"Akalain mo yun bessy? Ikaw na mismo ang inalok ng ultimate crush mo?! "masiglang sabi ni Anna.
"Ewan ko nga dun. Baka pagtripan lang ako nun. "
"Pero alam mo bes,sa kabilang banda blessing siya kasi may part time job ka na. At ang maganda pa dun, makakasama mo pa ang crush mo! "
"Oo nga no? Sige siguro i-enjoy ko na lang. Malay mo magkagusto siya sa akin. "aniya na kumikinang pa ang mga mata
"Asus...Kikilig ka lang eh! "
"Ui, Hindi ah! "tanggi niya.
"Hahaha...Bakit namumula ang mukha mo? "
"Ui, Hindi ah.
"Kunwari pa to oh, "tukso sa kanya ng kaibigan.
Abot tenga ang kanyang ngiti ng makitang tumatawag sa kanyang cellphone ang kanyang pinakahihintay.
"Wait lang bessy, need to answer the call. "aniya.
"O sige, sige. Wait na lang kita sa room. "
"Sige. "
Dali-dali niyang pinindot ang call button.
"Hello, Rosemarie! Nasaan ka?! "ani ng supladong tono.
"Hello! Sino to? "pagkukunwaring tanong niya. Pero alam niya kung sino ang NASA kabilang linya dahil wala naman siyang ibang aasahan na tawag.
"Di ba sinabi ko sayo na hintayin ang tawag ko? O may inaasahan ka'ng ibang tatawag sayo"pagalit na wika ng kanyang kausap.
"Ah, RJay ikaw ba to? Naku, pasensya ka na dahil alam mo naman dami Kong pinagkakaabalahan. "maang maangan pa niyang sabi.
"Magkita tayo sa canteen. "anito at narinig niya ang end call.
"Wait, sandali! Tingnan mo nga naman at binabaan ako! Mabuti na lang crush kita. "at tuloy tuloy na pumanhik patungo sa kanilang tagpuan.
Samantala sa canteen...
"Bro, I've heard you already have a muse for the upcoming sportsfest. "si Kurt.
"At sino naman ang pinakamaswerteng girl na yun, RJay? "nakangiting tanong ni Justine.
"If it is not for coach, I don't want to be the one looking for a muse."matabang na sagot nito
"You know man, if I were you just grab the opportunity. Right guys? "sabi ni Marvin.
"Yeah. "wika ng team mates niya.
Napapailing na lang siya sa mga tinuran ng mga ka team mates. Wala sa bokabularyo niya ang tungkol sa babae kahit maraming nirereto ang mga ito sa kanya ni minsan di niya pinaunlakan. Alam niya maraming babae ng nagpapansin sa kanya at pakikisama lang ang kaya niyang ibigay dito. Minsan nga natukso pa siyang bading dahil wala siyang interest sa mga ito. Di niya na lang pinapansin ang mg iyon. Nakatuon ang kanyang pansin sa isang pamilyar na papalapit sa kanya ngunit bigla na lamang naabala ng isang malakas na boses.
"RJay! RJay! "
"Dude, here comes your No.1 die hard fan. "bulong ni Carlo.
"I think I'll gonna have a headache. "tugon niya dito.
Tumayo siya at nagsimulang maglakad patungo sa taong pamilyar ang mukha sa kanya. Ngunit biglang pumulupot ang katawan ni Allysa at na pa oooohhh na lang ang mga ka team mates niya sa gulat na ginawa ng babae.
"What are you doing Allysa? "may banta ang tingin niya dito. Agad naman kumalas sa pagkakayakap ang dalaga.
"Well, I'm just so glad that I see you here. And I know na ako ang napili mo to be your muse. "sabi nito.
"Stop dreaming Allysa."aniya at iniwan lang ito habang humahakbang palayo dito.
Napatigil sa paglakad si Rosemarie ng makita niyang may biglang yumakap Kay RJhay. Parang kinurot ang kanyang puso at iniisip na ito ba ang nais ipakita ng binata kung bakit nais siyang makita. Tumalikod na siya agad at nagsimulang maglakad palayo at ng biglang may humablot ng kanyang braso.
"At saan ka pupunta? "si RJay. Napatitig siya sa binata.
"Ah... Kailangan ko na kasi pumasok sa klase." sagot niya.
"Di ba sabi ko mag-uusap tayo? Tinawagan pa nga kita di ba? "
"Akala ko kasi ....."naputol ang sasabihin niya ng bumulong ito.
"First rule: STAY BY MY SIDE. "
Narinig niyang nagbulungan ang mga estudyanteng naroon at pakiramdam niya ang init ng pakiramdam niya. Di niya akalain na magiging ganoon ang mangyayari. Nakangiti at NASA mukha ang pagtataka sa ang mga kasamahan nito sa basketball samantalang si Allysa at kasamahan nito ay nakataas kilay sa kanya.
"Okay. "tipid na sagot niya.
"Let's just talk after the class. I'll call you. "
"Sige. Mauna na ako. " at tumalikod na siya dito. Nakakaramdam siya ng hiya dahil tinititigan siya ng mga taong naroon na para bang nais siyang husgahan. Nagmadali siyang humakbang upang makaalis agad sa lugar na iyon. At sa dahil sa mabilis na paglalakad, natapakan niya ang ballpen sa daan dahilan upang MA out balance siya.
"Madadapa ako!!! "
"Waaahhhh!!! "
Napapangiti si RJay habang pinagmamasdan ang naiilang na dalaga. Malamang na di ito sanay na NASA kanya ang atensyon ng marami. Nakita niyang bumilis ang mga hakbang ng dalaga habang nakayuko. Sa di kalayuan ay napansin niya ang ballpen na maaaring tapakan into ngunit malayo sa isip niya na MA out balance ito dahil lang doon. Dahil nakamasid siya dito ay agad niyang tinakbo upang daluhan ito.
Napapikit na lamang si Rosemarie habang hinihintay ang kanyang pagbagsak sa sahig. Puno ng pagtataka ang kanyang isip ng di man lang niya maramdaman ang sahig at ng imulat ang mga mata ay nakitang nakatitig sa kanya si RJay na nakayakap tanda na sinalo siya nito mula sa muntik na kahihiyan. Naamoy niya ang pabango into na nakakapanghumaling at magpapabagsak ng maraming babae. Ang mga matipunong bisig na parang bakal sa lakas at ang napakagwapong mukha na nasilayan niya sa buong buhay niya ang nagsasabing "Siya na nga! Siya na nga!! ". Bigla na lang unti-unting bumabagal ang paggalaw sa kanyang paligid at pakiramdam niya sila lang ang Tao doon. Sobra sobra ang ngiti niya dito habang may mga hugis puso siyang nakikita sa mga Mata nito
"Akala ko crush lang kita. Mahal na yata kita eh. "sambit niya.
"Hey! Are you okay?! " Ngunit Hindi yata siya narinig ng dalaga. Tinapik tapik nito ang kanyang pisngi.
"Aray!!! "
"Yan mukhang okay ka na. "
"Ah, ano ba ang nangyari? "tanong niya. Pakiwari niya ay nagakaroon siya pansamantalang amnesia. Mayamaya ay bigla niyang narealize kung ano ang nangyari. Napahiya siyang bumitaw at nagkunwaring walang nangyari.
"Sige, Una na ako. "at nagmadali siyang tumakbo dahil sa hiyang nararamdaman. Subalit Hindi alam ni RJay kung natatawa ba siya habang umiiling pabalik sa kanyang upuan.
"Who was that?! " pagalit na tanong ni Allysa.
"My soon to be Muse. "mahinahon niyang sagot.
"Pare, iyon ba ang napili mo? "si Marvin.
"She's pretty. "komento ni Kurt at tumango din ang mga kasama.
"Yes, she is. "tugon niya. Habang nakataas kilay si Allysa kasama ng mga girlfriends nito
Sa loob ng room ng Business Administration course room:
"San ka ba galing at ang tagal mo? Mabuti na lang nalate ng pasok si Ma'am Morales. Kung nagkataon baka special mention ka na naman. "sermon ng kaibigan sa kanya.
"May pinuntahan lang ako. Mamaya mo na ako sermunan, nakatingin si Ma'am oh. "sagot niya dito at narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone.
"Let's meet at the cafeteria outside the campus after your class. "
"Eh bessy, di ako makakasabay sayo pauwi mamaya. Mag-uusap kami ni Boss. "
"Okay. About naman yan sa part time mo di ba?"
"Oo eh. "
"Basta bessy bawal ang di kiligin. "
"Ikaw talaga. "
"Ui, kinikilig na siya. "
"Hindi ah! "
"Papunta na ako. Kakatapos lang ng class ko. "nagtext si Rosemarie Kay RJay.
"I know. Nandito na ako sa cafeteria. "reply nito
Napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng babae habang siya ay palabas ng campus. Malakas ang kutob niya na dahil ito kay RJay. Kung bakit kasi napakasikat ng lalaking iyon na showbiz na agad kung sino man ang makasama. Siguradong pagpipiyestahan na naman siya ng mga tinging nanghuhusga ng mga ito. Dire-diretso siya sa paglalakad sa paglalakad at di ininda ang matang sinusundan ang kanyang mga hakbang kung saan man siya patungo. Pumasok siya agad sa cafeteria at mabilis na hinanap kung saan naroon ang binata. Nadatnan niyang busy ito sa pagbabasa ng notebook. Mukhang nagrereiew. Bago sa kanyang paningin ang pagsuot nito ng salamin. Lalong dumagdag ito sa kagwapuhan ng binata. Maraming babae sa paligid ang pasulya sulyap at pinag-uusapan nito ngunit di inalintana ang paligid. Waring isang artista na di pwedeng tapunan ng pansin.
"Hi! Pasensya ka na natagalan ako. "panimula niyang sabi.
"Okay lang."narinig niyang tugon nito sabay lingon sa mga tsismosang walang magawa kundi magbulungan. "Sit down and don't mind them. "dagdag pa nito
"Ah. Ano bang pag-uusapan natin? "nag-aalangan niyang tanong sa pagitan ng pag-upo. Nag-angat ito ng tingin sa kanya mula sa pagbabasa.
"Malapit na ang sportsfest di ba part time ang gagawin mong trabaho sa akin? "
"Oo. Kelan ba ako magsisimula? At ano ba talaga ang mga dapat Kong gawin? "
"You gonna start today. Kailangan lage kitang kasama sa practice para malaman nila na ikaw ang muse ko. Di pwedeng di tayo sabay kapag pupunta ng gym. At yung sinabi ko sayo just stay by my side. The 3 rules that you need to obey. "
"Okay. Yun lang pala eh. "
"Sige magkita tayo mamayang 3pm sa gym."
"Sige. Uwi muna ako sa bahay. Babalik na lang ako. "
"And please magsuot ka ng fit sa isang muse. "
"Ah. Pati yun ba? "
"Yes."
"Sige, alis na ako. "Tumayo na siya at tumalikod na sa binata.
"Sandali. "Sabay hawak sa kanyang kamay. "Sabay na tayo. " At inakbayan pa siya palabas ng cafeteria. Naging maugong na naman ang bulong bulungan ng mga estudyanteng nandoon.