02: BOSS

1805 Words
“Anak, si Elvo kasi… siya ang may-ari ng bahay na ‘yon. Si Elvo ay si Don Silvestre Ceciliano, ‘yung bunsong Ceciliano.” Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Papa kagabi nang mabanggit ko sa kanila ang tungkol sa trabaho ko sa bahay ng mga Ceciliano sa tawid-ilog. Si Elvo. Si Elvo na biniro-biro ko sa cabin, si Elvo na sinabihan kong trabahador ng mga Ceciliano… isa siyang Ceciliano! Hindi ko alam na may kapatid pala si Solomon dahil siya lang ang kilala kong anak ng mayamang pamilyang ‘yon! Para akong sinuntok sa mukha nang marinig ang sinabi nina Papa. Hiyang-hiya ako! Ano na lang mukhang ihaharap ko sa kaniya bukas? Sinabihan ko siya ng trabahador without knowing na siya ang magpapasahod sa akin sa mga susunod na kinsenas at katapusan. “P-Paano po nangyari ‘yon? Wala naman po akong alam na may kapatid si Solomon?” tanong ko kay Papa kagabi at tiningnan ang mga magulang kong natatawa sa akin. I am genuinely confused. “Kasi sa Maynila nakatira si Elvo,” sagot naman ni Papa. “Doon siya naglalagi, umuuwi lang dito kapag bakasyon. Ngayong tapos na siyang mag-aral, tumutulong na siya sa negosyo, sa minahan o sakahan nila.” Ngayon, papunta na ako sa cabin at para akong nag-marathon sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pawis na pawis pa ang mga palad ko kaya maya’t maya rin ang pahid ko sa damit ko. May trabaho pa kaya akong datnan dito? Sana wala siya sa cabin, sana ako lang mag-isa ang mag-ayos sa maliit niyang hardin para hindi nakakahiya ang lahat. Please, please. No Elvo, please. Bakit kasi ang shunga-shunga mo, Bella?! Unfortunately, as always, the universe doesn’t give into my wishes when I need it the most. I am not even that near to the cabin but I can already see his stocky figure sitting at the porch, holding a mug. Siguro, iniisip na ni Elvo na batuhin ako ng tasa ngayon. Iniisip niya siguro na ang kapal-kapal ng mukha ko para magpakita pa sa kaniya matapos ko siyang insultuhin kahapon… pero hindi ko naman kasi sinasadya, e! “Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na, you stupid—” “Shh, shh. Focus, Bella,” bulong ko sa sarili, umiling-iling pa para itaboy ang mga senaryong lumalabas sa isip ko habang papalapit na ako sa bahay. Inayos ko ang damit ko at sinuklay ang tsokolate at mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko. Paulit-ulit akong huminga nang malalim at binulong sa sarili na “kaya mo ‘yan, Bella!” at “act normal, Bella.” “E-Elvo, hi,” I blurted out when I reached the porch, scratching my sweaty palm. Para siyang hari sa trono kahit kahoy na silya lang naman ang inuupuan niya. His thick muscles are trying to free themselves from his white t-shirt and blue denim pants. Habang hawak niya ang tasa sa kaliwa niyang kamay, nakapatong naman ang isa sa kanang hita niya. My eyes landed on his disheveled hair, covering half of his forehead, and his hooded, raincloud-gray eyes laid on me like I am his prey. His perfectly pointy nose and plump, reddish lips make him look like a Greek god, sent from the glorious Olympus to bless us, mortals. Bakit hindi ko napagtanto agad ito noong nakita ko siya? How could I miss these things? His features scream Ceciliano! I was so preoccupied to even notice, goodness! I felt my heart racing faster than usual and my cheeks warming up. The sight of him is too much! Masiyado siyang guwapo para titigan nang walang nararamdamang kakaiba. Napapikit ako nang mariin at pinagalitan ang sarili sa isip ko. He is attractive, Bella, and he does look so hot. Pero huwag ngayon. May kasalanan ka pa sa kaniya, remember? “Hello, Bella,” he answered with a baritone voice. “Maaga ka yata ngayon? Akala ko mamaya-maya ka pa.” Totoong maaga ako dahil nagpapapansin ako. Ininsulto ko kasi siya nang ‘di ko sinasadya kaya kailangang magpakitang-gilas ako. Hindi naman maganda na ako na nga itong judgemental, underperforming pa. “W-Wala kasi akong gagawin sa bahay,” katwiran ko. “Okay.” Elvo stood up and rested his cup somewhere. He went down the porch and started pushing the wheelbarrow hidden behind the stack of logs. I saw how the veins in his arms popped with that effortless push from him. “Iyan daw ang mga gagamitin mo para sa trabaho mo ngayon.” Daw! Daw na parang hindi sa kaniya galing ang utos. Lalo pang sumama ang loob ko at unti-unti akong nilalamon ng konsensiya ko. Mukhang sinakyan niya talaga ang pagkakamali ko… Elvo sighed and got an eyeful of me. “Ikaw na raw ang bahala kung ano ang gagawin mo. Kung ano mang maisip mong itanim, ayos na. Babalik ako mamaya para silipin ang ginagawa mo at ako na ang magsasabi sa kanila.” I feel like he’s laughing devilishly deep inside. Sumasakay kasi siya sa pagkakamali ko kahapon kaya pakiramdam ko, pinagti-trip-an niya na rin ako. Lalo akong nahihiya sa bawat sandali. I lowered my head and started kicking the small rocks within my foot’s reach. Nakokonsensiya na talaga ako. I guess the snob grocery lady was praying for my downfall. “Elvo…” He raised his dark eyebrows, a tiny smirk forming across his attractive lips. Para akong kiniliti sa nakita ko. “Hmm?” “A-Ano kasi.” Pinuno ko ng hangin ang bibig ko at nagbato ng saglit na tingin sa kaniya. “S-Sorry. Hindi ko talaga alam na… n-na Ceciliano ka. Hindi kasi ako familiar, e. I’m sorry, I assumed things about you yesterday.” He bursted into laughter, flexing his perfect set of pearly teeth. Again, I was tickled by the sight. He looks so freaking good, what the hell! I am distracted! Sumandal si Elvo sa traktora at tumingin sa akin. “Ako? Hindi ako Ceciliano, ah. Sino namang may sabi sa ‘yo niyan?” “‘Yung parents ko…” “Hindi ako Ceciliano, baka ibang Elvo.” I scratched my palm, feeling more and more frustrated. He really went with the joke. “Sorry na talaga, Elvo… lalo na k-kung na-offend kita. It was an honest mistake on my end. Hindi kasi talaga kita kilala a-and I was gone here for two years.” Elvo cackled, crossing his muscular arms over his chest. “Not really offended. In fact, I was amazed. May hindi pa pala nakakakilala sa akin sa El Blaza.” I filled my mouth with air again. “Honest mistake talaga, Elvo. Pero kilala naman na kita ngayon, e. ‘Wag mo akong tanggalin, ha? Kailangan ko kasi…” Elvo nodded. “Of course.” “Thank you…” “You’re welcome,” he responded quickly. Napako ang tingin ko sa kaniya. I can feel my stomach getting ticklish at the sight of him. Elvo broke the silence between us. “Anyway, I’ll get going. Babalik na lang ako mamaya, Bella.” “O-Okay…” Sumakay na siya sa traktora niya at ilang saglit pa, umugong na ang malakas na makina nito. He glanced at me and nodded his head before he left. Naiwan ako sa tapat ng bahay habang nakatingin lang sa sasakyan niyang unti-unti nang naglalaho sa malayo. Hindi naman siguro talaga siya nagalit, ‘di ba? Mababait ang mga Ceciliano. Tama. Mabait ‘yan si Elvo, hindi ako tatanggalin niyan. I heaved an exasperated sigh and looked at the barrow of gardening materials in front of me. I guess it’s time for work? I inspected the dry patch of earth at the farthest left of his cabin. Naawa ako sa itsura ng lupa. Kung nakakapagsalita siguro ito, pinagmumura na si Elvo hanggang sa umiyak siya. Mukha nang crinkles ang lupa sa sobrang tigang, grabe! Kailan pa kaya huling pinunlaan at diniligan ito? I tied my hair in a loose ponytail and started watering the land. Gamit ang isang maliit na piko, binungkal ko ang lupa. Binungkal ko nang binungkal ang namumutik na lupa hanggang sa buhaghag na itong tingnan. Pagtapos, inipon ko iyong mga nalaglag na dahon sa tapat ng bahay niya saka hinalo roon. I seriously doubt there are loose minerals or a single atom of nutrient in here that can sustain life. Every living organism from this ran away for dear life. Pagtapos doon, kumuha ako ng mga buto ng talong, sili, at okra sa kartilya na binigay niya. Ito ang ipupunla ko dahil ang sabi niya naman ay kahit ano na lang ang itanim ko basta may buhay na halaman dito. Kaya ang ginawa ko? “Eeny, meeny, miny, mo. Puwet ng kabayo kamukha…” I paused. “Mo!” Kung anong matapatan ng daliri ko sa kartilya, iyon ang itatanim ko at ang lucky winners nga ay ang mga nabanggit ko. Kumuha ako ng malusog na lupa sa kabilang bahagi ng bahay niya at pinunla ang mga buto. Sakto naman dahil nang tapos na ako sa pagpupunla, narinig ko ang maingay na makina ng traktora niya. I watched as he parked his vehicle in front of the cabin and jumped off the seat, revealing his now muddy shirt, jeans, and boots. His eyes immediately went to the now wet land patch. Proud ako sa sarili ko dahil hindi na iyon mukhang crinkle—brownie na ngayon. “You’re done?” Elvo asked, a hint of curiosity in his voice. I was about to answer his question when all of a sudden, he lifted his shirt up, removed it, and hung it on the handrail. Napalunok ako nang makita ang malaki niyang katawan. I saw how his chiseled chest moved with every inhale and exhale, and his defined V-line peeked through his jeans, hanging lowly on his pelvis. Nag-iwas ako ng tingin at agad na pinalig ang ulo ko. Focus naman, Bella. This isn’t the right time to stare at his godly body. “N-Nakapagpunla na ako saka naayos ko na rin ‘yung tataniman ko, Elvo. Baka b-bukas, bumalik ako para silipin ‘yung mga punla…” “Mabuti naman.” I pressed my lips to a thin line, scratching my palm. “Ngayon, okay lang ba na umuwi na ako? Mahirap na kasing maabutan ng dilim sa lakaran…” Elvo licked his lips swiftly and gave me a nod. “Oo naman. Mabuti rin para makauwi ka nang ligtas, maraming ligaw na hayop sa gubat.” I smiled. “Okay… una na ako, Elvo.” Nagsimula na akong maglakad palayo nang tawagin ako ni Elvo. Agad akong lumingon sa kaniya at nakita ko ang maliit na ngiti sa mga labi niya, pati ang katawan niya, siyempre. “Bella.” “Y-Yes, Elvo?” “Good job today. See you tomorrow.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD