01: HIRED

2084 Words
BELLA “Mare! Halika, usap tayo!” Tanghali na pero sa halip na mag-siesta, nandito ako sa palengke para magtinda. Ito ang ginagawa namin para kumita ng pera. May maliit kaming lupang sakahan, maliit lang talaga, sapat lang para makapagtanim ng ilang gulay at makapagpastol ng ilang alagang hayop—tatlong kambing at isang baka. Hindi kalakihan ang kita kaya kailangan ko talagang magtrabaho at kumita rin ng pera para makatulong kina Mama at Papa. “Nakita mo ba ‘yung guwapong Ceciliano kanina? Dumaan dito sa palengke!” Lumingon ako sa mga babaeng kilig na kilig habang pinag-uusapan ang guwapong nakita nila, si Solomon Ceciliano. Wala naman kasing ibang binatang Ceciliano sa El Blaza bukod doon. Unless, of course, they’re thirsting over the Ceciliano patriarch. Sayang nga at hindi ko siya naabutan, si Solomon. Humagikhik ang isang babae at napahawak sa dibdib niya na para bang aatakihin siya na ewan, namumukhaan ko siya. Siya ang masungit na bantay sa grocery. “Nababasa ako sa kaniya, Nena! Ang tangkad-tangkad niya at ang sarap titigan ng mukha! Ang guwapo niya!” That is a bit too much. A man walking around the market made her or them… wet? I acted like I was shivering. “Sinabi mo pa! Ang sarap niya talaga!” Napangiwi ako lalo. “Ano kayang pakiramdam na makasama ang isang tulad niya sa kama, ‘no? Ang sarap niya sigurong bumayo!” Nagtilian silang dalawa at napatakip ng bibig. “Kung magiging girlfriend niya ako, gabi-gabi siyang maligaya sa ‘kin, Linda!” “Totoo, Nena!” Nag-apir pa ang dalawa. “Ayoko pa ng anak pero kung kay Don Ceciliano? Hahayaan kong iputok niya lagi sa…” Mabilis akong umiling at hinaplos ang braso ko, kinikilabutan sa mga sinasabi nila. Hindi ko na sila pinakinggan pa at binaling na lang ang atensyon sa mga paninda. To be honest, mas guwapo pa ‘yung masungit at machong bantay sa cabin, si Elvo, kaysa kay Solomon. Naalala ko ang ganda ng katawan niya kahapon pati ang nangungusap na mga mata. If I were to thirst over someone in this island, that would be Elvo. Kaso masungit siya. “Ganda, magkano rito sa sitaw?” Nginitian ko ang ginang na may hawak ng tatlong tali ng sitaw na paninda ko. “Sampu po ang isa niyan.” “Bente na lang ‘tong tatlo?” she asked, giving me that convincing smile. Maganda raw ako pero ang laki naman ng discount na hinihingi. Hindi naman maaabonohan ng ganda ko ang malulugi sa amin. “Ay, hindi po, e. Trenta po ang tatlo.” She rolled her eyes, failing to get a discount, and hastily stuffed the string beans in her eco bag. “Oh, ‘yan. Trenta.” Nginitian ko na lang siya at kinuha ang bayad. Nag-inat ako ng katawan saka tinanggal ang suot na apron. Isa-isa ko na ring niligpit ang mga gamit ko, nilagay sa dalawang malaking bayong ang iilang piraso ng gulay na natira, at lumarga na pauwi. Ngayon, naglalakad na ako papunta sa ilog. Gaya nga ng sinabi ko, babalik ako sa bahay ng mga Ceciliano sa gubat. Sigurado naman akong mayro’n silang trabaho na maibibigay sa akin. Kung wala, e ‘di hihintayin ko iyong sa grocery sa bayan. O kaya maghahanap ng ibang mayamang pamilya para pagtanungan. Tinawid ko ang ilog na medyo malalim sa mga oras na ‘to, nabasa pa nga ang dulo ng puting bestidang suot ko. Piniga-piga ko iyon bago dumiretso sa bahay dahil kung may tao rito, nakakahiya namang makita niya na basa ang suot ko. When I got there, I looked around to see a sign of life. And no, I am not peeking through that window again. I learned my lesson and that will happen only once, thank you very much. “Wala na namang tao?” tanong ko sa sarili. Naiinis na ako. Bakit pa sila nagtayo-tayo ng bahay rito kung ‘di naman titirhan? At maglalagay ng bantay, masungit naman. Ang mga mayayaman talaga. Umupo ako sa hagdan ng terrace at sumalumbaba, nakatitig sa mga ibong patuka-tuka sa damuhan. Bahala na kung magmukha akong ewan dito, maghihintay akong may dumating na Ceciliano. Kahit tagawalis ng bahay, tagahugas ng pinggan, tagalaba ng kung ano—papatusin ko. Kailangan ko ng pera. Kailangan kong mag-ipon kung gusto ko na mag-aral pa. Maya-maya pa, narinig ko sa ‘di kalayuan ang maingay na makina ng traktora kaya nabuhayan ako ng loob. Yes! Ceciliano na ‘yan for sure… o baka hindi. When the tractor stopped, a man in black t-shirt and denim jeans popped out of it. He removed the brown cowboy hat he was wearing and turned to me. This is not a Ceciliano but he is hot as hell! “Hi, Elvo,” masigla kong sabi at nginitian siya, kumaway pa. Mukhang masaya lang ako pero nainis ako lalo. Bakit siya na naman ang nandito? Ceciliano ang hinahanap ko. Guwapo siya, pero masungit at lalong hindi siya ang kailangan ko ngayon. Kainis! I can see Elvo’s popping chest muscles through his fitted t-shirt. His strong features filled the air with a thick, intense aura and Elvo’s tall figure towered over me and for a moment, I felt little. Bigla tuloy akong kinabahan doon, lalo pa nang makita ko ang mauugat na braso niya. “Ang aga mong bumalik.” I snickered, pointing at something far away. “Maaga kasi akong natapos magtinda. May Ceciliano b-ba rito sa loob? Magtatanong sana ako kung, alam mo na, may puwedeng trabaho…” Huminga siya nang malalim at tiningnan ako na parang natatawa na namamangha na hindi ko alam. His eyes sparkled and I was in awe of the sight. “Wala.” “Wala si Solomon? N-nakita ko kasi siya rito kahapon, e…” Napakamot ako sa palad ko. He shook his head again, glancing quickly at the cabin. “Wala siya riyan ngayon.” Ouch. Saan ko ba sila mahahanap? Kailangan ko na talaga ng trabaho. Sa bahay kaya nila ako magtanong? “Gano’n ba… sayang naman.” Elvo walked towards the porch and leaned into its wooden handrail. Mukha siyang modelo nang gawin niya iyon. “Pero sabi ng isang Ceciliano sa ‘kin kahapon, may trabaho raw sila para sa ‘yo.” Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa at bumilis ang t***k ng puso ko. “T-Talaga?! Nakausap mo sila?” Tumango siya at ngumisi. He played with the cowboy hat on his hand and threw a playful look at me. “Oo naman. Dito kasi ako nagtatrabaho.” Napatakip ako ng bibig at napatalon nang bahagya. Sinasabi ko na nga ba! Hindi ako puwedeng magkamali. “Sabi ko na nga ba, e. A-Ano raw pala ‘yung trabaho?” Nginuso niya ang maliit na taniman sa kaliwa ng cabin. Patay na ang mga halaman doon at tuyong-tuyo ang lupa, nakakaawang tingnan. “Magtatanim ng halaman. Kaya mo naman siguro..?” Ako pa talaga ang hinamon niya sa pagtatanim! Probinsiyana yata ‘to, ‘no. “Siyempre naman! Kayang-kaya ko. Iyon lang daw ba ang gagawin ko? Wala na silang sinabi pa?” Elvo bobbed his head up and down, pouting his reddish lips. “Iyon lang daw. Bukas ka na magsimula, kaya mo ba?” “Naku, oo naman. Maraming salamat, ah!” Punong-puno ako ng galak. Nagkaroon din ng trabaho, sa wakas! “Salamat, Elvo. Kailangang-kailangan ko talaga ‘to, e. Workmates na tayo!” Elvo stretched his lips for a smile. Not going to lie, the thought that he’s going to be my workmate excited me. “Elvo… t-thank you pala, hindi mo ako sinumbong kahapon.” Bumagsak ang mga balikat ko at ngumuso na lang. “Hindi ko naman sinasadyang makita si S-Solomon.” “Bakit naman kita isusumbong?” Humalakhak siya, napahawak sa ibabang labi. “K-Kasi naninilip ako?” “Bakit ka naman kasi sumisilip,” mabilis na sagot niya at umupo sa mababang hagdan ng terrace. He was still playing with that cowboy hat while looking at me. Mabilis akong umiling. “Hala, hindi pala, ‘no! Napatingin lang n-naman ako kasi hinahanap ko ‘yung may-ari ng bahay sa loob.” Naningkit ang mga mata niya. “Paano mo nalaman na siya ngayon? Si… Solomon?” I bit my lower lip and scratched my palm. “Si Solomon, nakikita ko madalas sa isla noon pa, bata pa ako. Saka, hindi ko sure kung siya, ‘di naman kasi siya humarap.” “Gusto mo ba siya? Ilalakad kita,” biro ni Elvo at nilapag ang cowboy hat sa tabi niya. “Mahilig ‘yon sa magaganda, magugustuhan ka niya.” Salamat at sinabihan niya ako ng maganda pero ang OA niya naman. Gusto agad? Ni wala nga kaming something in common ni Solomon Ceciliano bukod sa parehas kaming tao. “Hindi ko siya gusto, okay? Thank you sa offer, pero hindi ko siya type.” Elvo chortled, his seductive eyebrows arching. “Ngayon lang ako nakarinig ng taga-isla na hindi siya gusto.” “Baka kasi iba’t iba ang tipo ng mga babae sa isla?” sarkastiko kong tanong. “Baka hindi lahat mahilig sa mayamang playboy?” Hindi na siya sumagot at tumingin na lang sa akin na parang namamangha sa sinasabi ko. Gusto ko sana siyang biruin na ang mga tulad niya ang mas type ko, kung hindi siya suplado, pero hindi pa pala kami close. “Papasok na ako,” paalam niya, tinuro ang pinto ng bahay. “May trabaho pa sa loob.” I nodded and pointed at the vegetation behind me too. “Mauuna na rin ako, Elvo. Ayaw kong gabihin.” “Sige..?” Napakurap-kurap ako. “Ha?” “Ang pangalan mo.” I clasped my hands when I realized that and laughed awkwardly. “A-Ah, ikaw talaga, pogi! Bella. Belladonna Tacadena, Elvo.” Elvo nodded, trying to hide a smile escaping from his lips. ‘Wag ka nang mahiya, Elvo! Ngitian mo na ‘ko. “Okay, Bella. Kita tayo bukas.” Pumasok na siya sa loob at alam kong pinindot niya ang switch ng ilaw dahil lumiwanag ang buong bahay. Kagat-labi akong tumitig doon, pinipigil ang ngiti, bago tumalikod at napa-“yes!” na lang. May trabaho na ako! One week in El Blaza and I already found a job. At the Cecilianos at that! I know, I know. Ako lang ‘to! Who you sa akin ‘yung supladang tindera sa grocery na uhaw na uhaw kay Solomon! Boss ko na siya ngayon, hello?! Pag-uwi ko, agad kong sinabi sa mga magulang ko ang balita. Parehas nga silang nagulat dahil kung saan ko raw nakuha ang trabahong ‘yon. Hindi naman daw uso ang ganoong trabaho rito. I am lucky, then, because the Cecilianos are too rich to do something like plowing dirt. “Hardinera? Saan?” tanong sa akin ni Mama habang kumakain kami ng hapunan. Nagsalin siya ng tubig sa baso niya at nagbato sa akin ng tingin. Kumagat ako sa pritong talong na isinawsaw ko sa ginisang alamang. The salty and fishy taste of prawn paste made me smile, it is so good! “Doon po sa bahay ng mga Ceciliano sa tawid-ilog? ‘Yung magandang bahay roon.” Nagtaas ng kilay si Papa at tumigil sa pagnguya. “’Yong bagong tayo, anak?” “Opo.” “Bihira sila roon, ah. Pahingahan lang kasi ‘yung bahay nilang ‘yon. Sinong nakausap mo?” Papa was very suspicious of my new-found job. Uminom ako ng tubig at saka nagsalita nang malunok na iyon. I took another bite of my delicious meal. “Si Elvo po, ‘yung bantay do’n.” Sabay na nasamid ang mga magulang ko sa sinabi ko. Kaniya-kaniya silang abot sa mga baso nila, umuubo-ubo pa. Taka ko silang tiningnan, umayos ng upo. “Ma, Pa? Bakit? Natinik kayo?” tanong ko. “Talong po ulam natin, ah.” Lumunok si Mama at marahan pang pinalo ang dibdib. She was smiling, maybe even giggling. “Anak, si Elvo kasi…” “Hindi bantay si Elvo roon, Bella,” natatawang sabi ni Papa at napailing nang ibaba ang baso. Umangat ang dalawang kilay ko. Paanong hindi? Siya ang nakausap ko at sabi niya rin na nagtatrabaho siya para sa mga Ceciliano kanina lang. “Po?” “Anak, si Elvo kasi… siya ang may-ari ng bahay na ‘yon. Si Elvo ay si Don Silvestre Ceciliano, ‘yung bunsong Ceciliano.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD