CHAPTER 2

1430 Words
Napatigil si Ysco sa pagtakbo sa kaniyang treadmill nang makarinig siya ng katok sa kaniyang pintuan, kaagad niya namang sinuot ang kaniyang sando na hinubad niya kanina bago nagsimulang mag-ehersisyo. Pagkabukas niya ng kaniyang pinto ay siyang dungaw naman ng mailman at tunghay sa kaniya ng isang sobre. "1LT. Javier, may sulat po kayo." Tinanggap naman ito ni Ysco at tumango. "Salamat po..." sambit niya at sinarado na ang pintuan. Inaanalisa nito ang gintong sobreng natanggap na may nakatatak na... HMS at pangalan niya. At nang mapagtanto kung ano iyon ay ipinatong niya muna ito sandali sa side table at pumasok sa kitchen area ng kaniyang penthouse. Kumuha ito ng bote ng black daniels sa kaniyang mini bar counter at nagsalin sa baso. Umupo siya sandali roon at matamang nakatanaw lang sa kawalan habang pinapaikot-ikot lang ang hawak-hawak niyang baso. Para siyang nag-iisip ng isang bagay na kating-kati na siyang gawin. At inisang lagok na nga nito ang alak na nasa baso at bumalik na sa sala kung saan niya ipinatong ang sobre kanina. Dinampot niya ito at binitbit papuntang silid niya, binuksan niya naman ang kaniyang drawer kung saan makikita ang halos isang dosenang mga sobreng kagaya ng hawak-hawak niya ngayon... ito ay mga unopened invitations sa kaniya sa loob ng limang taong pagkawala sa kinabibilangan niyang society kung saan ay tanging pili lang ang miyembro. He is about to drop the new invitation he just received sa drawer nang mapaisip siya kung pupunta na ba siya this time o hindi muna dahil hindi pa talaga siya handang makisalamuha sa mga kaibigan na maaaring magtanong sa nangyari limang taon na ang nakakalipas at sa dahilan ng kaniyang pagkawala sa mundong talagang kaniyang kinabibilangan. "Well, I think it's time to have an appearance, bago ako magsimula bilang bodyguard ng isang Vunatti," bulong nito sa kaniyang sarili at imbis ilagay sa loob ng drawer ang invitation ay inlapag niya na lamang ito sa ibabaw ng side table, bago pumasok sa bathroom para maligo. ********** The next day... Huling araw na ngayon ni 1LT Ysmael Conrado Javier bilang lider ng specialized weapons platoons and indirect fire computation centers sa kampo, well, pansamantala lang naman siyang mawawala dahil sa special assignment na inatas sa kaniya ni Major General Hernandez. Kaya maayos niyang pinapaintindi sa pansamantalang tatayo sa kaniyang posisyon ang mga dapat gawin sa grupo habang wala siya. "Ayon lamang ang mga dapat mong tandaan, LT. Fajardo. At kapag kailangan niyo ako, just give me a beep..." sambit nito at tinapik sa balikat si Lt. Fajardo na ikinasaludo naman ng isa kay Lt. Javier. "Sir, yes Sir! Kayo rin po, kapag kailangan niyo kami anytime, tawagan niyo lang po kami, Sir!" tugon naman nito na ikinangiti ni Ysco at nag-salute rin. Naglalakad sa hallway ng kampo si Ysco nang makasalubong niya si Major General Hernandez, ngumiti sa kaniya ang may katandaan ng opisyal. Nag-salute naman sila sa isa't isa, tanda ng pagbati. "Handa ka na bang makilala ang pamangkin ko bukas, 1LT. Javier?" kunwa'y tanong nito sa binata. "Handa na po akong malaman ang katotohanan, Major," tugon naman ng isa na ikinatango-tango lang din ni Major General Hernandez. "Oh siya, basta ang bilin ko sa iyo, all unusual things around my niece, at miski ang mga unusual na galaw nito, at kung saan man siya pumupunta, report it directly to me, dahil ako naman ang magsasabi niyan sa magulang niya..." paalala pa nito na tinanguan lang ni Ysco bilang pagsang-ayon. Napatingin naman si Ysco sa kaniyang wristwatch at kay Major General Hernandez. "Sige po, Major. Mauuna na rin ako sa inyo," sambit lang nito at nilagpasan na ang Major General na lumingon naman sa kaniya at ngumisi. ******************* "Then, we have to choose the King--" "I guess I'm late for the party?" sambit ng isang baritonong boses na nagpaputol sa sinasabi ni Rex Van, at nagpalingon din sa iba pang myembro ng grupo. Ngumisi naman si Ysco dahil sa mga reaksyon ng mga gago niyang kaibigan. At napansin niya namang napatingin ang mga ito sa katawan niya, ay hindi sa suot niya pala. Sino ba naman kasi ang hindi maaagaw ang atensyon kung bakit may isang naka-unipormeng sundalo ang bigla na lang papasok sa loob ng party na purong nakabikini at swimming trunks ang tao. Napakibit-balikat na lamang si Ysco para maging signus na huwag nang pansinin ang ayos niya, dahil wala na kasi itong oras para makapagbihis kanina na pang-civillian. Kasi kung dadaan pa siya sa penthouse niya, male-late na talaga siya sa party. "What the hell, Bud! Akala namin patay ka na!" natatawang wika na lamang ni Rex Van. "Watch your mouth, Montemayor. Siyam ang buhay niyan," sulsol din naman ni Evander sabay ngisi. Napailing na lamang si Ysco sa mga pinagsasabing kabalastugan ng mga kaibigan niyang matagal din niyang hindi nakita ng personal. "Long time no see, Superman. Akala ko, patay ka na," nakakalokong sambit ng isa rin sa mga kaibigan niyang si Andrew. "Nagpapainit lang," natatawang turan naman ni Ysco at sinabayan sa paglalakad si Andrew pabalik sa kaniya-kaniyang pwesto, at ganoon din ang iba. "Aren't you all surprise, Fuckers? Damn! I miss my chair," sambit pa nitong muli sabay parang haring umupo sa kaniyang trono. "Shut your f*****g mouth, Bad boy. Let's start the game," singit naman ni Barry sabay pakita ng hawak-hawak nitong arrow sa mga kasama. Napangisi na lamang si Ysco at napailing, "Here it goes again, Barry and his games," sambit na lamang nito sa kaniyang isipan. At naka-poker face lang na naghihintay ng resulta kung sino ang malalagay sa alanganin ngayon sa kanilang magkakaibigan. Napabaling naman ang pansin niya kay Andrew na hindi makapaniwala na ang pangalan niya ang natapatan ng dart. "What?!" Napangisi na lamang si Ysco nang masamang tumingin sa kanila si Andrew na kunwa'y naiinis sa naging resulta. "Brace yourself, Guerrero, you're the King tonight," hindi na napigilang ibulalas ni Rex Van at ngumisi sa gawi ni Andrew na parang virgin na hindi alam ang nangyayari sa paligid. "Sorry, Bud." Sinundan naman ni Ysco nang tingin ang kaibigan nilang si Evander. May kinuha itong isang tray na may nakapatong na baso na may lamang tubig at isang gamot. "E-capsule? Mga tangina talaga 'tong mga 'to." Hindi mapigilang matawa ni Ysco sa mga nagaganap sa kaniyang paligid lalo na nang makita niya ang reaksyon ng isang Andrew Guerrero na mukhang hindi alam ang posibleng mangyari sa kaniya after taking that capsule. "Now, take this." "What the hell is this?!" may diin pang tanong ni Andrew kay Evander, na kalauna'y napunta ang pansin niya kay Barry, "Seriously?" "E-capsule. For a good sexcapade, Guerrero." Iyon na lamang ang huling narinig ni Ysco bago siya sumenyas sa mga kaibigan na maglilibot muna siya sa paligid. "Hi, you are the famous Ysmael Conrado, right?" Malamig naman itong sumulyap sa nakasalubong niyang dalawang babae na halos lumuwa na ang s**o sa sobrang nipis ng suot na two piece. Hindi na lamang ito pinansin ng binata at nagderetso sa paglalakad. "Ang sungit naman pero ang pogi niya talaga. Tama nga ang sabi-sabi na nag-sundalo pala siya kaya nawala ng limang taon." Narinig niya pang usapan ng mga ito ngunit being the Ysco that everyone knows, minsan lang talaga siya magbigay ng paki at pansin sa ibang tao lalo na sa ibang babae maliban sa kapatid niya. He just f***s and drops. Ganoon lang kasimple ang rule niya sa pakikipag-s*x. No string attached. A total playboy in bed, kaya kahit masungit siya at seryoso, he is still a certified fucker and a womanizer. Marami pa ring nahuhumaling dito. Hindi napansin ni Ysco na nasa bandang likuran na pala siya ng clubhouse, naalarma naman ito nang may kung anong gumagalaw sa may mga halamang naroroon. And because of his protective instinct na isang magnanakaw o outsider ito na gagawa ng gulo sa party na inorganisa ng grupo ay kaagad siyang lumapit doon, to check what is it. Hahawiin niya na sana ang mga mahahabang dahon ng mga halaman para tignan kung ano ang gumagalaw sa bandang doon nang may kung anong bumangga naman sa kaniyang mga tuhod. "Aww..." rinig ni Ysco na bulalas ng isang mahinhing boses. Kaya napayuko ito at nakita niya ang isang tao na naka-itim ang nakaluhod sa kaniyang harapan. Napakunot-noo siya... "Cat woman?" nasambit na lamang ng binata na ikinatingala naman sa kaniya ng isa. "Meow.." biglang tugon naman ng isang babaeng naka-costume ng cat woman sabay akto ng kaniyang kamay na parang pusa. Hindi alam ni Ysco ang magiging reaksyon, kung matatawa ba siya o maiirita sa kagaguhan ng babaeng may asul na mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD