“Sir we always guarded the area.” “Mabuti naman. Kumusta wala ba kayong napapansin diyan na kakaiba?” tanong ni RJay sa kausap habang pinagmamasadan si Rose na himbing na natutulog sa kama. “Madali po namin malalaman kung may ibang personalidad ang makakapasok dito, halos pamilyar na po kami sa lahat ng mga taong pumapasok sa lugar na ito,”t ugon ng kausap niya. “Please make sure to report me from time to time kung ano ang nangyayari.”aniya. “Masusunod Sir.” Nawala na ito sa linya. Nakita niyang gumalaw si Rosemarie. Napangiti siya. Ni hindi ito nagising ng buhatin niya ito mula sa sasakyan patungo sa silid nila. Sinigurado niyang naayos lahat ni Bernard bago sila bumaba ng sasakyan. Ayaw niyang maging tampulan ito ng tukso kung makikita sila sa ganoong ayos. Wala pa rin itong pinagba

