"Who are you?" tanong ni Ysco sa babae kasabay nang paghawak nito sa braso at pwersahang pinatayo. Nakatingin lang ang babae sa mukha ni Ysco na parang nahuhumaling sa taglay na kagwapuhan nito. Napaigtad si Ysco nang bigla na lamang hinawakan ng babae ang kaniyang pisngi.
"I finally found you..." sambit ng unknown woman, para namang nahihipnotismo si Ysco sa pagka-sexy ng himig nito. Hindi niya mapagtanto sa kaniyang sarili kung bakit para siyang naaakit sa titig at boses ng wierdo na babaeng ito.
"What?" hindi mapigilang tanong ni Ysco.
"Nag-iinit ako..." Napakunot-noo si Ysco. "Anong pinagsasabi ng baliw na babaeng ito."
Pwersahan namang iwinaksi ng babae ang pagkakahawak ni Ysco sa kaniyang braso. At dahan-dahan naman nitong ina-unzip ang kaniyang suot-suot na cat woman custome na gawa sa black leather na bakat na bakat ang kaniyang sexy na hubog ng katawan. Nakatingin lang sa kaniya ng seryoso ang lalaki habang ginagawa niya iyon. Para siyang stripper at si Ysco ang kaniyang master.
"H-hey, woman! Anong ginagawa mo!" hindi na napigilang maibulalas ni Ysco nang halfway na ng cleavage nito ang nakikita, ngumisi lang ang babae.
"Nag-iinit na nga ako!"
"What the f**k! Let's go somewhere else, let's not do it here!" Hindi napag-isipan ni Ysco ang mga sinasabi nito kaya napatawa naman ang babae.
"Gago ka ba? Ano akala mo sa akin, pornstar na gustong makipag-s*x sa 'yo?" direktang sambit naman nito sabay hubad na ng kaniyang costume, na kung saan ay may suot-suot naman pala siyang sando at leggings sa loob. Hinubad na rin nito ang suot-suot na maskara na mas ikinagulat ni Ysco nang mapagsino niya ang babae.
It's Ma. Rosalinda Vunatti, the woman he needs to look after.
"What a Vunatti doing in this kind of party?" malamig namang tanong ni Ysco na ngayon ay walang kaemo-emosyong nakatingin ng deretso sa babae.
Ngumisi naman ang isa at binigyan ng head to toe na tingin si Ysco.
"You know me..." taas-kilay na sambit naman nito at mabilis niyang pinunan sa isang hakbang ang espasyo nilang dalawa. Kaya ngayon ay sobrang lapit na ng mga katawan nila na maling galaw lang ng isa ay magdadampi na ang mga labi nila sa isa't isa.
"Who wouldn't know a Vunatti, anyway?" sambit naman ni Ysco na ikinangiti ni Rosalinda at humakbang na siya palayo ng unti sa lalaki.
"Security personnel ka ba rito?" may himig ng pagkainteresado sa isasagot ni Ysco ang boses ni Rosalinda ng itinanong niya iyon.
"Oo, hindi ba halata sa pananamit ko?" sarkastiko at presko namang turan ni Ysco na ikinibit-balikat na lamang ni Rosalinda.
"Hindi, kaya nga tinanong ko, di ba... malay ko ba kung costume lang din yan to attract women who love men in uniforms." Napangisi naman si Ysco sa sagot nito.
"Naa-attract ka naman ba?" biglang balik-tanong naman niya sa babae.
"Hmm... you are so hot, delicious and I badly wanted you, now... to be-" derekta ngunit may pabiting sagot naman ni Rosalinda.
"To be?" Napupuno na ng kuryusidad si Ysco, sa tunay na ugali ng isang Rosalinda Vunatti na hindi niya inaasahang makakaharap niya na kaagad ngayon. Dahil mukhang pati ang tadhana nilang dalawa ay hindi makapaghintay ng bukas upang magkaharap na silang dalawa.
Lumapit muli si Rosalinda at kumapit sa batok ni Ysco, and she whispered to his ear...
"To be my sweet conspiracy..." At dinampian ng halik ni Rosalinda si Ysco sa labi nito bago parang bulang nawala na lamang siya sa harapan niya.
*************
Tunog ng alarm clock ang nagpagising kay Ysco kaya kaagad itong napaupo sa kaniyang higaan at napahilamos sa kaniyang mukha.
Hindi niya na maalala kung paano pa siya nakauwi ng kaniyang penthouse kagabi, dahil nang biglang mawala sa harapan niya ang babaeng nakilala ay siya namang sulpot ng isa sa kaibigan niya at niyaya na siyang mag-happy happy...
Tinignan niya naman ang oras at mabilis na kumilos... dahil maga-alas siete na ng umaga at ngayon ang nakatakdang araw ng pagpasok niya bilang bodyguard ng isang Vunatti heiress.
*************
Pababa na si Rosalinda Vunatti sa grand staircase ng kanilang mansion nang may matanaw siyang bulto ng isang lalaki, nakatalikod ito sa gawi niya habang kaharap at kausap ang Tito Diego nito. Hindi pa nila napapansin ang presensya ng dalaga kaya nagtago muna ito sa isang tabi upang mapagmasdan ang magandang view ng sexy back ng kanilang bisita dahil kahit naka-fitted white shirt lang ito ay bakat na bakat pa rin ang ganda ng hubog ng katawan ng lalaki.
"But he seems familiar to me..." Hindi naman maiwasang masambit sa isipan ni Rosalinda na mukhang pamilyar ang presensyang inilalabas ng kanilang bisita. Kaya humakbang na nga siya papalapit sa sala kung saan naroroon ang dalawa dahil kating-kati na siyang makita ang mukha ng kanilang bisita, at masagot ang kaniyang kuryusidad kung guwapo ba ito o panget.
"Rosalinda, iha." Napadako naman ang pansin ni Rosalinda sa gawi ng kaniyang tiyuhin nang nakangiting tawagin siya nito at pinaypay palapit sa kanila. And being an adorable niece, she genuinely smiled back at him.
"Good morning Tito," pagbati niya nang makalapit na siya sa gawi ng kaniyang tiyuhin at hinalikan niya ito sa pisngi.
Diego Hernandez, a Major General in the armed forces. Ang taong umako ng responsibilidad na pangalagaan ang kaniyang pamangkin na si Rosalinda Vunatti. Isa at natatanging kapatid ito ng ina ni Rosalinda kaya malaki ang tiwala ng ama ng dalaga sa bayaw nito na maaalagaan at mabibigyang proteksyon ang kaniyang nag-iisang babaeng anak habang nasa Pilipinas ito at malayo sa kanila.
Dahan-dahan namang lumingon at tumingin sa taong nakaupo kaharap ng kinauupuan ni Major General Hernandez si Rosalinda, at mapapansin ang gulat na reaksyon nito nang mapagsino ang bisita ng kaniyang tiyuhin.
"It's him!" bulyaw ni Rosalinda sa kaniyang isipan habang matamang nakatingin sa lalaking kaniyang kaharap na ngayon. Tinaasan niya ito ng kilay at nginisihan habang nakakunot-noo at seryosong nakatingin din naman ang isa sa kaniya.
"Siguro ay naalala niya ako from our last night's encounter in the party," sambit naman ni Ysco sa kaniyang isipan.
"Who is he, Tito?" kalmado ngunit sobrang interesadong pagkakatanong naman ni Rosalinda sa kaniyang tiyuhin na kaagad din namang tinugunan ng matanda.
"Oh, iha, meet Ysmael Conrado Javier..." pakilala naman nito kay Ysco na tumayo mula sa pagkakaupo at humakbang palapit kay Rosalinda.
"He's really tall, sexy, and handsome... and I badly wanted him!" bulong naman ng dalaga sa kaniyang isipan habang hindi matanggal-tanggal ang pagkakatitig niya sa binata.
"You hired a bodyguard for me, Tito?" sambit naman niya kaagad bago pa makapagsalitang muli ang kniyang tiyuhin.
"So, you already know?" balik-tanong naman ng kaniyang tiyuhin sa kaniya.
"Nahh... just a wild guess," simpleng sagot din nito. At pinasadahan niya ng tingin si Ysco mula ulo hanggang sa gitnang bahagi ng katawan nito kung saan maaaninag ang pagkakaumbok ng isang bahagi sa kaniyang pribadong parte... sabay balik-tingin din ni Rosalinda sa napakagwapong mukha ni Ysco na parang inukit ng isang mahusay na iskulptor.
"I know, iha, ayaw mong may bodyguard ka... but -" Pinutol naman kaagad niya sa pagsasalita ang kaniyang tiyuhin at umiling na binalingan ito ng tingin.
"No, Tito... gusto ko siya!" medyo malakas na turan niya naman sabay ngiti ng abot-taenga. At mabilis na lumapit sa bagong bodyguard na itinalaga para sa kaniya. Naramdaman naman ni Rosalinda ang saglit na pagkagulat ni Ysco dahil sa ginawang pagpulupot niya ng kaniyang kamay sa leeg nito.
Sobrang lapit na ng mga mukha nilang dalawa at biglang parang may dumaang anghel dahil biglang tumahimik ang buong paligid kaya tumikhim na si Major General Hernandez na nagpabalik-huwesyo kay Ysco upang tanggalin ang pagkakayakap ni Rosalinda sa kaniya at napatikhim din.
"Oh siya... maiwan ko na muna kayo, iha ni Ysmael ha. Ikaw na ang bahala sa kaniyang magsabi ng gusto at ayaw mong gawin niya, pero may isang bagay na hindi mo siya pwedeng utusang gawin at iyon ay ang umalis sa tabi mo, do you understand?" paalala naman ng tiyuhin nito na nginitian lang ni Rosalinda.
"Aye captain!" magiliw na tugon lang nito sabay salute.