"Talaga ginawa niya yun?! " di makapaniwalang tanong ni Ana.
"Di nga ako makapaniwala eh. "sabi niya.
"Baka may gusto rin siya sayo bes!
"Ano ka ba bessy? Impossible yun. Alam mo naman na palageng kapit tuko si Allysa dun. "
"Malay mo naman pinagbibigyan niya lang yun di ba? Para di mapahiya yung Tao. "
"Kahit na Ana. Mahirap mag assume. "
Nag-aayos na siya para pumunta sa basketball practice ni RJay. Kausap niya ang kaibigan sa pagitan ng kurtina kung saan siya nagbibihis. Sinamahan siya ni Ana sa kanilang bahay upang matulungan siyang makahanap ng tamang damit. Nagsuot siya ng maikling short at sinuot ang jersey na pang itaas. Wala naman itong tatak kundi ang logo ng kanilang school.
"Okay na ba 'to Bes? "
"Wow. Bagay na bagay sayo. Alam mo pwede kang maging beauty queen. "
"Hoy Annabelle! Grabe ka sa akin. Nagsuot lang ng short pang beauty queen na agad. "
"Oo nga. Ang ganda mo bessy! Proud ako na bff kita!!! "bigla nitong niyakap ang kaibigan.
"OA naman friendship ah! " sabay pa silang nagtawanan.
Palabas na sila ng bahay ng marinig ang tunog ng kanyang cellphone.
"Hello?"sagot niya.
"Nasaan ka na? Papunta ka na ba? "tanong ng tinig sa kabilang linya.
"Oo.Pasakay na ako ng tricycle." at bigla ng nawala ito sa linya. "Hala, pinatayan ako. "
"Sino bes? Si RJay ba kausap mo? " si Ana.
"Oo eh. Kaya lang biglang binaba yung telepono. "
"Baka kasi susunduin ka? " may halong tudyo sa tono ng kaibigan.
"Ha? At bakit naman ako susunduin? Di niya nga alam ang bahay.... "di na naituloy ang sasabihin ng mapansing may kotse sa likod ng kinatatayuan ng kaibigan. Sabay na sabay at tutok na tutok ang kanyang tingin sa taong bumaba dito. Si RJay.
"Sabi ko sayo bes, susunduin ka ng iyong... " at mabilis niyang tinakpan ang bibig ng kaibigan.
"Buti na lang naabutan kita."sabi ng binata.
"Anong ginagawa mo dito RJay?" may pag-aatubili sa kanyang tanong.
"Obvious naman siguro na I'm here to fetch you. "walang expression sa mukha na sabi nito.
"Eh.. Paano mo nalaman ang bahay kung saan ako nakatira? "
"Importante pa ba yun? "di siya nakasagot sa tinuran nito
"Bessy, sige na sumakay ka na para makaalis na kayo. "Agap na sabi ng kaibigan.
"Di mo ba ako sasamahan? "nakatulis pa ang nguso niya ng sabihin iyon.
"Ano ka ba? Di pwede. Basta be confident ha? Kwento mo sakin bukas. " sabay kindat sa kanya at lumapit na siya papunta sa binata.
Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse bago ito sumakay at nagsimulang magdrive. Nararamdaman ng binata na parang aligaga siya kung kaya't binasag nito ang napakahabang katahimikan.
"Are you okay? " may pag aalala sa boses nito
"Ah. Medyo nilalamig lang. "sagot niya at saka lamang napansin ng binata ang suot nito na maikling short at sleeveless na pang itaas na konteng galaw ng katawan ng dalaga ay makikita ang pusod nito
"Sorry, di ko agad napansin. " mabilis na inalis ang pagkakatingin sa pusod niya at hininaan ang aircon ng kotse.
KATAHIMIKAN...
"Are you comfortable with what you're wearing? "basag ng binata.
"Okay lang. Bagay ba? Kasi ayoko naman na mapahiya ka kapag kasama mo ako. "
"Yeah, it fit on you. "
"Thank you. "
Lihim na napangiti ang binata. Laking gulat nito sa nakitang ganda sa kanyang tabi. Mukhang gaganahan siya sa pagpa practice ng basketball. Napailing na lang siya ng makitang malapit na sila sa gate ng kanilang school campus.
"Huwag ka munang bumaba Rose, wait for me. " anito. Nagtataka man ay sinunod niya Ito.
"In fairness,gentleman siya."
Inalalayan pa siyang bumaba Ng sasakyan nito. Muli,naririnig na naman niya ang mga nakakabinging usap usapan Ng mga estudyanteng nakapalibot doon. Naramdaman Ng binata ang pagkaasiwa Ng dalaga kaya't agad itong binulungan.
"Huwag mo silang pansinin. You're pretty and don't ever forget that." nakangiti Ito sa kanya at mabilis siyang inakbayan na lalong ikinagulat Ng kanilang mga audience.
"Siya ba ang muse Ng team nila RJay?" tanong Ng isang babae.
"Oo,siya nga. Nakita ko sila SA cafeteria kahapon." Sabi pa Ng Isa.
"Kailangan malaman ni Allysa to. Tara na at hanapin natin siya. Ani pa Ng Isa.
PAPASOK pa lang sila ng school gymnasium ng mabungaran nila si Coach John na agad naman silang sinalubong.
RJay! Seems like you already have a Muse for our team.anito.
Of course Coach! Rosemarie, meet coach John. Coach, this is Rosemarie, a Business Ad student also.
So, you are in the same course? How come you only just find her?
“She is in 3rd year.
Nice meeting you Coach John! paglalahad ng palad ng dalaga dito na agad naman inabot ng butihing coach.
Welcome Rosemarie, sana mag-enjoy ka na makasama ang team.
Hudyat na ng simula ng practice.Matapos magwarm-up ang mga players ay binalikan siya ni RJay sa upuan.Kabadong kabado siya sa mga oras na iyon. Ngunit lalo pa niyan ikinagulat ng hawakan siya nito sa kamay.
Remember, dito ka lang. Just wait me here. Nakangiti nitong sabi at tumango naman siya bilang pagtugon.
Hi! Im Lucas. Member din ako ng team. You are? tanong ng isang lalaki na napakagwapo sa kanyang paningin.
Rosemarie, ako ang muse ng team nyo. Nahihiya niyang sagot.
Ive heard that it is your first time?
Yeah. Medyo naiilang ako. Di pa sanay maging isang muse. At tipid siyang ngumiti ngunit natigilan rin agad ng mapagtantong nakatitig sa kanya ang binata. Okay ka lang? tanong nya.
Ah, may naalala lang ako. Sorry. At ngumiti rin ito. Maiwan muna kita, see you around.
Shes interesting.
Sa di kalayuan, isang bulto ang lihim na nakatanaw sa tagpong iyon.
Wow, ang galing naman! Shoot ulit! pumapalakpak pa siya na bagamat di mahilig manood ng larong basketball ay nagkakainteres na siya dito.
Well, well, well. Ikaw ba si Rosemarie? biglang saad ng isang nakapameywang na babae sa kanyang tabi. Bigla-bigla na lang sumusulpot ang mga alagad ni Allysa.
“Do I know you? ganting tanong nya sa mga ito.
Hindi pa. sagot ni Allysa at mabilis na nagbigay daan sa kanya ang mga alipores nito.Ako lang naman ang future girlfriend ni RJay. Kaya you better know your place. Maarte nitong dagdag.
Ah ganun ba? So, whats in it for me? maarte niya ring sagot at sabay ikinawit ang mga kamay sa braso ni RJay na lumapit na pala sa kanila
.
Rose, can you get my towel? anito sabay upo sa tabi ng dalaga.
Oh, sure. Gusto mo punasan na rin kita? malambing niyang sabi at nakangiting tiningnan ang mga papalayong hakbang ng mga alipores ni Allysa at ang matalim na tingin nito.
6pm natapos ang practice. Nagsimula na ring ayusin ni Rosemarie ang kanyang gamit at naalalang nasa kanya ang towel ni RJay. Hinintay niya matapos kausapin ang coach nila.
Eto nga pala yung towel mo. Baka makalimutan mo.
I want you to wash that and always bring during practice. Is it okay?
Okay, sige boss. Maagap niyang sagot.
Bye Rosemarie! si Lucas.
Bye!Ingat kayo sa pag-uwi. Nakangiti niyang sabi.
Get in the car.madilim ang anyo ng binata.
Di makatulog ng maayos si Rosemarie. Naging palaisipan sa kanya ang kakaibang anyo ng binata ng ihatid siya nito pauwi. Di siya kumibo habang nasa biyahe sap ag-aalalang baka lalo itong magalit.
Sa kabilang banda, concentrated ang binata sa pagbabasa ng biglang maalala ang dalaga.Nakita at narinig niya kung paano ni Rosemarie binara ang grupo ni Allysa at hinangaan niya ito ngunit may kakaibang inis siyang maramdaman ng maalala niyang kinausap ni Lucas ito. Bigla niyang itinabi ang librong binabasa at naghanda na sa pagtulog. Naka-ilang ikot na siya sa higaan ng mapagpasyahang magswimming at tuluyan ng nakatulog dahil sa pagod.