
SSPG | R+18
Laking probinsiya si Avisha, at dahil sa hirap ng buhay, kinailangan niyang lumuwas sa syudad upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nakitira siya sa tiyahin niya ngunit habang nag-aaral at hindi napigilan ang bugso ng damdamin, nabuntis siya ng kanyang boyfriend at iniwan siya nito ng walang paalam, isang pangyayaring nagdulot ng matinding kalungkutan at pagkawasak ng kanyang puso. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa kanyang pamilya sa probinsiya para doon manganak. Ang tahimik na buhay sa bukid ay nagbigay sa kanya ng kaunting kapanatagan, ngunit hindi maalis sa kanyang isipan ang pangarap na naiwan niya sa syudad.
Paglipas ng dalawang taon, bumalik si Avisha ng syudad upang tapusin ang mga naiwan at maghanap ng trabaho para sa pamilya. Ang tanong, babalik pa kaya ang lalaking ama ng kanyang anak? O bubuksan niya ulit ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig, isang pag-ibig na handang tanggapin siya at ang kanyang anak?

