05: SUSI

1955 Words
“Hay, salamat! Uwian na!” I stretched my arms up in the air before I started packing my things up. Alas dose pa lang pero nakaubos na ako ng paninda namin. Wala kasi si Mama ngayon dahil gaya ng nakaraan, inaasikaso raw nila ang lupa, kaya ako ang pumalit sa pagtitinda. Habang nagliligpit ako, may tumawag sa pangalan ko. Nag-angat ako ng tingin at napangiti nang makita si Merlie na naglalakad palapit sa akin. Nasa likuran niya si Victor. Parehas silang nakasuot ng uniform, galing sa school. “Merls!” I called and waved my hand at her. Kumaway rin siya sa ‘kin. “Saktong-sakto, tapos ka na!” sagot naman ni Merlie. “Papunta kasi kami ni Victor sa court, manonood kami ng volleyball game. Sama ka? Sama ka na!” I scrunched my nose. “Mukhang hindi puwede, e. Didiretso pa ako sa cabin, may gagawin ako sa garden.” Sumingit sa usapan si Victor, inayos ang strap ng backpack niya. “Cabin? Sa tawid-ilog? ‘Yong bahay ng mga Ceciliano?” “Oo, doon ako nagtatrabaho.” Ngumiti siya at tumango bilang sagot. Nagpatuloy ako sa pagliligpit hanggang sa magtanong uli si Merlie. “Kaya mo bang sumunod?” “Susubukan ko, Merls, kapag maaga akong natapos,” tugon ko. Nailagay ko na ang lahat ng mga gamit ko sa bayong at naalis ko na rin ang apron na gamit ko. “Pero una na ako, Merlie, Victor. Kita na lang tayo ‘pag nakasunod ako.” “Ihatid na kita, Bella.” Nagulat ako nang sabihin iyon ni Victor. He gave me a warm smile and before I could even disagree, Merlie already told him to go with me and just go straight to the court after. “Sige na, pumayag ka na, Bella! Para mas mapabilis ang uwi mo,” pilit ni Merlie. “Sumunod ka sa court, Victor! At ikaw Bella ha, see you!” Kinuha ni Victor ang mga bayong sa kamay ko at nginitian ako. “Lika na?” “Tara…” nahihiyang sabi ko. Magkasama kaming naglakad ni Victor papasok sa gubat. Bitbit niya ang dalawang bayong habang tahimik lang ako dahil nahihiya ako sa kaniya. Pangalawang beses pa lang naming nagkikita tapos nagpabitbit na ako agad ng gamit sa kaniya. Kaya ko naman talaga. Wala nang laman ang mga ‘yon halos at hindi naman sobrang layo ng bahay namin dito. “Nabanggit ni Merlie na galing ka raw sa Maynila,” Victor started. I felt his quick gaze at me. “Kumusta do’n? Hindi pa ako nakapunta sa Maynila, e.” I looked up, trying to imagine a way to tell him what Manila feels like. “Sa Manila? Maingay ro’n. Sobrang init pa at mausok. Tapos magulo, matao, busy… isipin mo na lang ang kabaliktaran ng El Blaza, Victor. Gano’n ang Manila.” Natawa si Victor at saglit na tumigil sa paglalakad. Tumigil din ako at napatingin sa mukha niyang nasisinagan ng araw. “Talaga? Sa mga libro, maganda raw sa Manila.” I laughed, shaking my head. The books still portray Manila that way? Pero akala ko rin maganda ro’n hanggang sa tumigil akong mag-aral sa sentro at lumuwas para magtrabaho. Ilang beses akong muntik na manakawan sa lugar na ‘yon. At kapag gabi? Kailangan yatang black belter ka sa taekwondo para makauwi nang buhay. Sa umaga at tanghali, bugbog naman ang tainga ko sa ingay. Mausok pa at kapag umulan naman, sumisingaw ang amoy ng imburnal sa ilalim ng mga kalsada. “Mahirap sa Manila, Victor,” sabi ko na lang at naglakad kaming dalawa. “Totoong susugal ka kapag lumuwas ka roon para magtrabaho.” Maybe we were all tricked by its rich history and the opportunities the city has to offer because behind the aesthetic things people post about Manila… it’s just another city of people working hard to survive every day. Doon ko nakita kung gaano talaga kahirap ang mabuhay araw-araw. “Hindi mo ba sinubukang mag-aral do’n?” “Sinubukan. Pero hindi pinalad. Baka sa susunod na taon bumalik ako, ‘di ko lang alam.” Saglit kaming natahimik hanggang sa nagbukas siya ng bagong topic. “Kumusta ang trabaho sa mga Ceciliano, Bella?” Ngumiti ako nang tipid at nagbato ng tingin sa kaniya. Sa bawat lakad namin, nagtutunugan ang malulutong na dahon at kahoy sa gubat, sumasabay pa ang huni ng mga ibon sa taas ng mga puno. “Okay naman, mabait si Elvo.” Mga thirty percent na mabait, mostly guwapong masungit. “Talaga?” parang hindi makapaniwala niyang sagot. “Iba kasi ang pagkakakilala namin sa kanila.” “Bakit?” Tumingin ako kay Victor. His soft features were being highlighted by the Sun, especially his curly hair. “Masama ang ugali ng mga Ceciliano,” sabi ni Victor. Naging seryoso ang boses niya. “Lalo na sa mga babae. Mapaglaro sila.” Hindi ako nakasagot agad at tumingin lang nang diretso. Si Solomon siguro, oo. Baka siya ang mapaglaro sa mga babae, pero hindi naman mukhang ganoon si Elvo. “Hindi ko alam iyan, e. At sa nararanasan ko… mabait naman si Elvo.” “Mabait sila hanggang sa nakuha na nila ang gusto nila sa mga babae,” mabilis niyang bira na parang may pinaglalaban. Tumigil kami nang nasa tapat na kami ng bahay at, muli, ngumiti ako nang tipid sa kaniya. Kinuha ko ang mga bayong sa kaniya. “Alam mo, Victor… lahat naman ng lalaki ganoon sa simula.” “Hindi mo pa naman kilala ang lahat ng lalaki.” “At hindi rin naman kilalang lubos ng lahat ang mga Ceciliano,” I retorted, defending Elvo. That man may be snob but he has shown kindness to me. Binigyan niya ako ng trabaho at hahanapan nga raw ako ng boyfriend. “Kaya siguro, huwag tayong mag-generalize. Mahirap na.” Victor forced a smile, I can sense disappointment in that. “Tama ka, Bella. Babala lang.” “Dito na ako, Victor,” I answered, followed by a sigh. “Thank you.” “Walang anuman…” Nang makalayo na siya, pumasok na ako sa loob para isalansan ang mga gamit ko at dumiretso na sa cabin. Nagbihis ako ng puting maong shorts at navy blue tank top para komportable akong kumilos. “Ganda!” puri ko sa sarili ko kanina nang makita ang itsura ko sa salamin. Kitang-kita ang mga hita ko sa shorts at niyayakap ng tank top ang katawan ko, sumisilip pa nga ang cleavage ko roon dahil naiipit ant dibdib ko. Pero ‘di bale na, wala pa naman siguro si Elvo sa cabin. Tumawid ako sa ilog at dito pa lang, natanaw ko na si Elvo sa maliit na hagdan. Wala ang dilaw na traktora niya at ang aga niya yata? “Elvo, magandang tanghali,” bungad ko sa kaniya. Nakasuot ng itim na t-shirt na ginupit ang manggas si Elvo at pinaresan niya ng asul na maong. Mahilig siya sa maong. “Gandang tanghali, Bella,” sagot naman niya. Tiningnan niya ako nang matiim kaya’t nahiya ako sa suot ko. I saw how his eyes fixated on my thick thighs first and went up to my popping chest. He immediately looked away when I noticed him. “Magsisimula na ako,” usal ko. Nakita kong may mga lata ng pintura sa gilid ng kartilya. So, the fairy garden idea was really okay with him. Good! Nagsimula ako sa pagpintura sa mga bato at siya rin naglinis ng porch niya gamit ang hose. He inserted his finger at the hose’s end hole to sprinkle the water better. It was so awkward looking at him do that especially when he started moving his fingers. Bella, behave! “Nag-aaral ka pa ba, Bella?” Nagulat ako sa biglaang tanong niya. Binitawan ko ang hawak na brush. “Uhm… hindi na, e.” “Bakit?” “Financial problem,” sagot ko naman. “Pero gusto ko pa ring mag-aral, kahit magbasa-basa lang muna hanggang makapag-enroll uli. Ang kaso, walang masiyadong libro sa bahay.” Sa halip na sumagot, pinatay ni Elvo ang gripo at niligpit ang hose. He motioned me to follow him which I immediately did. Nagpagpag ako ng mga kamay at sumunod kay Elvo na pumasok sa bahay. “Bakit, Elvo?” tanong ko nang makapasok na sa cabin. Elvo pressed the light switch and the whole room was illuminated. Ngayon lang ako nakapasok sa loob ng cabin. Sa living area kung saan kami nakatayo ngayon, may asul na sofa set at may bilog na coffee table sa gitna kung saan patong-patong ang mga diyaryo. Sa kaliwa noon ay isang buong pader ng mga libro, at sa kanan ay ilang mga gamit tulad ng shoe racks at payong. Sa dulo naman ang maliit na kusina na mukhang kumpleto sa gamit. May refrigerator, microwave oven, at mayro’n pang rice cooker. Sa kaliwa noon ay isang pinto na baka banyo, at sa taas ng kusina ay ang loft bed. Nakakabit sa pader ng banyo ang hagdan paakyat sa loft bed. Ang sarap sa mata ng disenyo ng bahay ni Elvo lalo pa at gawa ito sa kahoy. Hindi nakakaumay tingnan. It feels so cozy inside. “Upo ka, Bella,” usal niya at naglakad papunta sa kusina. Umupo naman ako at nahihiyang naglibot ng mata sa paligid. Bumalik si Elvo dala ang isang pitsel ng tubig at dalawang baso. He sat on the couch across mine and he pointed at the books beside us. “Maraming libro riyan. Baka makahanap ka ng gusto mo, puwede kang magbasa rito.” “T-Talaga? Puwede akong magbasa-basa rito sa loob?” “Oo naman,” Elvo responded. May kinuha siya sa bulsa ng maong pants niya. Isang susi. “Use this.” Nahihiya kong tinanggap ang susi. “Elvo, s-seryoso ka ba?” He filled the glasses with water and took one to drink on. “Oo naman. Bakit hindi?” Bigla kong naalala iyong sinabi ni Merlie na may girlfriend na si Elvo. Naisip ko bigla na baka magalit iyon sa amin ni Elvo dahil may susi na ako sa cabin niya at pinayagan niya pa akong magbasa-basa rito. I mean… “Wala bang magagalit, Elvo?” Tumigil sa pag-inom ng tubig si Elvo. He wiped his mouth with the back of his hand. “Magagalit? Bakit may magagalit?” I shrugged. “B-Baka ano ang isipin ng ibang tao kapag nakita nila ako rito sa loob ng bahay mo at may susi pa ako k-kahit sa labas lang naman ang trabaho ko.” Elvo chuckled sexily, lying his back on the sofa. I looked away. He looks so freaking hot! “Bakit naman magagalit ang mga Ceciliano kung papapasukin ng trabahador ang hardinera sa bahay nila?” “Ha-ha,” sagot ko na lang. Hindi pa rin niya nakalimutan iyong insidente na napagkamalan ko siyang bantay. Sinabi ko na nga na honest mistake iyon, e. Ang kulit. He licked his tongue, an amused look plastered all over his handsome face. “But really, Bella. Just do it your way here. Magbasa ka at dito ka na uminom ng tubig.” I lowered my head and fidgeted with my fingers, getting shy. “At walang magagalit. Kung mayro’n man, hindi naman kita papapasukin. Hindi kita ipapahamak.” I slowly lifted my chin up, trying to stop myself from smiling. He’s got a point. Hindi naman siguro si Elvo ang tipo na ipapahamak nga ako dahil hindi siya nag-iisip nang maayos. Siguro, napag-usapan na nila ito ng girlfriend niya at pumayag na siya. This is why I believe Victor was wrong about the Cecilianos, Elvo particularly. “Thank you, Elvo…” “You’re welcome, Bella.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD