Chapter Three

2465 Words
SA BAYWALK PARK nakarating sina Faith at Troy at pagkagaling nila sa Iwahig Firely Watching. The place was peaceful and organized. They felt secure. Nagkalat ang mga pamilya at grupong namamasyal, lovers at foreign tourists. Palibhasa Biyernes kaya maraming tao kahit gabing-gabi na. Magkahawak-kamay silang namasyal sa paligid. At nang mapagod ay pumasok sila sa isa sa mga kainan na hindi masyadong matao. Tulad ng adobo at kalderatang kambing, first time din makatikim ni Faith ng crocodile sisig at nagustuhan din niya iyon. Nag-order din sila ng tag-isang bote ng beer. “Oh, my God! Hindi ko kayang kainin ‘yan!” buong panghihilakbot na sabi ni Faith nang ilapag ni Troy sa harap niya ang isang plato ng tamilok o shipworms na kilalang exotic food ng Palawan. It was served kinilaw style. “Try mo lang. Parang oysters lang ‘to,” alok pa ni Troy. “He! Ayaw ko nga, eh!” mariing muling pagtanggi niya. Tumatawang inilayo na nito ang plato sa kanya at ipinatong sa dulo ng table. Isa ang pagkain sa madali nilang napagkasunduan ni Troy. Tulad niya ay hindi rin ito maselan sa pagkain maliban na lang sa exotic food. Napangiti si Faith nang ayusin ni Troy sa ulo niya ang bull cap  na ipinasuot nito sa kanya kanina. Pabaligtad na iyong nakapatong sa ulo niya. Bumaling siya Kay Troy. Nagulat siya nang makitang titig na titig ito sa kanya. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. “M-May problema ba?” bahagyang may kaba sa dibdib at nakakunot ang noong tanong niya. “You’re so beautiful,” sabi nito. Naramdaman ni Faith ang biglang pag-iinit ng kanyang pisngi. Nagulat siya nang biglang umisod si Troy papalapit sa kanya at hapitin siya. “Troy…” “I’m really into you, Faith.”  Lumipat ang tingin nito sa mga labi niya at dahan-dahang yumuko.  Bago pa  makapag–react ay naramdaman na ni Faith ang pagdampi ng mga labi ni Troy sa mga labi niya. She was stunned for a second. Hindi niya malaman ang gagawin. Hanggang sa gumalaw ang mga labi ng binata. Imbes na manulak ay awtomatiko siyang napapikit at tinugon ang halik nito . Ilang minuto rin ang lumipas bago naghiwalay ang kanilang mga labi. Gumuhit ang masuyong ngiti sa mga labi ni Troy. Hinawakan nito ang kamay at hinalikan. “Tayo na ngayon, ha? Girlfriend na kita.” Na-shock si Faith sa narinig at hindi nakapagsalita. Tumawa nang mahina si Troy. “I really, really like you, Faith. I want you to be my girlfriend. You kissed me back, so it means you like me too.” “Hindi ba masyadong mabilis? Two days pa lang tayong magkakilala." “I don’t believe in courtship. What we have tonight can last forever. Ang mahalaga ay gusto natin ang isa’t-isa.” Yes, she like him, too. Kaya hindi niya itinulak so Troy at nagawa pa niyang tugunin ang mga halik nito. Nang bumaba ang tingin ng binata sa mga labi niya, alam niyang hahalikan siya nito kaya kusa siyang pumikit. Kinakabahan man sa bilis ng pangyayari ay muli niyang tinugon ang halik nito. Kapwa sila humihingal nang magtaas ng ulo si Troy. Nagkangitian sila bago muling hinarap ang inumin at pagkain at harapan sa mesa.   NAGISING si Faith sa pag-iingay ng cell phone ni Troy. Bago sila natulog kagabi ay isinet ng binata ang alarm para maaga silang magising. Nagising din si Troy at kaagad ini-off ang alarm. Binalingan siya nito pagkatapos. “Good morning,” bati nito sa medyo paos na boses. Ilang sandaling na-disorrient si Faith. Halos hindi pa rin niya mapaniwalaan na boyfriend na niya ang sikat na basketball heartthrob. At sa unang pagkakataon ay nagawa niyang matulog sa iisang kuwarto na lalaki ang kasama. Hindi kasi niya nagawang tanggihan si Troy nang hilingin nitong matulog katabi siya nang ihatid siya nito kagabi sa kuwarto niya. Hindi sapat ang dalawang bote ng beer para malasing sila kaya nasa maayos siyang pag-iisip nang pumayag.Hindi naman ito nag-take advantage at niyakap lang siya sa buong magdamag. “Good morning,” tipid ang ngiting ganting bati ni Faith. Yumuko si Troy at masuyong hinalikan siya sa mga labi. “We have to move, babe. Marami tayong pupuntahan today,” sabi nito nang mag-angat ng ulo. “All right.” Tinulugan muna siya ni Troy na makabangon bago ito nagpunta sa sariling kuwarto para maligo. Napag-usapan nila kagabi na sa susunod na araw na lang sila babalik sa Club E. Island hopping ang activity nila sa araw na iyon. Inuna ni Faith na mag-charge ng cell phone bago pumasok sa banyo. Alam niyang nag-aalala na si Lorraine sa kanya. Noong isang araw pa nang huli silang nag-usap. Nakalimutan kasi niyang mag-charge ng cell phone. Nawala rin sa isip niya ang posibilidad na tatawagan siya ng mga magulang. Mabilis siyang nag-shower. Paglabas ng banyo ay saka pa lang niya ini-on ang kanyang cell phone. Sunod-sunod na text messages ang natanggap niya mula kay Lorraine. Hindi pa man niya nababasa ang isa nang mag-ring ang cell phone. Si Lorraine ang tumatawag. “Hey, what happened to you? Bakit hindi kita makontak since yesterday?” Mahihimigan ang pag-aalala sa ng kaibigan niya. “Sorry, na-low batt ako. Ngayon lang ako nakapag-charge. How are you and your mom?” “I’m fine. Mabuti-buti na rin si Mommy. Pinag-alala mo ako. Akala ko may masama nang nangyari sa ‘yo. Tumawag ako sa hotel pero wala ka raw.” Tulad niya ay nag-iisang anak din si Lorraine kaya parang magkapatid na ang turingan nila sa isa’t-isa. Halos pitong taon na rin silang magkaibigan. Nagkakilala sila nang maging magkaklase noong college. Nagkahiwalay sila nang mag-migrate si Lorraine at ang mommy nito sa Amerika. Naiwan naman sa Pilipinas ang daddy nito na isang PBA legend at kasalukuyang college basketball coach pero hindi naputol ang komunikasyon nila. “I’m in Puerto Princesa. Kasama ko si Troy.” “Troy who?” “My boyfriend,” kagat-labing pag-amin ni Faith. “What? Tatlong-araw ka pa lang diyan, ah. How come you suddenly got a boyfriend?” naalarmang sabi ni Lorraine. “I know. But I really like him, and I think I’m falling in love with him already.” “Faith…” Ilang sandaling nag-pause si Lorraine. “Hindi ka nagpunta diyan para maghanap ng boyfriend.” Napabuntong-hininga si Faith. “I know.” “Tell me about the guy.” Nag-umpisang magkuwento si Faith. ALAS-NUEVE ng umaga nang makarating sina Faith at Troy sa reception area ng Honda Bay. Mula roon ay umarkila sila ng bangkang magdadala sa kanila sa iba’t –ibang isla. Napabuntong-hininga na lang si Faith nang muli ay tumanggi si Troy na mag-share siya sa mga bayarin. Mula pa sa Club E Resort - kung saan sila nag-lunch - ay Hindi siya naglabas ni piso. Ito rin ang nagbayad ng souvenier at pasalubong niya kay Manang Pacing. Treat daw iyon ni Troy sa kanya dahil unang bakasyon daw niya iyon sa probinsya nito. Kunsabagay, hindi naman kailangang gumastos nang malaki kapag si Troy ang kasama niya. Mula pa kahapon ay marami na silang nakuhang discounts dahil sa galing nitong tumawad. Napansin din niya na sa lahat ng pinuntahan nila ay may kakilala ito - kasama na roon ang bangkerong ng bangkang inarkila nila. Tatlo lang sila sa bangka kasama ang bangkero kaya naging intimate ang biyahe. Nakasukbit sa leeg ni Troy ang isang underwater camera at may baon din itong snorkeling gears. First stop nila ang Pandan Island. Isa iyong maliit pero napakagandang isla na dinarayo ng mga turista. Napakalinaw ng tubig at maputi at mapino ang buhangin. May mga puno rin ng niyog na nagbibigay lilim sa isla. Kumuha sila ng cottage at um-order ng fresh buko juice. Ini-enjoy na nila ang kagandahan ng paligid nang maalala ni Faith na sabihin kay Troy ang tungkol kay Lorraine. Sa pagkagulat niya,  personal palang kakilala ni Lorraine ang binata dahil ang daddy ni Lorraine ang head coach ni Troy at ilang beses nang  na-meet ng dalawang ang isa’t – isa. Gayunman, ayon kay Lorraine ay magkakilala lang ito at si Troy pero hindi matatawag na magkaibigan. Natuwa si Troy sa nalaman at sinang-ayunan nito ang sinabi ni Lorraine. “Last year na ni Coach John bilang college coach. Magre-retire na siya,” tukoy ni Troy sa daddy ni Lorraine. Huling taon na rin iyon ni Troy sa UAAP. “Yes. 'Tapos, susunod na siya kina Lorraine sa Portland,” sabi naman ni Faith. Naputol ang pag-uusap nila nang lumapit ang dalawang magagandang babae sa cottage nila para magpa-picture kay Troy. Malugod namang pinaunlakan ni Troy ang dalawa at saglit siyang iniwan. Hindi naiwasan ni Faith na makaramdam ng insecurity habang nakatingin sa dalawang babae. Paano ba naman,  kapwa naka-two piece swimsuit ang dalawa at parehong sexy. Samantalang siya ay rashguard at spandex shorts ang suot. Nakasimagot na siya nang balikan  ni Troy. “Selos ka naman kaagad,” nakataas ang isang sulok ng mga labi na sabi nito nang umupo sa tabi niya. “Hindi, ‘no,” pagde-deny niya. Mabilis siya nitong kinintalan ng halik sa mga labi. “Masanay ka na. Lapitin talaga ng mga chicks ‘tong boyfriend mo. But I assure you, faithful ako at hanggang picture taking at autograph ko lang sila mapagbibigyan.” Ngumiti na si Faith. Makalipas ang mahigit isang oras ay nagpunta na sila sa iba pang mga isla. Sa Cowrie Island sila nagtagal nang husto. Doon na sila kumain ng tanghalian. Nagpamasahe rin sila at nagpa-henna tattoo. Hapon na nang sumakay sila ng banana boat kasama ng iba pang mga turista. First time ni Faith na makasakay sa banana boat. Hindi niya akalain na ganoon pala iyon kasaya. Tumatawang nagyakap sila ni Troy nang sa huli ay malaglag silang lahat sa tubig.   WALANG kiyemeng maharot na umindak si Faith sa dance floor habang nasa likuran niya si Troy at magkadikit na magkadikit ang kanilang mga katawan. Nasa bar sila ng Club E. Hindi na  mabilang ni Faith kung ilang tugtog na ang sinayawan nila. Tulad niya ay pawisan na rin ang kasayaw. She had never done that in her entire life kaya masayang–masaya siya at ganoon din si Troy. Tulad niya ay hindi rin ito mahilig sa night life. Nang matapos ang nonstop music ay saka pa lang sila nagkasundo ni Troy na bumalik sa table nila. Mabilis namang um-order ng drinks ang binata. “I love dancing with you,” bulong ni Troy pagkaalis ng waiter. “Me, two! Masarap pa lang magwala paminsan–minsan.” Nagkatawanan sila. Nang dumating ang in–order nitong drinks ay sandali silang naging abala sa kanya-kanyang inumin. It was Faith third bottle of beer. Alam niyang nalalasing na siya pero wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya ay mag-enjoy. Ika-anim na araw na niya iyon sa Palawan na dapat ay apat na araw lang. Hindi kasi niya natanggihan si Troy nang hilingin nitong huwag muna siyang umalis at sabay na lang silang babalik sa Maynila sa makalawa. Pagkatapos ng sandaling pahinga ay nagbalik sila sa dance floor. Malalim na ang gabi nang bumalik sila sa cottage na tinutuluyan ni Troy. Nandoon na rin ang mga gamit ni Faith. Sa cottage ng binata na siya natutulog mula nang magbalik sila ng Puerto Princesa. Nagtatawanan sila nang makapasok sa loob ng cottage. They were both drunk. Pagkatapo isara ang pinto ay hinapit siya ni Troy at isinandal sa pinto. He looked directly into her eyes. Matagal silang nagkatitigan bago ito yumuko at siniil ng halik ang kanyang mga labi. They shared a sweet and very passionate kiss habang mahigpit na yakap ang isa’t–isa. Yumakap si Faith sa leeg ni Troy  nang buhatin siya nito at ihiga sa kama. Nagbuhad muna ito ng suot na polo shirt bago siya tinabihan at muling siilin ng halik. She knew she had to stop and push him away pero buong sistema niya ang nagsasabi na gusto rin niya ang nakatakdang mangyari. “I love you, Faith,” bulong ni Troy  nang mag-angat ng ulo. Imbes na sumagot ay siniil niya ng halik ang binata. Mabilis naman itong tumugon. Much later, she let him undress her.     NAPALINGON si Faith nang maramdaman ang paglapit ni Troy. Nginitian siya ng binata bago siya niyakap mula sa likuran. Ibinalik niya ang tingin sa kanina pa niya tinitignan. Dalawang batang lalaki na marahil ay pito at limang taong gulang ang naglalaro sa puting buhangin di-kalayuan sa cottage na inookupa nila. The kids were so cute and lovely kaya hindi maalis-alis ang tingin niya sa mga ito. “I want our first child to be named after me,” bulong ni Troy. Nagulat si Faith sa narinig. Nagtatanong ang mga matang humarap siya sa binata. “I have a secret dream to be a young dad para paglaki ng mga anak ko ay parang magkakabarkada lang kami. 'Tapos, may goal ako na maging good provider sa magiging pamilya ko,” he said while smiling. There were sparks in his eyes. Hinawan nito ang mga kamay niya at mabilis na hinalikan. “Let’s get married after six months from now,” seryosong sabi nito. Na-shock si Faith sa sinabi ni Troy at hindi nakapagsalita. Kahit may nangyari na sa kanila, hindi niya inaasahan ang ganoong proposal. Wala siyang naramdamang pagsisisi sa nangyari sa kanila. Troy made love to her in the gentlest way. Dahil doon, sigurado na siya na mahal na talaga niya ang binata. Kahit ilang araw pa lang silang magkakilala ay  nagawa niyang ipagkaloob ang sarili rito - bagay na makailang beses na hiniling no Lloyd na ibigay niyang pero lagi  niyang ipinagkakait. “I know, I know. Marami ka pang pangarap na gustong maabot. Pero parang masyado yatang matagal kung hihintayin pa kitang maging ganap na doktor bago pakasalan. Don’t worry, kayang–kaya na kitang buhayin. Ako na rin ang magpapaaral sa ‘yo. Malaki ang savings ko. Part-owner din ako ng resort Club E at regular na may natatanggap na divident sa mga stocks na ipinamana sa akin ng lolo ko. May restraurant business din kami ng mga kapatid ko. Ayoko pa sanang magpa-draft sa PBA this year dahil feeling ko, hindi pa ako handa sa professional league. But because I have to earn more for our soon- to- be family, I’ll do it. Magpapasa na ako ng application sa rookie draft. Sa tingin ko naman, may team na kukuha sa akin. A lot of people are predicting that I will be the first or second overall pick. Sa tingin ko, sapat na kung anong meron ako ngayon para mabuhay tayo nang mayos.” “Troy…” Hindi malaman ni Faith ang sasabihin. Naluluha na siya sa mga sinasabi nito. “Okay lang kung ayaw mo pang magkaanak agad tayo. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo. I just want us to get married first, okay?” Muli ay hindi nakapagsalita si Faith. Namalayan na lamang niya na umiiyak siya nang sapuin ni Troy ang mukha niya at pahirin ang mga luha niya. “I’ll give you time to think. I love you, Faith.” Imbes na sumagot ay yumakap siya kay Troy nang mahigpit.   MAINGAT na lumapit si Faith kay Troy para hindi magising. Ilang sandaling pinagsawa niya ang mga mata sa maamo nitong mukha. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang yumuko at hinalikan ito sa mga labi nito, saka dahan-dahan ding lumayo. Muli niyang sinulyapan ang sulat na ipinatong sa ibabaw ng bedside table. Siniguro niya na makikita  iyon ni Troy. Pagkatapos ng halos buong magdamag na pag-iisip ay nagdesisyon siyang umalis at nasa sulat na iyon ang mga dahilan  kung bakit. It was five in the morning. Tumututol man ang kanyan puso sa naging desisyon, alam niyang iyon ang mas nararapat na gawin. Humugot siya nang malalim na hininga at pinigilang mapaiyak. Dinampot na niya ang bag niya at lumabas ng cottage.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD