Episode 19

1374 Words
Third Person's Pov, Sumapit na ang araw nang anibersaryo ng JF company. Maaga pa lang nagpaikot-ikot na ng venue si Madam mariel at panay utos sa mga nagtatrabaho para sa party. "Hoy! bilisan niyo ang mga kilos, malapit na magsimula ang party wag kayong ta-tamad tamad!" sigaw nito. Ilang Oras ang lumipas ay nagsidatingan na nga ang mga bisita. Dumating si Christian kasama ang kanyang Mommy calixta. Dumating din si Ali na kasama ang kanyang Daddy Armando. Bago magsimula ang emcee ay pinuntahan muna ni Don Federico sila Armando at Ali ng makita niya ang pagdating nito. "Armando! long time no see," bungad na bati ni Don Federico. "Akala ko hindi kana uuwi ng pinas." "Haha.. Federico, Nagbakasyon lang ako sa ibang bansa pero uuwi talaga ako ng pinas, may plano pa kong hindi natupad ," ngiti nitong sabi. "Ano naman kayang plano iyun Armando?" tanung ni Don federico. "Malalaman mo din yun Federico dahil magiging sikat iyun ang bago kung negosyong gagawin," sabi nito habang tumatawa. Tumango tango na lamang si Don federico at nakangiting nakatingin kay Armando. Nagsalita na ang emcee kaya nagpaalam na rin si Don Federico ay kila Armando at Ali. Let's Welcome our Chairman Mr. Federico Fernandez..! "Chuchay, nagsimula na ang party. Ako ang kinakabahan sa mangyayari mamaya," sabi ni Cynthia habang sinusuklay ang buhok niya. Nasa loob lang sila ng room naghihintay sa pagsasalita ni Don Federico. "Chuchay, napakaganda mo ngayon para kang isang prinsesa," ngiting saad ni Cynthia. "Salamat! maraming salamat sa nagpunta ng Anibersaryo nang aking kompanya na 52 years nang matatag at nakatayo, walang kahit sinong makapagbagsak nito," matapang na sabi ni Don Federico para sa mga taong balak na pabagsakin siya. "Itong annibersaryong ito, ang pinakamasayang araw ko. Dahil ngayong araw ipapakilala ko sa inyong lahat ang aking tagapagmana ang nag iisa kung anak na babae at binibigyan ko din siya ng karapatan sa kompanya dahil siya at wala ng iba ang maging tagapag mana nang kompanya ko at sa lahat ng pag mamay ari ko!" sigaw ni Don Federico. Nang marinig iyun ni Mariel at Syra at tuwang-tuwa ang mga ito. "Mommy, mommy, hindi ba ko nagkamali nang rinig sa sinabi ni Daddy," ngiti nitong sabi. "Ibibigay na niya sakin lahat ng kayamanan niya mommy." "Tumahimik ka nga diyan, makinig ka sa sinasabi ng daddy mo," sabi ni Mariel na nakangiti dahil sobrang saya din niya na marinig ang sinasabi ni Don Federico, hindi nasayang ang pag titiis na ginawa niya. "Lets Welcome my Daughter..! Sigaw ni Don Federico. Tumayo naman agad si Syra sa kinauupuan niya ng marinig iyun pero nagulat at napabagsak siya pabalik ng upuan nang marinig ang huling sinabi ni Don Federico. "My One and only long lost Daughter Janelle Fernandez..!" sigaw nito. Agad naman iniluwal si Chuchay na si Janelle sa malaking kurtina na napakaganda sa suot nitong gown na empire na red silver ang pinaghalong kulay nito. Bumakat ang magandang katawan ni chuchay sa suot niyang gown. Nang makita ito ni Christian ay napatayo ito bigla sa kina-uupuan. "Chuchay! Paanong naging anak siya ni Don Federico," bulong nito sa sarili Habang ang mga mata ay nakatitig lang sa napakagandang si Chuchay. Ganun din si Ali, nagulat din ito sa nakita at narinig. "Paano naging anak si Chuchay ni Don Federico na mortal na kaaway ng Daddy armando niya." "Let's go Son." agad na sabi ni Armando ng makita si Chuchay at nagulat din ito dahil ang akala niya ay si Syra na ang magiging tagapagmama ni Don federico. "Mommy..! mommy! Paano nangyari na si chuchay ang anak ni Daddy?" takang tanong ni Syra habang niyu-yogyog ang kamay ng ina dahil sa tulala ito sa narinig at nalaman. "PaAnong si Chuchay ang anak ni Don Federico, namatay na ang batang un sa sunog. Imposibleng si chuchay si Janelle," bulong niya sa sarili. "Son, alam mo ba ito?" tanong ni Calixta kay Christian. "Hindi mom, ngayon ko lang din nalaman." "Si Chuchay, ang tagapagmana ni Don Federico son hindi si Syra!" inis na sabi ni Calixta. Lets go son," yaya ni Calixta kay Christian. Pero napahinto pa ang mga ito nang magsalitang muli Si Don Federico. "Marahil nagtataka ang iba kung bakit itong nasa tabi ko ngayon ang aking anak, marami sa inyo ang nakaka-alam na matagal ng nawawala ang mag-iina ko siguro iniisip niyo na baka impostor ang anak ko. Ngunit sinisigurado ko sa inyo na siya at wala ng iba ang anak kong matagal nang nawawala," saad ni Don Federico at itinuro sabay turo ang isang malaking screen, kung saan pinapakita dito ang picture ni janelle nung baby pa siya at pinakita ang balat na hugis butuin sa kanyang talampakan at picture ni Chuchay na pinakita din ang kayang balat sa talampakan. Dahil nakita iyun ni mariel ay agad siyang tumayo na kunti nalang matutumba na dahil sa narinig at nakita niya. Natapos ang party ang ibang bisita ay nagsi-uwian na. Si Syra at si Mariel ay hinintay si Don Federico. "Daddy! daddy, wag kang maniwala sa babaeng yan! niloloko niya lang kayo," sabi ni Syra habang hinahawakan si don Federico sa braso nito. "Syra, hindi ako nagkakamali si Chuchay ay si Janelle ang totoo kong anak." Nang marinig iyun ni Syra ay nabitawan niya ang kamay ng daddy niya. "Siya nga pala Mariel, Syra, pasensiya na kayo pero ayaw kayong makasama ni Janelle sa mansyon. Ipapadala ko na lang ang gamit niyo sa bagong tirahan niyo." "Federico! hindi mo puwedeng gawin samin ito!" sigaw ni mMriel. Kami ang kasa-kasama mo sa mahabang panahon, tas paaalisin mo lang kami nang ganun ganun lang kadali ng dahil lang sa babaeng yan." "Daddy, makinig ka kay mommy niloloko ka lang ng babaeng yan, malay mo ginaya niya lang ang balat ni Janelle." Nang marinig iyun ni Chuchay ay bahagya siyang napapangiti. Napaka-desperada ng mag inang to,gagawin ang lahat para lang sa kayamanan. Hindi na nakinig si Don Federico sa sinasabi nila patuloy lang itong naglakad para lumabas ng venue. Huminto naman ng lakad si Chuchay at tiningnan ang dalawa. "Hindi naman siguro kayo mga bingi hindi ba, narinig niyo naman ang sinabi ng daddy ko, na ayaw ko kayong makasama at makita sa mansyon, kaya wag na wag niyo nang balaking bumalik pa nang mansyon," taas kilay na sabi ni Chuchay sa kanila at nginitian ang mga ito. "Walang hiya ka Chuchay! kung akala mo panalo ka ngayon puwes nagkakamali ka!" sigaw ni Syra. Nanatili namang nakakuyom ang kamao ni Mariel. "Hindi ako papayag mapunta sayo ang lahat nang ari-arian ni Don Federico." Sa bahay naman ni Calixta pabalik-balik ang lakad nito at hindi mapakali. "Son si chuchay, ang tagapagmana ni Don federico, makipag divorce ka kay Syra at pakasalan mo si Chuchay hindi na ko tu-tutol," sabi nitong nakangiti at hinawakan sa braso ang anak. Agad naman ipiniksi ni Christian ang kamay ng ina sa inis. "Puwede ba mom! tumigil na kayo, gusto niyo na ngayon si Chuchay kasi alam niyo na siya pala ang tagapagmana ni Don Federico. Kayamanan lang ba talaga ang nagpapasaya sa inyo? huli na ang lahat samin ni Chuchay mom at nang dahil yun sa inyo. Kinakahiya ko kayo maging ina," inis na sabi ni Christian at tumalikod na para umalis pero nagulat siya ng bumagsak sa sahig ang kanyang ina. "Mom.. mom!" sigaw niya habang niyu-yogyog ito ngunit di na gumagalaw ang ina kaya agad niya ito itinakbo sa ospital. Palakad-lakad si Christian sa labas ng operating room sa sobrang pag aalala niya sa ina. Nang makita niya na lumabas na si Dok ethan sa operating room ay agad niya itong nilapitan para tanungin kung kamusta na ang kanyang ina. Pero nanghina siya sa narinig. "Im sorry bro, pero hindi na namin naagapan ang iyong ina, inatake ito sa puso. She's dead now." Nang marinig iyun ni Christian ay napaupo siya habang nakayuko at hawak-hawak ang kanyang ulo. "Sana hindi nalang ako nakipag sagutan kay mommy. Sana buhay pa si mommy ngayon. Namatay si mommy na magka galit kami," humagolhol niyang iyak. Nabalitaan naman ni Janelle ang nangyari sa mommy ni Christian, hindi niya alam ang nararamdaman kung masaya ba siya o malungkot. Masaya siya kasi nakarma si Calixta. Malungkot siya kasi alam niyang nasasaktan ngayon si Christian sa nangyari sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD