"What do you need from me, Major?" direct to the point na bungad ni Ysco sa lider ng kanilang special task force.
"You can sit first, 1LT Javier..."
Umupo naman kaagad si Ysco sa bakanteng upuan sa harap ng mesa ni Major General Hernandez nang may ilapag naman itong isang confidential file na ikinatingin sa kaniya ni Ysco.
"Be the personal bodyguard of Ma. Rosalinda Vunatti, ang nag-iisang anak na babae ni Don Rodrigo Vunatti... I know you also know him." Napatango-tango naman si Ysco habang parang tinatamad na sumandal sa kinauupuan niya. Makikitaan ito ng pagkadisgusto sa ideyang maging bodyguard siya.
"Yeah, of course I know him. Anyway, who wouldn't dare to know a Vunatti, isa sila sa mga influential families, hindi lang dito sa bansa... but Major, I don't want to accept the job. May mas mga mahalagang bagay akong dapat unahin kaya ako pumasok sa Special Forces, at hindi kabilang doon ang magbantay ng isang spoiled brat heiress..." pagtanggi ni Ysco sa inaatas sa kaniyang trabaho dahil hindi siya pumasok sa special task force ng armed forces para lang maging babysitter ng isang makulit na teenager na isang tagapagmana ng malaking kompanya. Ngunit bigla itong nagkainteres nang magsalitang muli si Major General Hernandez.
"That's why, I think that you should really accept this job, 1LT. Ysmael Conrado Javier... because she is the only survivor of the Frozen Flower incident case, 5 years ago. Kung saan isa sa namatay ang kapatid mo..." seryosong bitaw naman ng mga salita ng Major General na ikinaseryoso rin ni Ysco. Isang malaking bagay sa kaniya ang lahat ng tungkol sa kasong iyon na hindi man lang nagalugod ng mga kinauukulan para mabigyan ng hustisya ang mga namatay.
"Meaning?" maikling tugon ni Ysco, he wants to hear more from the Major General, para mapapayag niya ang kaniyang sarili na tanggapin ang trabaho.
"The one you are looking for all this years. She is the only living puzzle piece you are seeking for to complete the picture of the Frozen Flower incident case. Siya ang sagot, Ysmael, ang tanging nakakaalam ng totoong nangyari sa insidenteng iyon."
"What? So, tama nga ako! May buhay nga... bakit ngayon mo lang ito sinasabi sa akin? Ano pa, ano pa ang tinatago mo sa akin, Major? I've asked you so many times from the very beginning about that incident, pero anong sabi mo sa akin noon, no traces of the culprits and the case was already closed, 5 years ago..." may galit sa himig ng boses na sambit ni Ysco habang malamig at walang emosyong nakatingin kay Major General Hernandez.
Tumayo naman sa pagkakaupo ang Major General at humakbang palapit sa ceiling to floor na glass wall ng kaniyang opisina.
Nakatingin lang ito sa malawak na city view ng syudad, napabuntong-hininga bago nagsalita.
"Well, actually... Ma. Rosalinda Vunatti is my dearest niece. And being a good uncle that only wants a peaceful and quiet life for her, I kept all her files away from that incident. Inalis namin sa mata ng medya at publiko ang pagkakasangkot ng mga Vunatti sa insidente. Ginamit ko ang katayuan ko to protect her, that made her life after that incident back to normal again. Maging maayos at walang maging problema, but not until... last week." Nakikinig lang si Ysco sa pagkukwento nito. Kahit nagngingitngit na ang kalooban niya sa galit sa Major General dahil sa pagtatago nito ng isa sa pinakamahalagang impormasyon na noon niya pa gustong mahanap at malaman.
"Normal life for her but not for me," hindi maiwasang isipin ni Ysco habang inaalala ang pagkamatay ng kaniyang pinakamamahal na kapatid sa mismong mga bisig niya.
"May mga nagmamasid sa pamangkin ko, mga taong alam ko na siya ang target... wala pa akong sapat na ebidensya kung ano ang mga motibo ng mga ito ngunit malaki ang pakiramdam ko, it's about that incident, 5 years ago... siguro, may mga sekreto pang tinatago sa amin si Rosalinda about what really happened to them that whole fuckin' months. At natatakot ako para sa buhay niya, she's a precious gem to our family. That's why I personally recommended you for the job, Ysmael. Just think of it, this is a win-win situation for the both of us. You will protect my niece's life for the purpose of finding the truth behind the death of your sister. Iyon naman ang minimithi mo di ba, kaya pumasok ka sa armed forces, to the special task force... to my team."
Hindi alam ni Ysco kung ano ang tamang gawin, kung tatanggapin niya ba ang trabaho o hindi at maghahanap na lang ng ibang pwedeng maging source to know more about that Frozen Flower incident case.
Ngunit ayan na, nasa harap niya na, sa mga kamay niya na... ang huling alas na baraha para mapanalo ang balasa ng mga buhay nila.
Ysco Javier's life was stuck from five years ago, when he lost the only girl he cherished, loved with all his heart, the only girl he cared for. Ang taong tanging dahilan kung bakit niya gustong maging makapangyarihan in terms of money and name. The only girl he wants to protect kaya niya pinangalagaan ang pangalan ng kanilang pamilya at pinatili ito sa hanay ng mga influential na angkan sa bansa at kahit sa ibang bansa.
Pero nang mamatay ang kaniyang kapatid na babae na hindi man lang nila nalalaman ang may sala, everything stops for Ysmael Conrado Javier. Not until he decided to leave the four sided thing they all called office to enter a wide training ground of the armed forces.
He sacrificed, he trained, and he survived...
And to the brave and faithful, nothing is impossible...
But after achieving those desires of him, may kulang pa rin... dahil kahit anong gawin niyang hanap sa totoong nangyari sa Frozen Flower incident case, hindi niya malaman ang mga sagot sa kaniyang mga tanong. parang may kung sino o anong pumipigil o humaharang sa pagkakalapit niya sa katotohanan ng insidente.
At ngayon nga, after 5 years of seeking and finding the answers... malapit na, abot-kamay niya na... kaya gagawin niya ang lahat makuha lang ito, even it takes him of using someone.
Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo na lumikha ng kaluskos na nagpalingon sa kaniyang Major General.
Dinampot niya ang document files na inilapag kanina ni Major General Hernandez sa kaniyang harapan.
"I'll take this job... but it doesn't mean, hindi ako magtatanim ng galit sa 'yo, Major. Kaya hindi ko rin maipapangakong magiging mabait ako sa spoiled brat mong pamangkin," sambit nito na ikinibit-balikat lang ng isa kaya tinalikuran na siya ni Ysco. Ngunit bago pa man siya makalabas ng opisina ay narinig pa nito ang huling sinabi ng Major General.
"By the way, report all the unusual things around her, kahit ang simpleng bagay na ginawa niyang sa tingin mo ay kahina-hinala... and of course, beware of her, 1LT. Javier... she is no ordinary girl,"
Lumingon at ngumisi lang sa kaniya si Ysco,
"I am also no ordinary man, Major."
******