruit na mga sundalo. Merong mga baguhan pero sanay ito sa mga labanan. Puwede kayong sumama sakin para kayo na mismo ang kumilala at pumili,"ngiti nitong sabi. Napapangiti akong isipin na ang pinagyayabang noon ni Syra na General ay makikilala ko pala. Lumipas ang isang oras ay nasa kampo na kami nang mga sundalo, marami akong nakikitang nag eensayo. Maya-maya ay napabaling ang tingin ko sa isang lalaki na pamilyar, nilapitan ko ito at nakilala ko nga kung sino. "Boknoy!" tawag ko. Agad naman ito lumingon at tumitig nang ilang minuto bago magsalita. "Chuchay?!" Gulat nitong tanong. Si boknoy na mataba at mortal kung kaaway nung mga bata pa kami, ngayon ay isa nang sundalo at makisig. Sabay kami ni Boknoy naglakad pa ikot sa kampo ng magsalita ito. "Patawarin mo ako noon Chuchay ha! Kung naging masama ako sayo nung mga bata pa tayo. Alam mo ba chuchay dahil sa ginawa mo, diko na inulit ang mambully. Natakot ako non na baka mabulag ako," nahihiyang ani niya pero natatawa at napakabot sa batok. "Wala na yun Boknoy, past is past kalimutan na natin yun." "Hindi ko akalain Chuchay na anak ka pala nang isang mayaman at negosyante. Nalaman ko din pala Chuchay na naghahanap ka ng bodyguard mo, puwede ba ako Chuchay?" "Sigurado ka gusto mo maging bodyguard ko?" "Oo naman Chuchay at gagawin ko ang lahat bilang bodyguard mo ma-protektahan ka lang." "Ok sige tanggap ka na maging bodyguard ko," agad kung sabi kay boknoy. "Meron pa akong kasama Chuchay si philip maging tapat din ito na maging bodyguard mo," sabi ni Boknoy habang tinuturo c philip. Malaking tao ito at mukhang matapang dahil sa itsura nito. Kaya pagbalik namin ni Daddy sa hacienda ay kasama na namin si Boknoy at Philip bilang bodyguard ko. Binigyan din ako ni Daddy nang dalawang tauhan niya na matagal na nagtatrabaho sa kanya. Ilang araw ang lumipas ng maisipan kung puntahan sila Ondo at Cynthia. Pagbaba ko ng sasakyan ay nagulat pa ang mga ibang mga tindero at tindera na lumabas ako sa mamahaling sasakyan at sinundan nang mga bodyguard may bitbit din akong mga pagkain na ibibigay ko sa mga tindera tindero doon. "Chuchay! bumalik ka!" rinig kong sabi ng isang tindera. "Hello Chuchay," sabi pa ng isa ang iba naman ay nginitian lang ako. Dumiretso naman ang lakad ko papunta sa puwesto nila Ondo at Cynthia. "Ondo, bago ka pumunta dito kinuha mo ba ung mga sampayan natin baka umulan," rinig kong sabi ni cynthia. "Sampayan niyo?! agad kong tanong na nakangiti. "Chuchay!" sigaw ni Cynthia at agad akong niyakap. "Ondo, Cynthia, anong meron sa inyo?" tanong ko sa kanila. "Chuchay sorry ha hindi ako naging loyal sayo, pero pramis ikaw ang first love ko si Cynthia lang ang true love ko," birong sabi ni Ondo na nagpatawa sakin. "Ako din Chuchay, sorry hindi din ako naging loyal sayo, pero ikaw din ang first love ko si Ondo naman ang true love ko," ngiti namang sabi ni Cynthia. "Naku.. tama na nga yung biro niyo," nakangiwi kong ani sa mga ito. Hinawakan ni Cynthia ang kamay ko at bumulong sa akin. "Chuchay, nagsasama na kami ni Ondo." "Hoy Ondo, bakit hindi mo pinakasalan si Cynthia?" "Nag-iipon pako pangkasal namin Chuchay." "Teka nga pala Chuchay, nung isang linggo yata may nagtatanung sayo na matanda tatay mo daw, anak mayaman ka pala chuchay." "Alam ko na,;nakausap ko na si Daddy." "Daddy?! Sabay naman ang dalawa na nagulat. "Oo si Federico Fernandez ang totoo kong ama." "Kilala ko yan Chuchay, yung gobernador dati at isang napakayaman na negosyante," saad ni Ondo. "Ang yaman mo pala Chuchay." "Ondo, gusto mo bang magtrabaho sakin?" agad kung tanong kay ondo. "Ano namang trabaho Chuchay?" "Ang maging bodyguard ko, malaki ang isasahod ko sayo Ondo para makaipon muna kayo ni Cynthia nang pang negosyo at pag pagawa ng bahay. Sa kasal niyo ako na bahala sa gastos," ngiti kong sabi sa kanila. "Chuchay! Bkit si Ondo lang tinanung mo, puwede rin naman ako maging alalay o secretary mo na lang pala para sosyal," birong Sabi ni Cynthia. "Ok Ondo, Cynthia, hired na kayo,"ngiti kong sabi. Bago umuwi ay dumaan muna ko sa mga nagbebenta ng mga aso, may napili agad ako na aso. Dalawang aso ang binili ko na malalaki. Nagulat naman si Daddy na makita ang mga tauhan ko na may hinahawakang aso. "Janelle ano gagawin mo sa aso?" Pang proteksyon Dad, para sa mga taong masasama at magnanakaw." Inihanda ko lang ang sarili ko para sa nalalapit naming pagtutuos ng mga taong kinamumuhian ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD