BELLA
♪ Ako’y naririto, nagbabanat ng buto ♪
Abalang-abala ako sa pag-asikaso sa garden ni Elvo habang nagpapatugtog ng all time classic: Napakasakit Kuya Eddie ni Roel Cortez. I got it from my father, okay? He loves this song!
I can’t just blast Mary Had A Little Lamb here. Kailangan, ‘yung pasok sa mood kasi totoong naririto ako, nagbabanat ng buto.
Marami-rami akong gagawin ngayon kaya kailangan ko ng music. Lalagyan ko ng mga bato ‘yung paligid ng lupa saka pipinturahan. Gusto ko kasing gawin ‘tong “fairy garden.” Aesthetic, gano’n. Uso ‘to sa Maynila.
“Elvo, ayos lang ba sa ‘yo kung i-la-landscaping ko ‘tong garden?” tanong ko kay Elvo kahapon, nakasandal sa pala na nakatusok sa lupa. “Kung gusto mo lang naman, ha. Magtatanim pa rin ako. Suggestion lang.”
Tumigil si Elvo sa pagpupukpok sa hagdan niya, may nakausli raw kasing pako. “Yes.”
And that was the driest “yes” I have ever heard in my twenty-two years of life. Parang hindi nga niya gusto, sadyang ang hirap basahin ng taong ‘to! Pero bahala siya. Pumayag siya kaya ‘pag pastel blue, pink, and yellow na ang garden niya, wala na siyang magagawa.
♪ Itinigil ang bisyo, alak, sugal, sigarilyo
Upang makaipon, magtitiis na lang ako ♪
Tirik na tirik ang araw na parang pursigidong tustahin ang lahat ng nasa ilalim nito. Nagyuyukuan ang mga damo sa paligid sa tindi ng init!
Totoo nga siguro talaga na hango tayo sa putik at niluto sa pugon para maging tao. Dahil itong init na ‘to? Oven! Air-fryer! Ang lala, kahit ako na sanay na sanay sa tuyot at mainit na panahon ay tumitiklop nang sobra.
“Ang init, Lord!” sigaw ko at marahas na nagpahid ng pawis sa noo. Pinaypayan ko pa ang sarili ko dahil hindi ko talaga kayang indahin ang init!
♪ Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin ♪
Sumilong muna ako sa porch at pinaypayan ang sarili ko. Doon ko napansin ang diyaryo ni Elvo na nakasalampak lang sa isang gilid, akala mo ibabasura na. Marami pang tuyong dahon doon dahil sa malaking punong mangga sa gilid.
I stood up, took the newspaper from the floor, and placed it on his table. Kinatok-katok ko pa ang kawayan. Mahogany? He has got some taste.
Ang oldie pala ng dating ni Elvo. Diyaryo, huh?Ngayon na lang ako nakakita ng binata na humahawak pa ng broadsheet.
Gaano na kaya katanda si Elvo? Forty? Joke! I feel like he’s only older than me by three or four years. Not bad. Charot! May girlfriend, Bella, okay? Stop it. Stop. It.
♪ At ako ay natuwa, sumulat ang aking anak,
Ako ay nabigla at agad ay lumuha ♪
After that, I swept the floor and fixed his welcome mat. Elvo always does this, too. Napapansin ko na pagtapos niyang magbasa, tatayo siya para magwalis bago siya pumasok. I got time right now so he should be thankful that I did this for him.
“Easy.”
♪ Ngunit ang masakit, ako’y nagtataka,
Dalawa naming anak, bakit ngayon ay— ♪
Pinatay ko ang radyo at nagpasiya ako na umuwi muna sa bahay namin para uminom ng tubig dabil nauuhaw na talaga ako at malapit lang naman. Wala naman akong maiinuman doon sa bahay ni Elvo dahil nga nakakandado ang pinto.
“Oh, babalik ka pa sa tawid-ilog?” Mama asked when she saw me striding off our house after I chugged a bottle of water. Nakita kong ginilid niya ang isang envelope sa tabi niya habang naghihimay siya ng malunggay.
I looked at the envelope first then her before I smiled. Baka tungkol lang sa lupa. “Opo, Ma. Hindi pa kasi ako tapos, e, pero mukhang maaga po ako ngayon. Diningding ang ulam, Ma?”
Tumawa si Mama. Alam niya kasing paborito ko iyon. “Oo, ‘nak. Request ng Papa mo.”
“Si Papa po pala?” Nilibot ko ang mga mata ko pero wala siya.
“May inasikaso lang, Bella,” mabilisang sagot ni Mama at nag-iwas ng tingin sa akin. “Uuwi rin ‘yon maya-maya.”
“O…kay,” sagot ko at ngumiti. “Pero mauuna na po ako, Ma. Uwi po ‘kong maaga!”
“Siya, siya, sige. Ingat!”
Dire-diretso ang lakad ko papunta sa bahay ni Elvo at tinawid ko ang kalmadong ilog na mainit-init na rin ang tubig. Nang makalampas ako sa ilog, natanaw ko agad ang traktora ni Elvo. Ang aga naman niya yata ngayon?
Madalas kasi ay alas tres pa si Elvo rito sa bahay niya. Umuuwi siya mula sa mining site para mag-merienda o magkape o magpahinga lang. Oo, nagkakape siya kahit ganito kainit!
“Hi, Elvo,” bati ko nang malapitan ko siya. Nakasuot siya uli ng puting t-shirt na medyo maputik na. Kapares nito ang isang camo cargo pants at ang work boots niya.
Elvo smiled timidly. “Hi. Kararating mo lang?”
What the hell is up with that voice?! Ang guwapo! Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil doon at bumilis ang t***k ng puso ko. How could he make me feel this way by just greeting me?!
I shook my head to distract my thoughts and unconsciously pointed at something far away. “A-Actually, kani-kanina pa ako. Umuwi lang ako para uminom…”
Elvo raised an eyebrow and tiled his head slightly, curious with what he just heard from me. “Uminom ka? Sa bahay niyo pa?”
“Oo. Malapit lang naman,” sabi ko.
Hindi sumagot si Elvo. Sa halip, umakyat siya sa porch at nakita ko agad ang titig niya sa diyaryo pati na sa malinis niyang sahig. Shoot, he noticed it immediately!
“A-Ay, inayos ko kanina ‘yan, Elvo. Hindi ako nakapagpaalam kanina kasi napansin ko lang bigla,” nahihiyang paliwanag ko at napakamot sa palad.
Elvo turned to me with a tiny smile on his face. “No, it’s alright, Bella. Thank you.”
Inayos ko ang mga takas na buhok ko at nilagay sa likod ng tainga ko. “You’re welcome, E-Elvo…”
Binalikan ko ang ginagawa ko kanina at inayos na ang mga nakapalibot na piraso ng bato sa lupa. Hindi ko nga napansin na pumasok na pala sa cabin si Elvo dahil abala ako roon.
After that, I quickly tidied up my working place. Itinabi ko na ang pala, trowel o kutsara kung tawagin, pati iyong piko na ginamit ko ngayon. Nagtangka akong itulak ang kartilya na pinaglagyan ko pero nabigla ako sa sobrang bigat na natapilok ako at nawalan ng balanse.
I was so prepared to kiss the dirt when all of a sudden, a huge tanned arm wrapped around my tiny waist. It was Elvo. Nagkatitigan kami at napakurap-kurap ako dahil magkatapat ang mga mukha naming dalawa.
We are only an inch apart! Ramdam na ramdam ko ang mainit na paghinga niya!
I studied his handsome face and like a black hole, I am being pulled deep into his mystery. His hawk eyes scanned my face like a predator to his prey—very intense, but his had a hint of softness to it.
I watched how his thick eyebrows furrowed out of his concern, bringing his nose to a scrunch with it. He looks like a sculpture, carefully crafted by the gods and goddesses to show what beauty is on earth.
Goodness gracious… he is so perfect.
“Are you okay?”
I snapped back to reality when I heard him speak. I immediately stopped staring at his reddish lips which moved so sexily it tickled my stomach. Umayos ako ng tayo, kumawala sa mga bisig niya, at nagpeke ng ubo. “S-Sorry, Elvo… I tried to push it, mabigat p-pala.”
“Sana nagpatulong ka,” sagot naman niya. He moved the barrow away. His veins appeared on his hairy arms with that effortless push. “There.”
“Thank you,” nangingiting sagot ko. “Pero… I’m done for today, Elvo.”
Elvo pointed at his table in his porch. “Uminom ka muna at kumain. Naglabas ako ng meryenda.”
“Naku, hindi—”
Elvo motioned at his porch and like a spell-bound mortal, I followed his order. “Eat.”
Okay, fine! Kakain naman, Elvo! Easy ka lang!
Nakita ko ang isang lata ng mamahaling biskwit doon at pitsel ng pineapple juice. There were two glasses as well, so maybe I’ll just help myself. Nang magbubuhos na ako ng inumin sa baso ko, naunahan ako ni Elvo.
“A-Ako na, Elvo,” sabi ko, sinubukang agawin ang baso sa kamay niya.
He didn’t mind me and just gave me the glass filled with pineapple juice. Naalala ko tuloy ang biro sa ‘kin ng kaklase ko noong college. Uminom daw ng pineapple juice para maging matamis ang katas ng partner mo kapag nagtatalik kayo.
Ugh, what a random and incredibly useless information that was! Wala naman kasi akong partner…
Hinila ni Elvo ang isang upuan at minuwestra naman sa akin ang isa pa.
Nabalot kami ng katahimikan at mahinhin ko lang na sinimsim ang malamig na juice. I can feel his glances and it’s making me shy. “E-Elvo, hindi na bumibisita si Solomon dito?”
Natigilan siya sa pag-inom. He grunted like the drink soothed his throat or something. “Si Kuya… bakit mo hinahanap si Kuya?”
“Hindi, ah. Hindi naman hinahanap. Curious lang, alam mo na.”
“Dumadaan lang siya rito kapag nagagawi siya sa gubat. Gaya noong nakita mo siya.”
Tumango ako at uminom uli. Nag-iwas nga ako ng tingin sa kaniya dahil ang tindi ng titig niya, e. Parang nanunuyo na natatawa. Ewan!
“Gusto mo ba si Kuya?” diretsahang tanong ni Elvo, hinahabol ako ng tingin.
“Hala, hindi! Ang issue mo,” natararantang sambit ko at napakagat sa ibabang labi. Ang kulit niya, ha! Kapag sinabi ko ba na siya ang type ko, mananahimik na siya sa pang-aasar sa akin kay Solomon? Charot!
Umiling-iling si Elvo at tumungga uli sa inumin niya. “’Wag kay Kuya. He is very messy right now.”
Nagbato ako ng kuryosong tingin sa kaniya. Bakit naman h’wag kay Solomon? Dahil ba sa issue niya na babaero raw siya? At bakit niya ako binibigyan ng warning? Hindi ko nga sabi gusto si Solomon. “Hindi ko talaga siya gusto, Elvo. P-Pero anong meron kay Solomon?”
“He’s got issues,” usal ni Elvo at ngumisi. Nilagyan niya muli ang baso niya ng juice. “Personal.”
I pouted my lips. “W-Well, kung hindi pala kay Solomon, kanino mo ako p’wedeng ireto? Gusto ko ng boyfriend.”
I saw how his eyebrows knitted with what I just said. Napaawang ang bibig niya at tinagilid niya ang ulo niya sa pagtataka.
“Gusto ko rin ng boyfriend, ‘no. Wala pa akong naging boyfriend,” pagpapatuloy ko. “Marami kang kilala, ‘di ba? Hanapan mo namana ako, oh!”
Elvo sipped from his cup, looking away. “Hahanapan kita, Bella. Ano bang tipo mo?”
Ikaw!
“Gusto ko ng guwapo, siyempre, saka maganda ang katawan. Tapos mga, two to three years ang tanda sa ‘kin! At siyempre… magaling,” napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinapanood ang reaksyon niya sa biro ko.
“Magaling?” Nagsalubong ang mga kilay ni Elvo.
“…dumiskarte,” pagpapatuloy ko at humagalpak ng tawa. He rolled his eyes and drank from his juice again. “Pero may kilala ka ba? Reto naman diyan, oh!”
Elvo shook his head. “Wala pa akong maituturo, pero maghahanap ako ng babagay sa ‘yo.”
“Gusto ko nang may makausap, Elvo—“
Elvo grunted in annoyance. “Hahanapan kita ng boyfriend, Bella. H’wag kang mag-alala.”
I giggled and dismissively gestured my hand. “Tse. Binibiro lang naman kita, Elvo.”
Elvo shook his head and bit his lower lip, trying to stop his charming smile from escaping.