Chapter 1
"Lyrhen, anak. Bakit ka nga ba nagresign?" Napatingin ako kay mama, bago pa ako makasagot ay nagsalita ulit siya "ay, oo nga pala. Dahil sa bagong boss mong manyak, aba'y mabuti't nag resign ka nga, kung hindi ay susugurin ko iyon. Oh e napag-isipan mo na ba kung san ka mag aapply ngayon?" Tanong ni mama pagkatapos uminom ng tubig.
Tumango ako. Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago magsalita.
"Yes ma, balak ko pong mag apply sa Malco's Company. Dun sana ako mag aapply last year kaso walang bakante, sikat iyong kompanyang 'yon ma, pogi din po yung anak ng CEO." Ngumiti ako ng nakakaloko "tsaka ma, natatandaan mo yung kinukwento ko sayong heartrob nung college ako? Si Urix? Anak siya ng may ari ng kompanyang pag-aapplyan ko. Malay mo naman dahil don biglang magkaroon ka na ng manugang." Tinaas baba ko pa ang kilay ko, tumawa lang si mama dahil alam niyang ganito lang talaga ako.
"Hay na'ko lyrhen, hindi na ata ako masasanay sa mga gan'yang hirit mo." Umiiling iling at natatawang sabi ni mama.
"Siya nga pala, sabi ng tita mo kung gusto mo daw kumita ng mas malaki ay sumama ka na kanya sa canada, lalo na't pauwi na siya doon nextweek. maganda daw offers dun."
"Ayoko ma, mas gusto ko dito para narin maalagaan kita." Mabilis kong tanggi.
"Hindi mo nanaman ako kailangang alagaan pa, anak. Para din naman pati 'yon sa future mo. Para makapag ipon ka." Pagpapaintindi sakin ni mama, alam ko namang makakaipon ako ng malaki doon sa canada kung sakaling dun ako mag trabaho pero tumatanda narin kase siya. Ayoko siyang iwan besides kaming dalawa nalang ang magkasama sa buhay.
"Ayos na'ko sa kung magkano ang kinikita ko dito ma, sapat na naman yun para sa mga gastusin natin."
I know how badly my mother wants me to save for my future kaya niya gustong sumama ako kay tita, but i want to spend my time with her, i want to spoil her sa mga bagay na hindi manlang niya nabibili sa sarili niya dahil kailangan niyang unahin ang bills and tuitons ko noon.
After eating lunch, naghugas muna ako ng mga pinggan bago tuluyang pumasok sa aking kwarto.
Hindi kami mayaman pero hindi din kami mahirap, may second floor ang bahay namin. I'm so proud of my mother for raising me on her own. Mag isa lang siyang tinaguyod ako, i don't know who my father is. Ang alam ko lang kano ang tatay ko, i'm a half american yes. Kita naman sa features ko. Porselana ang balat ko at kulay brown naman ang mga mata ko, my hair is shiny natural black. 5'6 ang height ko. I'm not thin nor fat, i can say i'm sexy.
I graduated with the degree of Mass communication. I love writing as a hobby, i'm actually still undecided even after finishing and working with this degree but maybe, maybe ito na yung para sakin, hindi ko lang masyadong naeenjoy lalo na sa environment sa dating kompayang pinagtatrabahuhan ko at kung hindi pa man ito 'yong para sakin. Sana matagpuan ko na. At tsaka pinili ko rin ang kursong yun dahil sabi nila wala daw masyadong math pero laking panlulumo ko ng sumalubong sa akin ang lintek na algreba na 'yan buti nalang at matalino ang bebe kong si Urix na sumaktong kaklase ko noon sa math subject. He was my knight in shining armor dahil siya lang naman ang umaakong sumagot sa mga problem solving tuwing nalulutang ako sa mala anghel niyang mukha, kaya lang ng mag third year college na ay hindi na kami naging magkaklase at minamahal ko nalang siya ng malayuan dahil wala akong lakas ng loob para umamin. Not until that time kung kelan ako nagkalakas ng loob na umamin ay saka naman nagkanda letche letche ang lahat dahil sa isang lalaking kinaiinisan ko parin hanggang ngayon.
After that supposed to be confession that turns into disaster, nagpalipat ako ng school kahit isang taon nalang ay makaka graduate na ako pinili ko paring lumipat dahil narin sa kahihiyan.
Nagtataka nga si mama sa biglaang desisyon ko ng paglipat noon, kaya ikinwento ko ang nangyari dahil ganon kami kaclose, pumayag naman agad si mama na lumipat ako. alam kong hindi sobrang big deal ng nangyari pero para sakin sobrang big deal non. My mom is also my best buddy, bukod sa kanya ay ang nagiisang kaibigan ko lamang ang pinag oopen up-an ko, si dale.
And speaking of dale, i get my phone out from my pocket. I dialed her number.
Nakakadalawang ring palang ay sinagot niya na agad ang tawag ko. "Hoy baka nakaklimutan mong linggo ngayon! anong ginagawa natin pag linggo? Diba gagala, mag ready ka na hangal! Bilisan mo ha! Para ka pa namang pagong." Pangunguna niya sa linyang binubungad ko sa kanya every sunday, natawa ako. Alam na alam niya na kapag tumawag ako ng linggo ay gagala kami, halos tuwing linggo kase kami gumagala, kung minsa'y kami naman ni mama o kaya naman ay kaming tatlo.
"Ang very good naman ng dog ko, saulo na linya ko."
"Raulo, ulol." Malutong na mura niya sa kabilang liny at pinatayan ako ng tawag. Walang mapaglayagyan ang tawa ko.
After minutes napagdesisyunan kong maligo dahil gagala nga kami.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para makapag paalam kay mama, naabutan ko siya sa sala, nanonood ng isang teleserye.
"Ma, gagala lang kami ni dale." Paalam ko.
"Sige lang, ingat." Sabi niya habang nakatutok parin sa pinapanood.
"Alis na po ako, bye." Tumango si mama, Hinalikan ko muna siya sa pisnge bago tuluyang lumabas ng bahay.
Nasa may gate palang ako ng tumawag ang bruha kong kaibigan.
"Oh?"
"Ly, San ba tayo pupunta ha? On the way na'ko jan sa inyo. Hintayin mo'ko!"
"Paki bilis." Bagot kong sabi.
"Putanginamokatalagalyrhen!" Walang hingahang sabi niya.
"Oo nalang, bilisan mo. Surpise pupuntahan natin."
"Oh really? I'm so excited." She said in a sarcastic tone, aba't walang tiwala. Parang others.
"Heh." I said and ended the call, oo inend ko agad kahit hindi ako nag bye, we both don't say bye sa tawag, natural na samin yun, pareho rin naman kaming gaga.
Pumasok muna ako sa loob para doon maghintay.
"Oh, bumalik ka?" Takang tanong ni mama habang kumakain ng tacos sa kusina. Umiling ako.
" 'Di ma, susunduin nalang daw ako ni dale." Sabay kuha ng isang tacos sa kinakain niya.
After minutes, narinig ko nalang ang boses ng bruha sa tabi ko.
"Hey bitch." Bulong niya sakin. Nagulat ako, hindi ko napansing bumukas ang gate at ang paglapit niya sa akin.
Nakasuot ng dress si dale as ussual. It's a white sunday dress, off shoulder siya kaya naman bagay na bagay sa kanya. Oh well me? I'm just wearing a black square pants, white crop top and white sneakers.
Bumaling siya kay mama. "Hi tita! Ang ganda mo ngayon ah!" Umismid si mama sa narinig
"Anong ngayon lang? Araw araw kaya." Pabirong wika niya, nagtawanan kaming tatlo hanggang sa magpaalam na para gumalaga.
"Bye ma!"
"Bye tita! Alis na kami ng single mong anak pag balik niya mamaya taken na 'to, hahaha." She joked.
I mouthed "pakyu" to her.
"Oh sige sige, ingat! Enjoy." Sabi ni mama, hinatid pa niya kami hanggang gate.
_____
A/N: next chapter encounter nila!