Episode 20

1571 Words
Chuchay Pov, Nasa balkonahe ako sa labas ng aking kuwarto sa mansyon nang marinig ko ang ingay sa sala. Pagtingin ko sa baba nasa sala sila Mariel at Syra kausap si daddy. "Dad, ako ang anak niyo sa mahabang panahon. Bakit ganon lang kadali sa inyo ang paalisin ako," humagolool na iyak ni Syra. "Federico, kami ang kasama mo sa mahabang panahon na ikaw lang mag isa, kami ang karamay mo. Kaya honey, pag isipan mong mabuti, dapat si Chuchay ang paalisin mo dito sa mansyon," umi-iyak na sabi ni Mariel. "Tama na..! Bakit ko papaalisin ang sarili kong anak sa pamamahay ko?!" sigaw ni Don federico. Oo syra ikaw nga ang naging anak ko sa mahabang panahon pero nagkamali ako sa pagpapalaki sayo, kung naging mabuting tao ka lang sana at naging mabait kay Janelle noon, baka matanggap ka pa niya bilang kapatid kahit di kayo magkadugo." "Bakit dad, ako lang ba ang may kasalanan dito ha?! Yang chuchay din! kung hindi niya nilandi noon si Christian, hindi mawawala ang pagmamahal sakin ni christian kaya kasalanan niya!" "Tama na, umalis na kayo Mariel, kahit ano pang sabihin niyo di na magbabago ang disesyon ko," madiin na sabi ni Don Federico sabay alis sa kanilang harapan. "Ito lang ba, ha? Ito lang ba ang kabayaran mo sa mahabang pag titiis ko sayo!" sigaw ni mariel. Nilingon naman sila ni Don Federico sa kanila ni Mariel. "Sinasabi ko sa inyo umalis na kayo, bago pa kayo makita ng anak kung si Janelle, pagbibigyan ko kayo ng pagkakataong magbago. Kahit nalaman ko kay Romy na isa ka sa dahilan kung bakit diko agad nahanap ang anak kong si Janelle at ang dahilan ng pagsunog sa bahay nila, na ikinamatay ng kinikilala niyang ina. Baka mag bago pa ang isip ko ipakulong pa kita." "Hindi federico.. hindi ako ang may gawa nun, hindi ko nga alam na si Chuchay ang nawawala mong anak," umiiyak na sabi ni Mariel. "Alis!" sigaw ni Don Federico. "Guards palabasin niyo na na sila." Nang marinig iyun ni Chuchay napakuyom niya na lang ang kamao niya. "Ikaw pala ang dahilan kung bakit nawala sa akin si inay,mariel. Kung si daddy bibigyan pa kayo ng pagkakataong magbago puwes ako hindi ipaparanas ko sayo ang ginawa mo kay inay," bulong ni chuchay sa sarili habang tinitingnan lang sa sala ang mag inang mariel at syra. "Narinig niyo ang sinabi ni Daddy, hindi ba? umalis na kayo!" sigaw niya habang pababa ng hagdan. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat babae ka," galit na sabi ni mariel at akmang sasabunutan si Chuchay. "Boknoy, philip!" sigaw ni Chuchay. Kaya napahinto si mariel sa pagtawag ni chuchay sa mga body guard niya na agad naman pumasok ng marinig ang tawag niya.. "Palabasin niyo ang mag inang yan, kung ayaw nilang lumabas. Pakawalan niyo ang mga aso at ipalapa ang mga yan!" Mabilis naman kumilos sila Boknoy at Philip, at hinawakan ang mag-iina para palabasin. "Wag na wag niyo kong hahawakan;" sigaw ni mariel. Aalis ako, pero hindi pa tayo tapos chuchay." Nginitian lang ni Chuchay si mariel at tiningnan ng matapang. "Talagang hindi pa tayo tapos, dahil magsisimula pa lang ako," tugon niya at nginitian ang mga ito bago tinalikuran. Isang linggo ang lumipas ng mabalitaan ni Chuchay, na nailibing na si calixta,bkaya pinuntahan niya na si cristine para bisitahin. Sila lang na dalawa ni cynthia ang pumasok sa gate, sinabi niya sa mga tauhan niya na sa labas na lang nila siya hintayin. Nasa gate pa lang si Chuchay ng sinalubong na siya ni Syra. "Bakit ka nandito?!" Inis nitong tanong. "Dadalawin ko ang anak ko," agad kung sagot at taas noong nakipagtitigan kay Syra. "Anak mo? Wala kang anak dito, Anak ko si cristine!" taas kilay na sagot ni Syra. Guard! Paalisin niyo dito ang babaeng yan!" sigaw ni syra. Akmang hahawakan na si Chuchay ng guard ni syra, nang patakbo namang lumapit sila philip, boknoy at ondo dala dala ang mahahaba nilang baril at pinaikutan ang dalawang guard ni syra kaya di ito natuloy ang paghawak sa kanya. Maya-maya ay dumating naman si Christian. "Anong kaguluhan to?" bungad nitong tanong. Ayoko nang gulo sa pamamahay ko!" "Gusto ko lang dalawin si cristine," saad ni Chuchay. "Syra, tumabi ka paraanin mo si chuchay," utos ni Christian kay Syra. Inis naman na tumalikod si Syra at pumasok sa loob ng bahay. Pagpunta niya nang hardin nakita niya si cristine na naglalaro kasama ang yaya niya at si Manang flor. Nang makita siya ni Christine ay agad itong tumakbo sa kanya. "Mimi.. mimi.." Binuhat naman niya si cristine at pinaulanan ng halik, sobrang miss na miss niya na ang baby niya. Sa loob ng bahay nakatanaw lang si Christian sa mag-iina niya. Masaya din siyang nakita ulit si chuchay at makitang masayang magkasama ang mag-iina niya. Galit naman at selos ang naramdaman ni syra ng makita din ang mag iina na sobrang saya at natanaw niya din sa bintana si christian na ngumiti na pinanood ang kanyang mag-iina. Pagkatapos niyang makipaglaro kay cristine ay pinaliguan niya na rin ang anak niya Pinasuot niya ang damit na siya mismo ang nagtahi. Maya-maya ay pumasok ang yaya ni cristine. "Ma'am chuchay, oras na po ng kain ni cristine," mahina nitong sabi. "Oh sige, akin na ako na magpapakain kay cristine," agad namang sabi ni Chuchay. "Ha?! wag na po ma'am chuchay. Baka pagod na ho kayo kakalaro ky cristine ako na po," seryoso nitong sabi. Kaya tumayo siya at tumabi para hayaang makalapit ang yaya ni cristine at masubuan niya ito. Pero napatitig si Chuchay ng mapansin niyang nanginginig ang kamay nito habang hinahalo ang pag kain ni cristine. "Manang flor!" tawag ni Chuchay. Mabilis naman na lumapit si manang flor. "Ano yun?" Mabilis naman hinablot ni Chuchay ang hawak na pagkain ng yaya ni cristine. "Manang, ipakain niyo nga ito sa pusa sa labas," utos niya dito. "Ha! bakit?" pagtataka na tanung ni manang flor. "Basta manang." "Ok, ok sige," agad naman nagpunta si manang flor sa labas kung saan nakita ang pusa. Pinakain ang dalang pagkain sa pusa, nagulat ito nang ilang minuto lang nangisay na ang pusa at natumba. "Chuchay!" sigaw ni manang flor. "halika dito." Mabilis naman tumayo si Chuchay at kinarga si baby cristine at lumapit kay manang flor,nakita niya ngang patay na ang pusa. Binalinganniya nang tingin ang yaya ni cristine, binigay niya muna kay cynthia si cristine at lumapit sa yaya. Pak...! isang malakas na sampal ang binigay niya sa sa yaya. "Sino ka para lasunin ang anak ko!" sigaw niya. Agad naman lumuhod ang yaya. "Sorry, sorry ma'am chuchay, si ma'am syra po. Si ma'am syra po ang nag utos na ilagay po ang lason sa pagkain ni cristine, tinakot niya po ako," paliwanag nito. Lumapit naman agad si Christian. Anong nangyari?" agad nitong tanong nang makita ang yaya na umiiyak. "Sir, yung pagkain ho ni cristine nilagyan ng lason. Inutos daw ni ma'am syra sa yaya ni cristine," agad na sabat ni Manang flor. Nang marinig iyun ni Christian ay agad naman siya tumakbo sa kuwarto ni Syra. "Syra! syra!" sigaw niya. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto at tiningnan si Syra ngunit wala ito. Tiningnan niya din sa banyo wala din ito at napansin niya rin na nawawala ibang gamit ni Syra kaya binuksan niya ang kabinet nito wala rin ang mga damit ni syra naglayas na ito. "Chuchay, Christian. Magagawa niyo pa kayang tumawa o ngumiti pag nakita niyong nangisay at namatay na anak ninyo," bulong ni Syra habang minamaneho ang sasakyan. Bumalik naman si Christian kila chuchay. "Wala na si Syra doon sa kuwarto niya naglayas." Humanda ka sakin Syra napakasama mo talaga, anak kong walang ka muwang-muwang sa nangyari idadamay mo," bulong ni Chuchay sa isipan. "Dadalhin ko na si cristine sa mansyon," saad niya kay christian. "Pero___" Bakit ayaw mo? hindi ka papayag? Putol niya sa sasabihin pa ni Christian. "Hindi sa ganun chuchay, paano kung idemanda kana naman ni Syra na ninakaw mo anak niya alam mong legal pa si syra na ina ni cristine sa birth niya." "Wag kang mag alala, may plano na ko para mabalik sakin ang karapatan ko kay cristine bilang tunay niyang ina. Kung gusto mo makita si cristine dalawin mo na lang siya sa mansyon." "Ok sige, kung yun ang plano mo," agad naman na sabi ni christian. Manong dalhin niyo sa prisento ang yaya ni cristine," utos ni Christian sa kanyang driver. Pagkatapos iligpit ang mga gamit ni Cristine, ay lumakad na sila. Buhat-buhat niya si cristine palabas ng gate sa bahay ni christian ng sumalubong pa sa kanila si christian. "Mag iingat kayo," agad nitong sabi. Tumango naman si Chuchay at Nginitian niya lang ito. "Cristine give me a hug." Agad naman itinaas ni cristine ang kanyang kamay para yakapin ang daddy niya. Nagulat naman si Chuchay nang kasama siyang niyakap ni christian. Nagpupumiglas siya pero mahigpit ang pagkakahawak ni christian sa likod niya at bumulong sa tainga niya. "I miss you so much chuchay." "Mit u too dada.." agad na sabat ni cristine ng marinig ang sinabi nang daddy niya. Ngumiti naman si manang flor sa nakita. At si ate inday na kinikilig ulit habang niyuyugyog ang kamay ni philip ng makita niya ang tapang ng mukha ni philip na tumingin sa kanya agad niya ito binitawan. "Sorry akala ko si manang flor." Na nagpatawa naman sa kanila ni ondo cynthia at boknoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD