"Rosario, mukhang ginagabi ka ng uwi ah,"bungad ng kanyang ina pagpasok niya ng bahay.
"Mano po Ma, meron po kasi kaming tinatapos na mga group presentation at malapit na po kasi ang sportsfest kaya po medyo busy,"nagtungo siya ng kusina.
Ganun ba?Kumusta ka naman anak?nag-aalalang tanong nito.
"Okay lang Ma.Yakang yaka siyempre para sa inyo ng mga kapatid ko,"nakangiti niyang sabi.
"Ang swerte ko naman sa ate ko. Alam kong kayang kaya mo. Mana ka sakin eh,"niyakap siya ng ina.
"Kumaen na ba kayo Ma?"tanong niya.
"Kanina pa. Di ka na namin nahintay."
"Okay lang po. Magpahinga na po kayo at ako na po ang bahala dito,"tumalima naman agad ang kanyang ina.
Naiwan siyang kumakaen mag-isa sa mesa. Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay magana na siyang kumakain ng biglang tumunog ang kanyang telepono.
"Hello!"sa pagitan ng pagnguya.
"Nasa labas ako ng bahay nyo? Open the door,"maawtoridad na sabi ng nasa kabilang linya.
Nagtataka man ay agad na tinungo ang kanilang gate at laking gulat ng makita ang bultong iyon.
"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo? Di na oras ng trabaho ko ah,"sunod-sunod na aniya.
"Can you just let me in first?"iritadong sabi nito.Ngunit bago pa man siya makasagot ay nauna na itong pumasok sa loob ng bahay at komportableng umupo sa kanilang sala.
“So, ano po ang kailangan ninyo kamahalan?"mataray niyang sabi.
"Tomorrow is the start of the Sportsfest. Please wear your muse uniform and make sure to play your role,"turan nito.
Okay, okay po. Meron pa po ba?”
"Yes. I have instructions there.binato sa kanya ang isang paper bag.Read it and dont be late for the big day."
“Masusunod po kamahalan.nakanguso niyang sabi.Pero bakit kailangan mo pang pumunta dito sa bahay eh ang sabi mo tatawagan mo ako?"
"AhJust, wanted to make sure that your fine,"malalaki ang hakbang nito palabas.
“Teka, ano daw?hinabol niya sa palabas ngunit mabilis na nakaalis ang binata.Totoo kaya yung sinabi niya?ngumiti siya ng maluwang.
"Rose, anong ginagawa mo diyan?"sigaw ng kanyang ina.
"Isasara ko lang po ang gate Ma!"patakbo siyang pumasok sa loob.
Pagpasok pa lang ng kanilang malaking gate ay agad natanawan ni RJay ang kaibigan na halatang kanina pa ito naghihintay sa kanya. Sinenyesan si Mang Lito na dalhin sa garahe ang kanyang sasakyan.
"Dude, akala ko pinagtataguan mo ako eh. Kanina pa kita tinatawagan,"nakangiti pa rin nitong
sabi.
"Sorry bro, di ko napansin yung phone ko. Whats up?”
"I found something about your girl," umupo sila sa sofa.
“Oh, I cant wait,"tugon niya.
Theyre actually the same person. At first may doubt ako but when this picture handed me, very accurate that she is the one you have been looking for.tuloy tuloy na sabi ng kaibigan.
Agad na bumangon ang di maipaliwanag na pakiramdam mula sa kanyang dibdib pagkakita ng larawang iyon. Napakasaya niya at dahil doon, nayakap niya ng mahigpit si Bernard.
"Bro, thank you so much. You know how much it means to me."
"Anything for you man. Congrats!kinamayan siya nito.
Bago matulog ay muling sinulyapan ng binata ang mga larawan. Kulang na lang ay kabisaduhin niya ang kabuuan ng mukha ng imaheng iyon. Mula sa maganda nitong buhok patungo sa maganda nitong mukha. Kahit anong gawin niyang pagkukumpara ay di maikakaila ang pagkaktulad. Di man niya agad napansin nung una, ngunit di na siya nagpatumpik-tumpik pa sa pangalawang pagkakataon. Ramdam niyang di siya makakatulog sa gabing iyon dahil sobrang sabik na siya na masilayan ang matagal na niyang hinahanap.
“Nakita rin kita sa wakas. Magkikita na rin tayo.Ikaw na nga.