“Avisha baby, s-sandali lang—aww! I can explain,” daing niya nang pingutin ko ang tenga niya habang naglalakad. Wala siyang choice kundi ang sumunod sa akin sa paglalakad. “D-Darling, please…” Marahas akong umiling at hindi pa rin binibitawan ang tenga niya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? You can text or call me,” gusto kong magalit sa kanya pero sa ginagawa ko ngayon, galit-galitan na lang. Hindi ko magawang itaas ang boses ko dahil pinagtitinginan kami ng mga tao lalo na ‘yong mga nurse sa paligid. Hindi naman siguro ako mababansagan na eskandalosa? Bahala na. Tuturuan ko muna ng leksyon ang boy turon na ‘to nang magtanda. “Paano ko sasabihin sa’yo kung alam kong hindi ka papayag?” may point naman siya pero pointless pa rin sa akin. “Saka galit pa ako sa’yo noon.” “Kaya pinangunah

