Kabanata 66 Pagkatapos kong kumain at magligpit ng pinagkainan ay pumunta na ako sa kwarto ni Hayden. Hindi ko alam kung ano pang pag-uusapan namin, pero sa totoo lang ay hindi ko talaga siya gustong makausap. Ang akin lang ay ayaw kong tumanggi sa harap nina Manang Helen. At ayoko ring mapaisip si Manang Helen ng dahilan kung bakit aayaw ako. “Ano pong gusto n’yong sabihin, senyorito?” tanong ko sa kanya. Nakaupo lang siya sa kama at nakatingin sa sahig. “Hindi po ba pwedeng ipagpabukas na lang?” mahinahong dagdag ko, dahil gabi na rin kasi at kailangan pa naming gumising nang maaga bukas dahil may trabaho pa sila sa factory. “No. I need to tell you now,” sagot niya bago siya tumingin sa akin. At doon ko nakita ang mga mata niyang balot ng lungkot. Tumayo siya at agad na hinawakan ang

