Kabanata 82 “Ladies and gentlemen, Sky Airlines welcomes you to Manila City. The local time is 5:00 PM. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate.” Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang landing announcement ng eroplanong sinasakyan ko. Tumingin ako sa bintana at sinilip ang paligid. It’s already sunset. The day is already ending but mine has just began. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may mga importante ba akong emails and texts. At napangiti na lang ako nang mabasa ang chat sa akin ni Cherry na nasa airport na sila at naghihintay sa akin. Nang magsimula nang magsibabaan ang mga pasahero ay naghanda na rin ako. Kinuha kong muli ang cellphone ko at

