Chapter 6 - Can't Help It!

863 Words
Sabay na papasok sa eskwela sina Rosemarie at Anna. Naglalakad sila patungo sa sakayan ng tricycle ng may humintong sasakyan sa harapan nila. "Hi, ladies!"nakitang nilang ang luwang ng ngiti ni RJay sa kanila. "Hello,RJay!"bati ni Anna. "Hop in,isasabay ko na kayo papuntang university,"anito. "Okay lang ba?" kinikilig na tanong ni Anna samantalang matabang na tumango si Rosemarie. Tahimik silang tatlo habang lulan ng sasakyan papuntang eskwelahan. Panay ang hikab ni Rose halatang antok na antok. Parehong nanibago ang dalawa sa inasal ng dalaga. Madalas kasi itong maingay at palakwento ngunit kakaiba ang araw na iyon. "Bessy,okay ka lang ba?"tapik ni Anna sa kaibigan. “Antok na antok ako bessy eh. Pasensya na kayo, di ako nakatulog ng maayos kagabi,'tugon niya. "It's okay. Dont mind us. Gigisingin ka na lang namin kapag malapit na tayo,"nakangiting sagot nga binata na ikinalaki naman ng mata ni Anna. Ilang minuto lang ay marahan na ginising ni RJay ang dalaga matapos makababa si Anna ng sasakyan. May kailangan daw itong i-meet bago pumasok sa loob ng eskwelahan. Dahan-dahan naman nagmulat ng mata ang dalaga. “R-R-RJay?!gulat na sabi niya dahil sa sobrang lapit na mukha nito sa kanya. Sorry kung nagulat kita. Malapit na kasi magstart ang sportsfest kaya kailangan na nating magmadali.napakaamo ng ngiti nito sa kanya. Ah,oo nga pala. Sorry, nakatulog ako. Tiningnan niya ang oras sa kanyang relo.Naku.magsisimula na nga!panic niyang sabi. “Kaya mo bang dito magbihis?nakangiting tanong ng binata.Dont worry Im not gonna look at you." "Actually, yun nga dapat ang sasabihin ko eh. Is it okay?"nahihiyang sabi niya. "Sure.Sa labas na lang muna ako. " Nagmamadali sa pagbibihis at pag-aayos si Rosemarie sa loob ng sasakyan .As a muse kailangan niyang maging napakaganda sa paningin ng lahat dahil nirerepresent niya ang team nila RJay. Kahit na napuyat siya kagabi, di niya nakalimutang basahin ang iniwang instruction ng binata. I want you to be the most attractive muse tomorrow. Make sure to cling on me. Be confident because I know youre too pretty. Kinilig siya ng maalala iyon kaya naman minabuti ang pag-aayos sa sarili. Saktong dumating si Anna at tinulungan siya nito sa pag-aayos. Lumabas na siya ng sasakyan matapos ang ilang minuto at may kakaibang nararamdamang di maipaliwanag ng mapatitig ang dalaga kay RJay. Nakatitig rin pala ito sa kanya, bakas ang pagkagulat at saya sa mukha nito. "Ehem, ehem! Tara na,mahuhuli na tayo eh,"pang-aagaw pansin ni Anna na ngingiti ngiti nauna sa paglakad papasok sa gymnasium. MAKAAGAW tingin ang pagpasok ng dalawang nilalang na to!napapailing na lamang si Anna. Kung baga sa pelikula, much awaited ang peg ng arrival ng muse and escort ng Basketball team ng Business Ad Department. Pang best actress ang bessy ko! dagdag pa ng kaibigan. Di malaman ni Rosemarie kung saan babaling ng tingin dahil halos lahat ng mga tao sa gymnasium ay namamangha at nakasentro ang atensyon sa paglalakad nila ni RJay. Kalmado at consistent lamang ang binate sa pagngiti at panaka-nakang pagkaway sa mga audiences. Parang gusto niya tuloy haplusin ang maamo nitong mukha na sa bawat galaw ay bumabagal sa kanyang paningin. Napapangiti siyang nakatitig dito ng bigla itong lumingon sa kanya. "Rose, okay ka lang? "tanong nito. Namilog ang mata niya at hindi agad nakatugon dahilan upang mawala siya sa balanse ng paglalakad. Parang natupi ang kanang paa niya at tiyak na babagsak siya lalo pa at nasa 4 inches ang suot niyang sandals. Ngunit bago pa man siya bumagsak, may matigas na sumalo sa kanya. Nagmistula silang bagong kasal ng binate ng pangkuin siya nito na naging sanhi ng malakas na ingay na mga manonood doon. "Salamat RJay,"sa wakas niyang tugon. Maingat siya nitong ibinaba at pawing nag-uusap ang mga mata. Marami silang napakilig doon. Buong akala ng teammates ni RJay ay palabas nila ang nangyari ngunit iyon di talaga sinasadya. "If I know sinadya ng malanding babae yan yung nangyari, "si Allysa. "Dapat diyan binibigyan ng leksyon,"si Carmie. "Not this time. At kapag dumating yun, tiyak kong di nya makakalimutan," mataray na sabi ni Allysa at nakangiting nakakaloko ang mga kaibigan nitong kasama. Ganadong ganado maglaro si RJay. Punong puno ng energy ang bawat galaw nito sa court. Palage siyang pinupunasan ng pawis at binibigyan ng inumin ni Rosemarie bilang pagganap sa kanyang tungkulin. Masaya naman ang dalaga sa pagsisilbing ginagawa sa binata. Habang nanonood di niya napansin na meron siyan katabing teammate nito. Si Lucas. "Hi! "bati nito. "Hello,"tugon niya. "Okay ka lang?" "Oo naman, bakit mo naitanong?" "You really played well." Napataas kilay ang dalaga sa tinuran nito. "What do you mean?" "Oh, you know what I mean. But be careful." Nasa tono nito ang pagbabanta. Natapos ang araw na iyon na masaya. Masaya si RJay. Marami siyang nais simulang gawin ngunit dahil sa sporsfest, maaantala iyon at mukhang matatagalan. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala ng makitang nag-uusap si Rose at Lucas. Muntik na siyang mawala sa momentum ng laro. Mabuti na lang at nasilayan niya ang ngiti mula sa hinahanap-hanap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD