Kabanata 67 Naging maganda ang takbo ng mga sumunod na araw. Pansin ko ang malaking pagbabago kay Hayden. Ganoon pa rin naman siya—palangiti, bibo; pero ibang-iba na ang awra niya. Ibang-iba na ang enerhiyang nagmumula sa kanya—mas totoo, mas siya. Mas gumaan siyang kasama. Habang si Caden naman ay nagiging madalas na rin ang pagngiti niya, na halos hindi mo aakalaing hindi siya marunong ngumiti dati. Ayon sa kanya ay naging malapit na rin sa kanya ang mga kasamahan niya sa opisina sa factory, at nagugustuhan na niya ang trabaho roon dahil mas magaan na raw kumpara dati dahil nagtutulungan na sila. Maging sina Mang Ernesto ay napansin din ang pagbabago sa kambal nang minsang bumisita kami sa kanila at tumulong sa pagpitas ng mga ubas. Sabi nila ay tila ibang tao na ang kambal dahil mada

