Chapter Four

1893 Words
“YOU scared her,” umiiling na komento ni Frances pagkatapos magkuwento ni Troy ng tungkol kay Faith. “Scared? Ano’ng nakakatakot sa ginawa ko? Nag-propose lang naman ako ng kasal. And I’m not going to control her life,” salubong ang mga kilay na himutok ni Troy habang nagmamaneho. Halos isang oras pa lang na nakauwi si Troy sa bahay nila sa Dasmariñas Village mula sa Palawan nang makatanggap siya ng tawag mula kay Frances. Nagpapahatid ito sa kanya sa airport. Pupunta raw ang kaibigan niya sa Amerika para bisitahin ang boyfriend nito. Hindi siya tumanggi. He also needed someone to talk to. Frances was his childhood best friend and his classmate since kindergarten. Kabilang sila sa isang malaking barkada na binubuo ng mga kapatid at mga pinsan nila. Pareho silang mature mag–isip at may pagkaprangka kaya kasundo nila ang isa’t–isa. Alam ni Frances ang lahat ng sekreto niya at ganoon din ito sa kanya. Habang nasa biyahe ay ikinuwento niya rito ang tungkol kay Faith. Hindi siya makapaniwala na basta na lang siyang iniwan ni Faith sa Palawan pagkatapos niyang sabihin dito ang mga plano niya para sa kanilang dalawa. Nag-iwan ang dalaga ng sulat na ang laman ay tinatapos na ang relasyon nila. Na-realize daw ni Faith na hindi pa ito handang pakikipagrelasyon at lalong-lalo na sa  mga plano niya para sa kanilang dalawa. Buong buhay raw ng dalaga ay halos ang mga magulang na nito ang nasusunod. Ayaw raw nitong madagdagan pa ang mga taong kumokontrol sa buhay nito- katauhan niya. She would be leaving soon, too. Sa Amerika pala nito balak mag-aral ng Medicine at wala itong balak magpapigil sa pag-alis. “Exactly. Twenty-two pa lang siya. Mag-aaral pa siya para maging isang doktor. Higit sa lahat, kakakilala n’yo lang, ‘tapos sasabihan mo siyang magpapakasal na kayo. Kahit naman ako, at this age, at kahit mahal na mahal ko pa si Justin, hindi ko pinapangarap na makasal sa kanya, ‘no,” tukoy ni Frances sa boyfriend nito na matalik din niyang kaibigan. “I did that because I love her. I felt something special about her na hindi ko pa naramdaman sa kahit sinong babaeng nakilala ko kaya gusto ko na siyang pakasalan,” katwiran ni Troy. “Kahit pa kay Erin?” tukoy ni Frances sa babaeng una niyang minahal. “Yes,” walang gatol na sagot niya. “If you feel that way, hindi mo dapat hayaang mawala siya sa buhay mo. Puntahan mo siya, ‘Tapos, kausapin mo siya. Huwag kang pumayag sa gusto niyang mangyari. Puwede n’yong subukan ang long-distance relationship kapag umalis siya pa-Amerika. Mas marami nang long distance relationship ang nagwo-work out ngayon dahil sa technology. Tignan mo kami ni Justin. Going strong pa rin kahit magkalayo kami.” “Of course I’ll do that. Kauuwi ko lang kasi, ‘tapos tinawagan mo pa ako,” paninisi niya. “Kita mo ‘to, sinisi pa ako. Bilisan mo na ang pagda-drive para maihatid mo na ako at mapuntahan mo na siya.” Napapailing na sumunod si Troy.   DALI-DALING lumabas ng bahay si Faith nang marinig mula kay Manang Pacing kung sino ang lalaking naghahanap sa kanya. Nang buksan niya ang inner gate ay bumungad sa kanya ang guwapong mukha ni Troy. “Troy…” halos hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi niya akalain na pupuntahan pa siya ng binata pagkatapos niya itong iwan. “Yes, it’s me. We have to talk,” walang kangiti-ngiting sabi ni Troy habang nakasuksok ang mga kamay sa mga bulsa ng suot na maong pants. “We can’t talk here,” sabi ni Faith. Nagpatiuna siyang naglakad papunta sa sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada na nahulaan niyang kotse ng binata. Sa makalawa pa ang dating ng kanyang mga magulang pero mabuti nang manigurong hindi makikita ni Troy kung sakaling biglang dumating ang mga magulang niya. Pagkasakay sa kotse ay kaagad iyong pinaandar ni Troy. Hindi sila gaanong lumayo. Pinahinto niya ang kotse sa ilalim ng isang puno sa labas ng park sa loob ng village. Mabuti na lang at tinted ang kotse ng binate kaya panatag siyang walang makakakita sa kanila. “Now, sabihin mo sa akin kung bakit hindi mo man lang nagawang sabihin sa akin nang harapan ang naging desisyon mo?” walang kangiti-ngiting sabi ni Troy  pero nanatiling mahinahon. “Troy…” “Hindi ganoon kakitid ang pang-unawa ko, Faith. Puwede nating pag-usapan ang problema. Hindi mo ako dapat tinakasan.” Kahihimigan ng sama ng loob ang boses nito. Na-guilty si Faith. “I’m sorry,” sabi niya at napayuko. “Sa palagay mo ba, basta ko na lang tatanggapin ang desisyon mo?” Hinawakan siya ni Troy sa magkabilang balikat. “I love you and I know you feel the same way, too. Forget about my proposal. If you want to take it slow, we’ll take it slow. I’m willing to wait until you’re ready to marry me. Just please, don’t push me away.” Tumingin siya rito. “I told you, aalis din ako.” “You can go. Mag-aral ka sa ibang bansa. Susuportahan kita sa pangarap mo. We’re going to have long-distance relationship. Hindi natin kailangang maghiwalay. Please naman, huwag mo naman akong basta ibasura na lang,” sabi nito, pati ang mga mata ay nakikiusap. Biglang lumambot ang puso ni Faith. She saw the sincerity in his eyes. Paano pa ba siya makakatanggi? Dahan-dahan siyang tumango. Napangiti naman si Troy at niyakap siya nang mahigpit.       “HINDI ba talaga ako puwedeng pumasok? I want to meet your parents,” sabi ni Troy pagkatapos nitong patayin ang makina ng kotse. Mabilis na umiling si Faith. “Nag-usap na tayo tungkol diyan. Baka paghiwalayin nila tayo kapag nalaman nila ang tungkol sa ‘yo.” Bagaman ang tipo ni Troy na mayaman at nanggaling sa maimpluwensiyang pamilya ang magugustuhan ng mga magulang niya para sa kanya, ayaw niyang sumugal. Baka tumutol pa rin kanyang mga magulang sa pakikipagrelasyon niya. Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang pumayag si Faith na ituloy ang relasyon nila ni Troy. Halos araw–araw silang patagong nagkikita - dahilan para mas makilala pa nila ang isa’t-isa. Madalas ay sa main branch ng El Escobar - isang Italian restaurant na pag-aari nito at ng mga kapatid nito - sila pumupunta dahil nag-aalala siya na baka may magsumbong sa mga magulang niya kung sakaling may makakitang magkasama sila ni Troy. May pagka-clingy pa naman sila sa isa’t-isa. Madaling hulaan na may relasyon sila. Pinakusapan din niya si Troy na huwag mag-post ng mga pictures nila sa mga social media accounts nito. Maliban sa pangungulit ni Troy na makilala ang mga magulang niya, wala silang nagiging problema. They were perfectly matched. “Then be with me kung mangyayayari ‘yon.” “Troy… I thought we were going to make it slow,” paalala ni Faith. “Sorry. Ayoko lang kasi ng secret relationship. Ang hirap! We’re having a serious relationship, kaya hindi dapat tayo nagtatago. Nasa tamang edad ka na rin naman to decide on your own.” “Please, Troy, unawain mo na lang muna ako. Just give me time. Eventually, eh, sasabihin ko rin sa parents ko ang tungkol sa atin.” Bumuntong-hininga ito. “All right.” Hinawakan ni Troy ang kanyang kamay at dinala sa bibig nito. “Pasensiya ka na sa pangungulit ko, ha?” Nginitian niya ito. “But I can’t wait for you to meet my family. Next week ang uwi ng parents ko from Europe. Kasama nila si Kuya Ethan. Ipapakilala na kita sa kanila.” “What?” “Magdi-dinner tayo kasama ng family ko at hindi ka puwedeng tumanggi.” “Pero…” “No buts please...” Napabuntong-hininga si Faith. “All right. Pero puwede bang lunchtime na lang? Baka mahirapan akong umalis kung gabi.” “Okay, sige.” Pagkapos niyon ay bumaba na siya ng kotse at pumasok sa gate ng bahay nila. May emergency operation ang mama niya sa ospital kagabi at alas-onse na ng umaga nakauwi. Tiwala si Faith na matutulog kanyang mama buong maghapon kaya pumayag siyang makipagkita kay Troy nang magyaya itong mag-lunch sila. Alas-dos ng hapon nang umuwi siya kaya nagulat siya ng sa front door pa lang ay sinalubong na siya ng kanyang mama. Pero hindi galit ang anyo nito dahil hindi siya nagpaalam nang umalis siya. Masigla ang kanyang mama at nakangiti pa nang sinalubong siya nito. “I’m so proud of you, Faith! Sa States ka na mag–aaral!” masayang – masayang sabi nito. “What?” bulalas niya. Iniabot sa kanya ng kanyang mama ang hawak nitong papel na kasing laki ng legal size bond paper. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatili siya nang mabasa nakasulat doon. Acceptance letter iyon mula sa isa sa mga in-aplay-an niyang medical school sa Amerika ilang buwan na ang nakalipas. Hindi niya akalain na makakapasa siya sa isa sa mga most prestigious universities sa buong mundo. “I knew it. Alam kong makakapasa ka. Mana ka talaga sa amin ng papa mo,” ngiting-ngiting sabi ng kanyang mama. “Nakapasa ako!” halos hindi pa rin makapaniwalang sambit ni Faith. Nagyakap pa silang mag-ina sa sobrang katuwaan. “Tatawagan ko ang papa mo. Saka kailangang malaman din ito ng mga tita mo,” sabi ng kanyang mama nang magbitiw sila. Nagmamadali na itong pumasok sa loob ng bahay. May ngiti sa mga labing pumasok na rin si Faith sa bahay nila. Dumeretso siya sa kanyang kuwart0. Kaagad niyang tinawagan si Lorraine para ibalita ang good news pero naka-off ang cell phone ng kaibigan. Nagounta na lang siya sa banyo at naglinis ng katawan. Pagkatapos ay lumapit siya sa built-in closet para magbihis. Habang nagbibihis, napansin niyang nag-iiba ang kanyang pakiramdam. Biglang bumigat ang pakiramdam niya at nakaramdam ng pag-aalala. Ang totoo, ang mga magulang lang naman niya ang gustong mag-aral siya sa ibang bansa. Madali siyang napapayag ng mga ito nang pinag-apply in siya sa university hospital kung saan nag-aaral si Lorraine. Na-excite siya nang maisip ang posibilidad na magkakasama sila ng kanyang best friend. Sandali lang siyang naging masaya sa natanggap na balita. Naisip niya ang malaking pagbabago sa kanyang buhay sa pag–alis niya.  Hindi rin siya sigurado kung madali siyang makaka–adopt sa buhay sa ibang bansa. Kahit mahigpit ang mga magulang niya sa kanya at madalas na ang gusto nito ang nasusunod, ayaw niyang mapalayo sa mga magulang. At si Troy… makakaya ba niyang iwan ito? Dahil sa mga naiisip ay nagdalawang-isip na siyang umalis. Pagkatapos magbihis ay lumabas siya ng kuwarto para kausapin ang kanyang mama. Nadatnan niya itong may kausap sa telepono sa sala. Base sa pagsasalita, kausap nito ang isa sa mga kapatid nito. Normal na sa mga ito ang pagyayabangan. Tulad ng dati ay pinagmamalaki siya nito, o mas tamang sabihin na nagyayabang ito. Kilala niya ang kanyang mama pati na ang mga kapatid nito. Normal na sa mga ito ang pagyayabangan kaya nga hindi niya gaanong kasundo ang mga pinsan. Itinanim kasi sa mga isip nila na kakompetensya nila ang isa’t–isa. Hinintay niyang matapos ang ina sa pakikipag-usap bago niya sinabi ang nasa isip. “What? Are you out of your mind, Faith?” nanlalaki ang mga matang sabi ng kanyang mama. Sinabi ni Faith ang mga dahilan maliban ang tungkol kay Troy. “Don’t give me that crap. Sa ayaw at sa gusto mo, aalis ka.” Dahil wala namang mangyayari kung mangungulit pa siya, masama ang loob na bumalik na lang si Faith sa kanyang kuwarto. Binuksan niya ang kanyang laptop para mag-email kay Lorraine. Nang mabuksan ang email, nagulat siya nang makitang nag-e-mail sa kanya ang university hospital sa Portland kung saan nag-aaral si Lorraine. Nang basahin niya ang email ay muli siyang napatili. Nabasa kasi niya na nakapasa rin siya roon. Biglang bumalik ang sigla niya at naging interesado na uli siyang umalis ng bansa. Tiyempo namang biglang nag-online si Lorraine sa Skype. Kaagad siyang nag-request dito ng video call. Nang tanggapin nito ang request niya ay kaagad niyang sinabi ang magandang balita. Gaya ng kanyang mama, masayang-masaya rin ang kaibigan niya. “You can live here in our house,Faith” excited na sabi ni Lorraine. “Yes, thank you,” sagot niya. “Paano si Troy? Are you going to try LDR?” Hindi nakasagot si Faith.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD