Nagtungo agad si Rosemarie sa opisina ng CEO. Ibinilin niya sa kanyang sekretarya na hintayin sila ng kanyang co-employees sa opisina ng kanilang department. Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok sa loob. Tanging ang CEO lamang an nandoon at halatang hinihintay siya nito. “Hello Sir! Nais nyo daw po akong makausap.” pagbati niya sa kanyang boss. Tumungo siya saglit at sa pag-angat niya nakakulong na siya sa mga bisig nito. Mahigpit siya nitong niyakap. “Salamat.”narinig niyang sabi nito. Ilang salglit lang ay marahan siyang binitawan nito. “Para saan po Sir?”di pa rin siya makatingin ng diretso sa lalaki. Iyon ang naging epekto ng mainit at mahigpit nitong yakap sa kanya. “For your presentation kanina. Napahanga mo kaming lahat.” “Ah…Wala pong anuman “yun Sir. Trabaho ko po “yun.”s

